Chapter 7

4.3K 112 3
                                    

Akira's POV


"Aki! Bangon na may klase pa tayo!" Pang-gigising sa akin ni Hannah kaya dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at masama siyang tiningnan. Ayoko sa lahat talaga 'yung ginigising ako.


"Mauna ka na. Susunod nalang ako." Niyakap ko pa ang unan na nahawakan ko bago inilubog doon ang mukha ko. Sanay naman si Hannah na nakikita ako. Nakapanty nga lang ako ngayon habang naka-oversized shirt pero parang balewala lang naman sa kaniya.


"Okay. Hintayin nalang kita doon ha. Bilisan mo. Hindi pwedeng ma-late doon sa professor natin dahil mahigpit daw 'yon." Paalala niya na inirapan ko pa. Monday na naman ngayon. Ibig sabihin, magli-limang araw na ako sa lugar na ito. Limang araw pa lang pero pakiramdam ko ay sampung taon na ako dito! Wala akong ibang inisip kagabi kundi kung paano makakatakas sa lugar na 'to. Ang dami kong pina-plano kaya sana walang makagulo nun.


Muli ko na namang naalala 'yung sinabi ni Hannah about doon sa professor na sinasabi niya. Hindi ko pa kasi nakikilala since wala nga ako nung monday. Wala din naman siyang subject sa amin nung friday at sa kwento palang sa akin ni Hannah, hindi na talaga maganda ang kutob ko sa professor na 'yun. Pakiramdam ko hindi ko siya makakasundo.


Pero kahit tinatamad ay bumangon ako at naligo. Sinuot ko ang uniform ko na ibinigay sa akin ni Miss Gina. Unlike nung unang set na ibinigay niya sa akin, this time meron ng id ko. Hindi ko inakala na may uniform pa palang uso sa paaralan na 'to. Actually, maganda naman. Kaya lang wala ako sa mood para maka-appreciate ng mga bagay-bagay ngayon dahil madami talaga ang iniisip ko.


Kahapon kasi ay nakalabas daw si Nicole sa Sinomous University para puntahan ang pamilya niya. Hindi ko alam kung paano niya nagawa ang bagay na 'yun. Nakakapagtaka. Kami-kami lang din ang nakakaalam dahil hindi siya pwedeng ipagsabi sa iba at lalong-lalo ng hindi pwedeng malaman ni Miss Gina.


Sa katunayan, 'yun talaga ang laman ng isipan ko kagabi. Paano siya nakalabas ng hindi nalalaman ni Miss Gina? Paano? Eh ang pagkakaalam ko, siya ang may hawak ngayon sa buong Sinomous University. Malamang sa malamang, malalaman niya kung may lalabas at papasok dito pero sa case ni Nicole, mukhang hindi nalaman ni Miss Gina na nakalabas siya na labis ko talaga ipinagtataka.


Padabog 'kong kinuha ang bag ko at naglakad palabas ng room namin. May ilan pang mga estudyante akong nakakasalubong pero wala talaga akong pakialam sa kanila kaya bahala silang tingnan ako. Hanggang sa pagbaba ko ng hagdanan ay nakatingin sila. Inaano ko ba sila?? Araw-araw nilang ginagawa sa akin 'to.


Didiretso na sana ako sa building para sa first subject ko dahil anong oras na 'rin nang mapansin ang kumpol ng mga estudyante na parang may pinapanood sa harapan ng building ng subject na papasukan ko. Gustuhin ko mang balewalain kaso nakaharang kasi sila sa daraanan kaya hawak-hawak ang bag ko ay naglakad ako papalapit para makakita ng palabas. Ngayon lang kasi ako nakakita ng nag-aaway dito sa Sinomous. Well, expected ko nga marami eh pero sa ilang araw ko dito, ito palang ang una.


WHAT THE????


Muntik ko nang mabitawan ang bag ko nang makita si Hannah at Nicole na nasa gitna nung palibot kung saan ako nandoon, nakaluhod at nakayuko! At may tatlong babae ang nasa harapan nila. What the hell is happening? Kinumbinsi ko pa ang sarili ko na imposibleng sila Hannah 'yun dahil hindi naman sila kagaya kong palaaway kaso inangat nung isang babae ang mukha ni Hannah at literal na nakita ko 'yun dahil sa liwanag ngayong umaga.


ANONG NANGYAYARI DITO????


"Ouch! What the hell?! Sana nag-excuse ka man lang!" Rinig kong sabi nung mga nadadaanan ko kasi sinubukan ko talagang makapunta sa unahan kaso ang isang 'to, ayaw tumabi nakailang beses na akong nagtulak pero para siyang bato na nanatili sa harapan ko kaya mas lalo lang nag-init ang ulo ko.


Sinomous UniversityDonde viven las historias. Descúbrelo ahora