Chapter 28

3.5K 94 0
                                    

Hannah's POV


"Ano bang problema mo? Pwede ba, Mendez?! Tigilan mo 'ko, okay?? Wala akong panahon para makipagbiruan sayo." Inis na sabi ko at tiningnan ng masama si Patrick. Nasa labanan ako pero istorbo siya. Ano ba kasing trip ng isang 'to at ako na naman ang pinagti-tripan??


"Hoy! Masaktan lang talaga si Hannah, lagot kayo sa akin! Lagot talaga kayo!" Sigaw niya sabay baril sa kalaban na ikinairap ko. Naglakad na siya palayo sa akin at muling may tinamaan.


Nagpapasikat. Hindi naman gwapo.


Pumunta kami dito para makuha si Aki. Hindi ko naman ginusto na maglihim sa kaniya. Hindi ko ginusto 'yun. Ginawa ko lang talaga ang bagay na 'yun para maprotektahan siya. Kagaya ni Wade, ginawa ko lang kung ano 'yung sa tingin kong tamang gawin para lang mailigtas siya.


Hindi ko alam kung ilang beses na akong nagdasal na sana maging maayos na kami ni Aki. Siya nalang 'yung taong alam kong hindi ako iiwanan. Ayokong mawala si Aki sa buhay ko. Hindi ko kaya. Alam kong hindi ko kaya. Baka mabaliw ako.


Napunta ang atensiyon ko nang biglang bumaril sa pwesto ko si Patrick. Talagang muntikan na akong matamaan doon kaya sinamaan ko agad siya ng tingin.


"Papatayin mo ba ako????!" Inis na sigaw ko na ikinataas agad ng kilay niya. Ang lakas pa ng loob niyang maglakad papalapit sa pwesto ko na parang walang kalaban sa harapan namin.


"Ang lalim ng iniisip mo. Halos hindi mo na namalayan na merong tao sa likuran mo. Seriously, Hannah? Ilang beses bang kailangan sabihin sayo na you need to be focus kapag nasa ganitong sitwasyon? Set aside those things." Sabi niya at bahagyang itinuro ang lalaking wala ng buhay sa likuran ko. Tss. Ang dami ko kasing iniisip.


Ilang minuto ang nakalipas at sa wakas ay naubos na namin ang mga tauhan nung siraulong Troy. Alam ko na may gusto siya kay Aki. Hindi naman nakakapagtaka 'yun. Alam ko 'rin na hiniling niya sa mga magulang ni Aki na kapalit ng pagpatay sa magulang niya ay ang pagpayag sa pagpapakasal niya kay Aki na hindi naman sinang-ayunan ng parents ni Aki. Kaya nga siya itinago dito sa Sinomous University dahil kay Troy. Natagpuan niya kasi si Aki sa labas ng Sinomous. Unlike dito, mahigpit ang bantay. Kaso masiyadong matalino si Troy dahil nakakuha pa 'rin siya ng paraan para makita at makausap si Aki dito.


Pero alam ko namang hindi papayag si Wade na mangyari 'yun. After niyang malaman na makikipagkita si Aki kay Troy, nakabuo na agad siya ng plano using our phones. Yes, we have phone which is prohibited dito sa Sinomous. But who cares? Kami-kami lang naman ang nakakaalam. So back to the topic, si Wade ang nagplano nito. And seeing him killing all these people for Aki? Napangisi nalang ako.


"Where are they?" Kunot-noong tanong ni Lance kay Peter na nag-aayos ng baril sa tabi ko. Yes. Tama kayo. Ang Bloody Spade at Black Ace ang kasama namin ngayon. Nakakagulat din ang bagay na 'yun pero si Lance 'to eh. Alam ko namang gagawin niya ang lahat para sa kaligtasan ni Aki.


Hanggang ngayon talaga humahanga ako sa kaniya. Because he's so good at hiding his feelings. Alam ko na ang nangyari. Dati hindi ako naniniwala doon sa mga napapanood kong movies na nagpaparaya 'yung second lead kasi hindi ko talaga makuha ang point nun. They like that girl pero ibibigay nila sa ibang tao? That's so weird but seeing Lance right now, masasabi kong mahirap pala talagang gawin 'yun but he need to do it.


Para na 'rin sa sarili niya.


That's why I respect him so much. But not this idiot....


"Oh, crush mo 'ko?" Nakangising tanong ni Patrick na kanina pa pala nasa tabi ko.


"Naririndi ako sa bunganga mo." Masungit na sagot ko bago tumingin kay Peter na natawa pa muna sa amin bago sinagot ang tanong ni Lance.


Sinomous UniversityWhere stories live. Discover now