Chapter 34

3.4K 71 0
                                    

Someone's POV


"Hindi pa ba natin sila papatayin lahat? Umaandar ang oras. Ayoko ng naghihintay ng ganito katagal. Alam mo 'yan. Kaya kumilos na tayo." Inis na sabi ni Gina sa akin kaya naikuyom ko agad ang kamao ko. Akala niya ba siya lang ang hindi natutuwa?? Gusto ko ng sumugod doon kaso hindi ako tanga para gawin 'yun. Hindi ko sasayangin ang mga plinano ko dahil lang sa galit ko ngayon.


"We don't need to do that anymore. May mga plano na ako na mas makakabuti para mas makuha natin ang kailangan talaga natin."


"What do you mean?" Nagtataka niyang tanong pero sumimsim lang ako sa kape na nasa lamesa ko bago siya muling tiningnan. "Anong plano? Ano bang sinasabi mo? Hindi ko maintindihan. Wala ka namang sinasabi nitong mga nakaraang araw."


"Simple lang." nakangisi kong sabi sa kaniya. "Dahil siya na mismo ang pupunta sa atin."


Peter's POV


I can't believe her. Hindi ako makapaniwala na nakatingin sa kaniya. Hindi naman na bago sa akin na nasa harapan ko siya pero ewan ko ba at may kakaibang epekto 'yung ngayon. Parang may mali.


"I'll tell it. Kailangan na nilang malaman." Napalingon ako kay Nicole sa sinabi niyang 'yun. Nakakuyom din ang kamao niya na mas lalo kong ipinagtaka. Ano bang nangyayari sa kaniya? Akala ko ay napag-usapan na namin ito.


"W-what? What do you mean?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Kita ko pa ang pag-iwas niya ng tingin sa akin kaya mas lalo lang nag-igting ang panga ko. Tama nga ako. Ayoko talaga 'yung mga desisyon na gano'n. Ilang beses na naming pinag-usapan at pare-pareho lang naman ang isinasagot niya pero ngayon. Biglang nagbago. Hindi ko alam kung bakit. "Do you want to die? Kasi kung gusto mo, ako na gagawa! That is so dangerous! Ano bang pumasok diyan sa utak mo at bigla mo na naman binabago ang plano??! Akala ko ba napag-usapan na natin 'to???!"


"I have no choice, Peter! Can't you understand me?! Wala akong ibang choice! Kailangan ko ng kumilos, okay?! Kasi kung hindi, mas maraming tao ang mapapahamak at ayokong mangyari 'yun!" Umiiyak niyang sabi na mas lalo lang nagpasakit sa dibdib ko.


"What the fuck?! So, you think sacrificing yourself will fix it?! Na mas okay na ikaw nalang ang mapahamak???? Gano'n ba??! Hindi mo ba naisip, ha??! That's your dad!! He knows your secrets! Your weakness!! Kapag gumawa ka ng isang bagay na hindi naaayon sa plano niya, ikaw ang malalagot! Naiintindihan mo ba ako???!" Shitt! Bakit ba napunta kami sa ganitong sitwasyon? Okay na lahat, ah. Okay na si Akira. Okay na dito sa palasyo. Maayos na 'rin ang plano namin. Anong nangyari ngayon?


"I know! He will kill me! My dad will probably kill me!! Pero ano bang pakialam ko doon???! I'm protecting my friends!!!!That's the only thing I can do for them! Kahit 'yun nalang! Kaya kong gawin 'yun!"


"Eh paano kami???!" Kita ko ang pagtigil niya sa sinabi kong 'yun. "Ha? Paano?? Hindi mo ba naisip na hindi ayos sa mga kaibigan mo kung gano'n ang gagawin mo? Kung isasakripisyo mo 'yung sarili mo???! Nahihibang ka na ba?!"


"Think whatever you wanted to think! But I won't change my mind! Hindi ko na babaguhin 'yun! Sasabihin ko sa kanila na si Daddy ang may plano ng lahat! Na siya talaga ang kalaban nila dito! I can't pretend anymore! Ayoko na mabuhay ng ganito!"


Totoo ang narinig niyo. Her dad is our enemy. At hindi ako makapaniwala! Hanggang ngayon ay hindi pa 'rin ako makapaniwala! Paano nangyari 'yun??! Ang babait naman ng mga anak niya kaya paano nangyari 'yun???!


Sinomous UniversityWhere stories live. Discover now