Chapter 10

4K 99 1
                                    

Akira's POV


"I'm really sorry, Aki. I know you will not forgive but please always remember that I'm here for you." umiiyak na sabi ni Hannah na ikinakunot agad ng noo ko.


"Huh? Bakit? May nangyari ba??"


"May nagawa akong kasalanan. Patawarin mo 'ko. Patawarin mo ako sa mga bagay na kailangan kong sabihin sa'yo."


"A-ano bang ginawa mo?" Naguguluhan talaga ako sa kaniya. Hindi naman siya 'yung tipo ng tao na nanghihingi ng sorry kapag hindi naman talaga gano'n kalala 'yung kasalanan niya dahil alam niyang patatawarin ko naman siya. Pero ngayon. Umiiyak siya sa harapan ko. Kulang nalang ay lumuhod siya para lang mapatawad ko siya sa kasalanang hindi niya masabi-sabi sa akin.


Hindi ko na alam. Gulong-gulo na talaga ako dahil hindi ko 'rin maigalaw ang katawan ko. Hindi ako makalakad papalapit sa kaniya.


"I-i'm sorry, Aki. I really do." Tumakbo na agad siya papalabas na ikinamaang ko dahil hindi ko inaasahan na aalis siya nang hindi pa man lang sinasabi sa akin kung bakit siya umiiyak pero kagaya ng nangyari kanina, hindi ko talaga maigalaw ang katawan ko. Hindi ako makakilos ng maayos.


"Teka! Sandali! Hannah! Hannah!"


Agad akong napabangon sa higaan ko dahil sa nangyaring 'yun. Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Para akong tumakbo ng malayo mapuntahan lang si Hannah. Anong nangyari sa akin? Ano 'yun? Ano ang ibig sabihin ng panaginip na 'yun??


Pero ang pinaka-tanong ko talaga ngayon ay anong nangyari??? Ang pagkakaalala ko ay nasa labas ako kanina pero ngayon nandito na ako. Hindi ba't may mga kaaway pa ako kanina?? Paano——anong ginagawa ko dito sa kama ko ngayon??


Sinubukan kong kumpirmahin na room ko 'to pero tama naman ako. Nandito ako ngayon. Hindi ko na 'rin kasi alam ang sumunod na nangyari dahil nahimatay na ako. Palagi nalang akong nawawalan ng malay kapag gano'n. Sinabihan na 'rin naman ako ni Mommy. Kapag sobrang umiiyak daw ako, o kaya naman sobrang pagod ko, nawawalan daw ako ng malay. Kaya as much as possible talaga, ayaw ako payagan nila Mommy na umalis ng umalis dahil nag-aalala sila sa mangyayari sa akin sa labas.


Hindi ako makapaniwalang ngayon lang nagsink-in sa utak ko ang mga bagay na 'yan. Kung kelan hindi ko na kasama sila Daddy. Kung kailan nag-away na kami tungkol sa mga bagay na ganito.


Sinubukan kong tumayo para sana kumain o uminom man lang ng tubig pero bigla akong nahilo kaya napaupo na naman ako. Ano bang nangyayari sa akin? Bakit pagod na pagod ako ngayon? Umaga na 'rin ngayon. Natanaw ko na ang sikat ng araw na nagmumula sa bintana ng room ko.


"Akira, gising ka na pala." Napalingon agad ako kay Nicole nang bigla siyang pumasok sa pintuan at agad akong nilapitan. "Ang tagal mong tulog."


"Si Hannah?" Kita ko ang pag-iwas niya ng tingin sa akin dahil sa naging tanong ko. Alam ko na ang ibig sabihin nun pero nasasaktan pa 'rin ako.


"W-wala pa 'rin akong balita Akira, sorry. Sinubukan ko ng mag-print ng picture niya para mailagay sa mga bulletin board. Ako na ang bahala doon kaya wag ka ng mag-alala." Natural na sabi niya habang inaayos ang kama ko na ikinabuntong hininga ko.


Paano ko ba siya hahanapin? Naiiyak na naman ako. Hindi ko alam kung okay ba ang kaibigan ko o hindi. Kahit man lang malaman na okay siya, okay na sa akin 'yun. Kahit 'yun nalang.


"Nagsabi ka na ba kay Miss Gina?" Tanong ko sa kaniya pero umiling agad siya kaya sinubukan ko talaga at kinuha ang natitira kong lakas para tumayo at kunin ang jacket ko na nakasampay pa sa cabinet ko. Nakashort at t shit nalang kasi ako ngayon. Malamang ay pinalitan na ako ni Nicole dahil basang-basa ako ng ulan kagabi.


Sinomous UniversityWhere stories live. Discover now