Chapter 35

3.3K 76 0
                                    

Lance POV


Napatingin ako sa kwarto ni Akira at napabuntong-hininga. Ilang araw kaming hindi nag-usap ni Akira dahil nga tulog siya pero hindi pa 'rin ako nagkaroon ng lakas ng loob na harapin siya nang malaman na nagising na siya. Mukhang maayos naman na sila ni Wade kaya hindi na ako kailangan doon.


Ang totoo niyan, ilang araw ko 'ring inisip 'yung ginawa kong pagpaparaya. Pinalaya ko 'yung babaeng gustong-gusto ko. Hindi ko alam kung tama ba 'yung ginawa kong 'yun pero ngayong nakita ko siya, mukhang tama naman ang ginawa ko.


Masaya na silang lahat. Ayos na sa akin 'yun.


Pero hindi ko 'rin maitanggi na mapatanong. Saan naman kaya ako makakahanap ng isa pang Akira? May makikilala pa ba akong babae na mas hihigit sa nararamdaman ko sa kaniya?? Kaya ko bang kalimutan siya??? O minsan naman napapaisip ako na paano kaya kung itinuloy ko 'yung nararamdaman ko?? Paano kung lumaban pa 'rin ako kahit alam kong talo ako???


Halos palagi kong naitatanong 'yan sa sarili ko. Gustong-gusto ko kasi talaga siya. Kaya minsan ko na 'rin inisip na maging makasarili para lang sa kaligayahan ko.


Wala naman kasi akong balak na magustuhan talaga siya ng ganito. Nung una, balak ko lang siyang asarin kasi natutuwa ako sa reaksiyon ng mukha niya tsaka siya ang usap-usapan sa Sinomous. Idagdag mo pa 'yung kaalaman ko kung sino ba talaga siya. Pero wala eh, gano'n ata talaga. Hindi ko inakala na magugustuhan ko siya. Mapaglaro talaga ang tadhana. At hindi ko inaasahan na isa na siya sa naging pahinga ko sa napakagulong lugar na 'to.


Pero wala na akong pwedeng gawin kundi ang i-let go siya. Para sa kaligayahan ng lahat. Para sa katahimikan ng mga puso nila.


Naglakad na ako paalis dito sa dining hall ng palasyo at dumiretso sa meeting room dahil ipinatawag daw ako. 'Yun naman talaga ang sadya ko dito pero dinaanan ko pa si Akira.


Ilan pa ang bumati sa akin na tao dito sa lugar na 'to bago ako tuluyang pumasok kung saan ko naabutan ang King at Queen Rover na napatingin pa sa akin ng sabay. 'Yung Daddy at Mommy din ni Akira ay nandito at si Andrei na mukhang malalim ang iniisip.


Umupo na ako sa isang upuan at nakinig sa sinasabi nila. Napalakas pa ata ang buntong hininga ko nang nasa kalagitnaan na sila ng sinasabi nila kaya lahat sila ay napatingin sa akin.


"Is there something wrong, Lance? What's bothering you?" 'Yan agad ang tanong sa akin ni King Rover kaya hindi na ako nag-isip at nagsabi na ng isa pang reason kung bakit ako pumunta dito.


"Dumaan ako sa Sinomous University kanina bago pumunta dito." Kita ko ang pagseryoso ng mga itsura nila nang mabanggit ko palang ang Sinomous University. Sila naman ang bumuo nun pero dahil sa mga naging sakim sa kapangyarihan, nawala sa mga kamay nila ang maayos na University na 'yun. "Naghanap ako ng evidence na magagamit natin to prove that they did that to us but I can't find anything. They are good. Malinis at wala ka talagang makukuhang evidence."


"Doon nga sila magaling eh. And what more? They killed some students. Innocent victims. Innocent people." Namo-mroblemang sabi ng King na ikinaiwas ko ng tingin.


Hindi ko 'rin akalain na gagawin nila 'yun. Bakit kailangan nila saktan ang mga taong wala namang ginawang masama sa kanila?? Hindi ko maintindihan ang takbo ng utak ng mga gano'ng klaseng tao.


Tss. Bahala na.


Napalingon kaming lahat sa pintuan nang biglang pumasok doon si Peter, Nicole, Hannah at Patrick na agad ikinakunot ng noo ko.


Sinomous UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon