Chapter 38

3.3K 75 0
                                    

Hannah's POV


"What the hell are you saying????!" Galit na tanong ni King Rover at talagang nilapitan pa ang lalaking nasa harapan namin. Ito ang unang beses na nakita ko siyang ganiyan dahil hindi naman masiyadong nagpapakita ng emosyon si King Rover sa harapan ng maraming tao.


Isa lang ang ibig sabihin nito, may hindi magandang nangyari.


Kinakabahan ako.


Natatakot ako..


"What?? Akala ko ba ay matatalino kayo? Tss. But in the end naman pala, ako pa 'rin ang panalo. Sa akin pa 'rin ang huling panalo. Hindi niyo ba naisip kung bakit masiyadong maluwag ang bantay sa lugar na 'to? Sinadya ko 'yun dahil alam kong hindi ko na kailangang magsayang ng oras sa inyo dahil nakuha ko na ang gusto ko." Sabi nito at lumingon kay Miss Gina na ngumisi lang sa kaniya.


Shit...mali ang naiisip ko.


Imposibleng mangyari 'yun.


"Ang totoo niyan, dapat 'rin ay matagal na naming napatay ang mga tao dito sa Sinomous University. Madali lang namang gawin 'yun. Pero hindi namin ginawa dahil sa ilang dahilan para makuha ang tagumpay kapag dumating ang oras na 'to." Naikuyom ko ang kamao ko sa sinabi niyang 'yun. Hindi lang kami ang may magandang plano. Pati ang taong nasa harapan namin. Masiyado namin siyang minaliit. Akala ko 'rin ay magiging maayos na ang lahat pero nagkamali na naman ako. "Kahit anong kagustuhan niyong hulihin kami ay hindi kayo magtatagumpay sa katotohanang sa simula palang ay panalo na kami."


"Ano bang sinasabi mo, Dad??" Naguguluhan na tanong ni Nicole.


"Bakit hindi niyo hanapin ngayon kung nasaan si Akira?"


*dugdug* *dugdug*


No...


Impossible...


Kinuha nito ang baril na hawak niya at walang pag-aalinlangan na itinutok sa aming lahat. May mga lumabas 'rin na tauhan niya at tinutukan kami ng baril ngayon.


"Where's the little girl named.....Akira?" Natatawa niyang sabi pero napunta na ang atensyon namin kay Tam na hinihingal na pumunta dito. Lahat ng atensiyon namin ay napunta sa kaniya.


"What are you doing here? Where's Akira?" Nagtatakang tanong ni King Rover kaya naikuyom ni Tam ang kamao niya at kunot-noo pang tiningnan ang mga tao sa harapan namin bago nagbalik ng tingin kay King Rover.


"May kutob na akong gagawin niya 'to. I knew it kaya nag-ingat ako. But——I'm really sorry to tell you na natakasan pa 'rin ako ni Akira sa palasyo. I didn't know what to do. Ang huli niya lang sinabi sa akin ay siya lang daw ang makakatapos ng gulo na nangyayari dito and then she locked me inside. Wala 'rin akong nahingian ng tulong kaagad kaya nahuli ako. I'm sorry, King Rover. I'm really sorry."


"W-what? That's impossible! You are her protector! Dapat ay hindi mo hinayaang mangyari 'yun!" Hindi makapaniwalang sabi ni Andrei at agad kinuha ang cellphone niya para tawagan si Akira.


Napatingin naman ako kay Tam na mahina ng nagmumura ngayon. Wala naman talaga siyang kasalanan doon pero sana ay maintindihan niya 'rin 'yung nararamdaman ni Andrei. Ngayon na nga lang ulit niya nakilala ang kapatid niya, mawawala pa.


"Kailan siya umalis?" Diretsong tanong ng daddy ni Akira kay Tam kaya napatingin sa kaniya ito.


"Halos ilang minuto na po simula nang makaalis kayo. Akala ko ay nandito siya kaya dito agad ako pumunta but....." inilibot niya ang paningin niya sa paligid at muli lang napabuntong-hininga. "I'm really sorry."


Sinomous UniversityWhere stories live. Discover now