Chapter 11

4K 116 0
                                    

Akira's POV


Lumipas na naman ang isa pang araw at kinailangan ko ng pumasok sa mga subjects ko dahil nga dalawang beses na akong hindi pumasok ngayong isang linggo. It sucks. Hindi ko pa 'rin maiwasang hindi hanapin si Hannah. Napapanaginipan ko pa 'rin 'yung araw na 'yun. Kung hindi man 'yun, napapanaginipan ko si Hannah na kasama ako. Minsan gumigising akong umiiyak, minsan naman ay kinakabahan ako sa hindi ko malaman na dahilan.


Tinulungan ko lang si Nicole kahapon na magkabit ng mga photo ni Hannah sa bulletin board. Muntik pa akong mapaaway dahil ang babastos ng mga students pero mabuti nalang, nandoon si Nicole at napigilan ako.


Gusto kong basagin pagmumukha nung lalaking 'yun. Ngayon ko lang siya nakita pero naiirita na ako.


*sighs*


At dahil sobrang lalim ng iniisip ko, ngayon ko lang napansin ang pag-iwas ng mga estudyante sa akin. Na parang sa tuwing malapit ako sa kanila ay mapapahamak sila dahil literal na lumalayo sila sa akin. Pabor naman sa akin kaso bakit OA na 'yung paglayo nila? Wala naman akong ginagawang masama sa kanila. Tss.


If they don't like me in here. Ano pa sa akin, hindi ba? Ayaw ko na 'rin sa sarili ko na nandito. Dapat ay hindi na ako pumunta dito. Hindi ko tuloy makuha 'yung punto nila Mommy kung bakit nila ako pinapunta dito. Hindi ko sila maintindihan.


"What's with that face?" Nakangiwing tanong ni Lance na bigla nalang din sumulpot sa harapan ko. Dahil sa presensiya niya, mas lalo lang lumayo sa akin ang mga tao na kahit ang pagtingin sa akin ay hindi na nila magawa. Napansin din naman ni Lance 'yun pero parang balewala nalang sa kaniya. Sabagay, baka nga mas nilalayuan siya kesa sa akin knowing na leader siya ng isang grupo na labis talagang kinakatakutan dito sa Sinomous University.


"What do you need? Ang aga-aga pa para demonyohin ako." Nakangiwing sabi ko at pumasok na sa loob ng room pero sumunod din siya agad sa akin at talagang umupo pa sa harapan ng table ko. Pinaalis niya 'yung nakaupo doon. Talaga naman 'tong si Lance. Gusto ko man siyang sawayin kaso alam ko namang hindi siya makikinig sa akin. Matigas ang ulo ng isang 'to.


"Wala ka sa mood? Tss. Early in the morning, seriously? Bad vibes! Hindi maganda ang ganiyan, Akira! Ngumiti ka naman! Paano kaming ang ngiti mo lang ang bumubuo sa araw namin?? Edi, wala na???" Hinawakan ko kaagad ang tainga niya at inilapit sa akin. Pinandilatan ko talaga siya ng mata.


"Ang ingay mo. Ano ba 'yun?" Tinanggal ko na ang hawak ko sa kaniya at kunot noo siyang tiningnan.


"Ngumiti ka lang. 'Yun lang talaga 'yung gusto ko tapos aalis na ako." Napairap agad ako sa sinabi niya at tinaasan siya ng kilay. "Ay, hindi ganiyan! Nako, ano ba 'yan! Mas maganda ka kapag nagsusungit. Magsungit ka na nga palagi."


Napabuntong-hininga ako sa sinabi niya na ikinalingon niya naman. Dahan-dahang nawala ang ngiti sa labi niya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. "Please. I'm not really in the mood right now, Lance. As much as I wanted to talk to you, maiinis lang ako." Nauubusan na pasensiya na sabi ko. Naghahangad na sana ay maintindihan niya ang sinasabi ko. Ayoko naman siyang saktan pero baka pati siya maaway ko kung guguluhin niya ako ng ganito. "Lubayan mo muna ako, hmm???"


"Aww, Boss! Basted ka na agad!" Biglang sulpot ng mga kaibigan niya at bahagya pang tinawanan si Lance na tiningnan lang sila ng masama. Napunta tuloy sa amin ang atensyon ng lahat ng mga kaklase ko dahil sa ingay ng mga kasamahan ni Lance na talagang pumunta pa dito. Halos mapuno ang room namin. Wala bang mga klase ang mga 'to????


Sinomous UniversityWhere stories live. Discover now