Chapter 26

3.6K 96 0
                                    

Akira's POV


Hindi ko alam kung bakit kailangan mangyari sa akin ang bagay na 'to. Paulit-ulit ko talagang itinatanong sa sarili ko ang bagay na 'yan dahil kanina pa nagtitinginan sa akin ang mga estudyante ng Sinomous University. Wala namang bago dito pero unlike nung mga nakaraang araw na kung samaan nila ako ng tingin ay talagang kakabahan ka, ngayon wala na ang masamang tingin na 'yun dahil sa takot na baka mahuli sila ng mga taong nasa paligid ko. Paano ba naman? Ang buong gang lang naman ni Wade ay nasa likuran ko. Tapos ang malala pa, wala 'yung leader nila! Kaya mukhang ako 'yung namumuno dito.


Hindi ko alam kung saan siya pumunta kaninang umaga pero pagkagising ko ay wala na siya at paglabas ko ng girl's dormitory, naghihintay na sa akin sila Peter.


"Akira, come on say it. Where did he sleep? Curious lang talaga ako." Pangungulit sa akin ni Peter kaya agad ko siyang tiningnan ng masama.


Ang kulit-kulit niya! Kanina niya pa itinatanong sa akin 'yan.


"Seriously? What do you want me to tell you?" Nauubusan na pasensya na tanong ko kaya lahat sila ay napatigil na 'rin sa paglalakad. Halata naman kasing may gusto siyang malaman. Hindi niya naman siguro ako kukulitin ng ganito kung wala naman pala. "Para naman tigilan mo na ako."


Kita ko ang pagngisi niya sa sinabi ko at talagang tiningnan pa ang mga ka-grupo niya bago tuluyang nagtanong sa akin. "Gusto kong marinig na sabihin mo na doon nga natulog si Wade sa room mo at magkatabi pa kayo. Akira, hindi mo alam kung gaano kahalaga ng impormasyon na 'yun. Naninibago kasi talaga kami kay Wade kaninang umaga. Nakangiti siya, pre. Sinong hindi magugulat doon? Madalas naman ay nakasimangot 'yun." Napairap ako sa sinabi niyang 'yun. Sabi ko na nga ba at 'yun ang gusto niyang malaman.


"Nasisiraan ka na ba ng ulo? Tss. Wala kang mapapala sa akin, Peter. So please, tigilan mo ko. Hindi ko alam kung bakit nakangiti si Wade kanina." sabi ko at naglakad na paalis dahil naririndi talaga ako sa kaniya pero napatigil din agad at napatingin sa mga ka-grupo ni Wade na balak pa atang sumunod sa akin dahil narinig ko 'rin ang pagkilos nila nang humakbang ako. "Don't you dare follow me."


"Pero mapapagalitan kami ni Wade. We need to follow him. We need to protect you. Whether we like it or not, wala kaming magagawa doon." Nagpapaintindi na sabi niya na parang napaka-importante talaga ng inutos sa kaniya.


Bakit ba takot na takot sila doon?


"Tss. Ako na ang bahala sa kaniya. Kakausapin ko nalang mamaya. So, don't follow me. Understand?"


"Alright." Napapatangong sabi ni Peter at bahagya pang tinapik ang balikat nung lalaking katabi niya. "We will follow your order but first, answer my question."


Hindi pa 'rin siya tumitigil talaga. Hindi niya makalimutan ang bagay na 'yan. "Ano?"


"Where did he sleep? Because as far as I know, when I visited him a while ago, he's not there. And kagaya nga ng sinabi ko kanina, he's smiling. So, tell me. Saan ba siya natulog?" Mapang-asar na tanong ni Peter kaya pati 'yung ibang kaibigan nila ay gumatong na 'rin sa pang-aasar.


"Isn't it obvious? Malamang sa akin matutulog 'yun." Kibit-balikat na sabi ko na ikinamaang nilang lahat. Nagsigawan talaga sila kaya natatawa nalang akong naglakad paalis.


Hindi ko inakala na magiging kaibigan ko 'rin ang mga taong 'to.


"Balita ko may mga men in black ka kanina ah. Ang malala pa diyan, ang popogi daw! Edi ikaw na ang bantay sarado!" Biglang sulpot ni Hannah at ni Nicole sa harapan ko na bahagya pang tinusok ang tagiliran ko. "Akala niyo naman maiinggit kami. Oo na nga naiinggit kami!"


Sinomous UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon