Chapter 4

4.5K 110 0
                                    

Akira's POV


"I-itapon mo na 'yan, Aki! Dali!" Nagpa-panic na sabi sa akin na Hannah na lalong ikinakunot ng noo ko. Naguguluhan dahil pabalik-balik talaga siya sa harapan ko. Hindi ko makuha ang mga kilos niya. Ano bang meron dito sa hawak ko?


"H-huh? Bakit? Ano bang meron dito?"


Napakunot agad ang noo niya sa itinanong ko. Napatigil pa siya sa paglakad-lakad at hindi makapaniwalang napatingin sa akin. "H-hindi mo ba alam?"


"Malamang. Hindi ko naman kasi siguro itatanong sa'yo 'yun kung alam ko naman pala. Hindi ako mangangapa dito kung alam ko naman pala. So, tell me. What the hell is happening??" Akala ko ay papagalitan niya ako sa mga sinabi ko. Gano'n kasi si Hannah. Kapag hindi maganda ang sinasabi ko, pinagsasabihan niya na agad ako.  But not this time, napabuntong-hininga siya at lumapit agad sa pintuan na nasa likuran ko at ini-lock 'yun. Kahit ang bintana ay isinarado niya bago ako hinila papaupo sa living room ng room namin.


"Aki," Panimula niya na ikinatahimik ko na dahil may naramdaman akong kakaiba. Kinakabahan ako sa pwede kong malaman sa mga oras na ito. "A-ang panyong 'yan.....a-alam mo ba kung sino ang may-ari niyan?"

Doon palang. Para ng bibigay ang mga tuhod ko. Sa simpleng pagdampot ko ng panyo ay may mangyayari sa akin? "Sino?"


"S-si Wade...."


WHAAAAT? "Sino 'yun?" Hindi ko talaga siya kilala. Halos ngayon ko lang 'rin narinig ang pangalan na 'yun. Ngayon lang sa buong buhay ko.


"Do you know the gang named, Bloody Spade?"


"Hindi." Hindi ko talaga alam! At mas lalo ng hindi ko inakala na totoo palang nage-exist ang mga gangs dito!! Mas nagulat ako doon! At paano niya nalaman? Paano nalaman ni Hannah ang mga impormasyon na ito?? "Pwede ba?! Kung inaayos mo 'yang pagku-kwento mo, malamang kanina ko pa kilala 'yang sinasabi mo." Nauubusan na ako ng pasensya. Paulit-ulit siyang nagugulat kapag sinasabi kong hindi ko alam or wala akong alam. Ano bang bago doon? Eh hindi ko nga kilala 'yung tinutukoy niya. Mukha bang palakaibigan ako?


"Okay. Make sure to remember this one. Kilala kita, Aki. Don't you ever forget lahat ng sasabihin ko." Napapabuntong-hininga niyang sabi sa akin na tinanguan ko agad. Desididong malaman ang mga bagay-bagay na pwede kong malaman ngayon. "There are so many gangs in here in Sinomous University. It is famous for that one. I told you. They exist in this University. They kill people. They brutally kill them."


"Hindi na dapat ako magugulat diyan pero....kasama ba natin sila sa mga class natin? Hinahayaan sila ng dean na makasama natin? Paano nalang kung bigla tayong patayin ng mga taong 'yun?" Ang dami kong tanong at lahat 'yun hindi nasasagot! Naiinis na ako! Ano bang trip ng paaralan na 'to????!


"Aki," Saway niya na ikinabuntong-hininga ko nalang. Wala nga siyang balak man lang sagutin ang tanong ko pero nakuha niya pa akong pagalitan dahil nagtanong ako ng mga bagay na gusto kong malaman. "But also remember this...there are some gangs who we're placed in a higher position. As in higher position. Nobody can mess with them. Para kang nanghingi ng sarili mong kamatayan."


"Ang daming arte ng mga 'yan." Pare-pareho lang naman kasi bakit kailangan may rank pa?? Nauubusan na talaga ako ng pasensya sa mga nalalaman ko.


"Tss. Listen, Aki. Come on!" Natahimik na ako dahil pinagalitan na talaga niya ako. "Those gangs are named, Black Ace and Bloody Spade. The leader of Black Ace is LM."


Sinomous UniversityDonde viven las historias. Descúbrelo ahora