Chapter 13

4.1K 109 0
                                    

Akira's POV


Hindi ko alam kung bakit sumama ako sa taong 'to lalo na nang makaakyat kami sa kwarto ko. Pinakuha niya lang ako ng jacket ko bago ako muling hinila pababa papunta sa clinic. Ni hindi niya ako kinausap habang nilalagyan ng bandage ang braso at ang ulo ko. Naghintay lang siya sa labas. Hindi din naman ako kinausap nung nurse sa clinic dahil parang natatakot siya sa hindi ko malaman na dahilan. Basta ilang oras lang ang lumipas at okay na ulit ako. Puro bandage nga lang.


"Babalik na ako sa dorm." Salubong ko sa kaniya nang makalabas ako ng clinic. Napatingin naman siya sa kabuuan ko at natatawa akong tiningnan. "Sasapakin kita kapag tumawa ka pa."


"Tss. Anong masama sa pagtawa?" Nakakunot na ang noo niyang tanong kaya napatigil ako sa paglalakad at itinuro ang ulo ko na may bandage ngayon.


"Hindi ka pwedeng tumawa dahil ikaw ang reason kung bakit nangyari sa akin 'to. Sinugod ako nung fiancee mo dahil ang akala niya ata ay may gusto ako sayo. Tss. Takot na takot maagawan???" Masama ang loob na tanong ko at naglakad na ulit kaso humarang naman siya sa daraanan ko. "Ano na naman???"


"I'm sorry, okay? Hindi ko inakala na gagawin ni Jane 'yun. And what the fuck?? Who told you na si Jane ang fiancee ko??"


"Madami! Isa ka pa! Hindi ka naman kikilos ng gano'n kung wala lang. Sa ilang araw na nakakausap kita, alam kong hindi ikaw 'yung tipo ng tao na magpapatawag ng 'babe' kung kani-kanino. Nakakadiri kayo." Hindi talaga kasama 'yung last word sa gusto kong sabihin pero naisama pa 'rin. Hindi ko na kasalanan 'yun.


"Let's go somewhere." Hila niya sa braso ko na ikinakunot agad ng noo ko dahil ang bilis niya maglakad! Baka nakakalimutan niya na galing ako sa bugbog????



"Dito? Anong meron dito?" Nagtataka kong tanong dahil nandito kami sa malaking puno kung saan malakas ang signal. Dito din 'yung unang araw na nagkita kami. Uh, wag niya sabihin na nahawa na siya ni Lance na gustong-gustong pinupuntahan 'yung mga ganitong lugar???


Normal pa ba silang dalawa???


Napatingin agad ako sa kaniya nang alalayan niya ako papaupo sa inilagay niyang jacket niya sa sahig malapit doon sa puno. Wala na 'rin naman akong nagawa at hindi na ako nagreklamo dahil gustong-gusto ko na 'ring umupo. Nangangalay ang paa ko kakatayo.


"Bakit ba lagi ka nalang kasali sa gulo?" Inis na tanong niya sa akin habang sinisipat ang bandage sa braso ko. Inirapan niya pa ako nang mapatingin siya sa bandage na nasa ulo ko.


"Parang ginusto ko naman na mapasali sa gulong sinimulan nung walang magawa mong girlfriend. Tsaka isa pa, hindi ko sinabing pati 'yung bagay na 'yun ay pakealaman mo pa." Tama naman ako. Wala naman akong sinasabi sa kaniya. Ni hindi nga ako nanghingi ng tulong. Bigla nalang siyang dumarating sa tuwing nasa gano'ng sitwasyon ako.


"Hindi ko 'rin talaga alam na sa tuwing nasasaktan ka ay nagagalit ako." seryoso niyang sabi na ikinatahimik ko. Naninibago ako sa kaniya. Naguguluhan daw siya. Mas naguguluhan ako! Dahil hindi naman siya ganito sa akin!! Kapag nagtuloy-tuloy siyang ganito, natatakot na ako para sa sarili ko. Wala na kasi akong tiwala sa sarili ko pagdating sa kaniya. "Why? Ano bang gusto mong pakealaman ko?" Taas kilay na tanong niya bigla kaya napaiwas ako ng tingin. Nakatitig kasi ako sa mukha niya nung nakatingin lang siya ng diretso sa araw na papalubog na ngayon tapos bigla siyang lilingon ng ganiyan.


"B-bakit ako ang tinatanong mo? Hindi ko kontrolado ang buhay mo. Kaya mo na ngang magdesisyon ng hindi naaayon sa batas sa lugar na 'to." Nagpapaintindi na sabi ko dahil 'yun naman ang totoo. Pumasok sila sa dormitory ng girls. Bawal 'yun dito sa Sinomous University pero parang wala namang lakas ng loob 'yung mga nanonood kanina para magsumbong. Isa pa, kagaya nga nung nakaraan ko pang napapansin. Hindi ko talaga siya nakikitang pumapasok sa mga klase niya. Nag-aaral pa ba ang isang 'to?? Nakauniform naman siya pero bakit hindi siya pumapasok dito??


Sinomous UniversityWhere stories live. Discover now