Chapter 33

3.3K 90 0
                                    

Wade's POV


Ramdam ko ang paglaglag ng picture na hawak ko but I didn't get it. Talagang nanatili ang paningin ko sa babaeng 'yun. Her uniform fits her body perfectly. Ang mahaba niyang buhok ay talagang halatang inaalagaan dahil bagsak na bagsak 'yun pero bakit gano'n? Kilos lalaki siya?


"What the hell are you doing????" Inis na tanong niya sa tatlong babae na nambu-bully kanina. That's brave, huh? "Is this part of your hobby? Inaraw-araw niyo naman na ata. Kahapon ko pa kayo nakikita dito. At hindi na ako natutuwa dahil nawawalan ako ng gana kumain ng meryenda."


"At ikaw na naman? Don't you know how to mind your own business??? Hindi 'yung kami ang ginugulo mo dito. Kung naiinggit ka sa amin, why don't you do it also?? Kahapon mo pa ipinagtatanggol ang mga nakakausap namin. Ano bang trip mo, ha?? May problema ka ba sa amin??" Sabi nung isang babae sa kaniya na ikinairap niya agad.


Pfft.


This is interesting...


"Wow! Ang ganda naman ng advice niyo! Life changing! Pero, excuse lang ha?! Ayusin ko lang 'yung sinabi mo. Of course to make it clear since mukhang magugulo ang buhay niyo...." pfft. This is funny. "I will not follow what you are doing right now because it's useless and nonsense. Only stupid people will probably do that. Hindi niyo ba alam ang bagay na 'yun? Well, mukhang hindi niyo nga alam."


"What are you saying???!"


"Wala naman. Hmm. Just allow me to ask this important question, are you stupid or kulang lang talaga kayo sa atensiyon at dito niyo naisipan na magpapansin?"


"W-what did you just said?!" Hindi makapaniwalang tanong nung isang babae na ikinairap niya ulit. Kanina pa siya ganiyan. Halatang naboboring na sa nakikita sa harapan niya.


"Kung hindi mo narinig 'yun, edi bingi ka. Pero kung hindi mo naintindihan 'yun, edi bobo ka nga. Oh my god! Ang mahal mahal ng tuition dito tapos bobo ka lang pala???!"


"Bitch!" Kikilos na sana ako dahil nakita ko 'rin ang pagkilos nung mga babae. But I guess, she doesn't need my help. Because she fought back.


"I'll count until ten!! Kapag hindi pa kayo umalis sa harapan ko, isa-isa ko kayong sisikmuraan!!!!" Ohhh, scary. "One!" Galit na sigaw nito at sinamaan ng tingin ang mga babaeng nasa harapan niya matapos hilahin 'yung babaeng binubully at inilagay niya sa likuran niya.


"Don't you know me?! We owned this University!!!"


"Anong pakialam ko?!" Masungit na sabi niya. "Wala namang kwenta 'tong University niyo. Wala akong natututunan. At ang bobo mo pero ikaw pala ang may-ari nito! Kaya naman pala brainless din ang mga student dito!!"


Pfft.


"W-what?"


"Dalawa! Kapag ito umabot ng tatlo, magpapagawa talaga kayo ng panibagong katawan!!" Muling sigaw niya at wala pa atang ilang minuto ay nawala na sa harapan niya 'yung mga babae kanina.


Tss.


I don't know but I found her interesting. I mean, she's good, huh? She knows how to fight? That's awesome! Talo niya pa 'yung ibang student sa Sinomous University.


"The fuck bro?!" Gulat akong napatingin kay Peter nang sigawan ako matapos makabili nung sinasabi niyang gusto niya. Dali-dali niya pang dinampot 'yung picture na nahulog ko. Hindi ko pala nadampot. Tss. "What are you doing???? That's their daughter oh! Ano ka ba?! Nandito ka pa ba?! Tara! Sundan natin!"


Sinomous UniversityWhere stories live. Discover now