(R) Ano Ako?

34 4 0
                                    

***

3 Syllables
Tagalog

Marami na kong natikmang iba't ibang laway, marami na rin akong nahalikang labi pero kahit ganon nanatili pa rin akong birhen.😇😇

Ano ako??

***

3 Syllables
Tagalog

Palagi na lang ako nagpapa-alipin sa inyong mga tao. Kailangan niyo lang ako kapag may gusto kayong puntahan na lugar. Malayo man o malapit palaging mabilis ang dating natin.

Ano ako??

***

1 Syllable
English

Maingay kapag idinampi, pero nakakatulong ako para maipahatid ang nais na mensahe

Ano ako??

***

3 Syllables
Tagalog

Makikita sa kusina, kung iyong nais ay pira-piraso ang sangkap ako iyong number one na kasa-kasama. Pero wag ka ikaw lang ay masasaktan kapag ako ay iyong hahawakan.

Ano ako??

***

2 Syllables
Tagalog

Palagi kitang akap-akap kapag nilalamig ka. Kasa-kasama tuwing gabi. Pero iiwan din pagkatapos gamitin. Ouch! 😢

Ano ako??

BORED Ka? PROBLEMA Mo Na Yan!Where stories live. Discover now