Chapter 36

3.2K 80 0
                                    

Akira's POV


Ngayon na 'yung araw ng paghahanda nila. Nandito lang ako sa living room at pinapanood sila habang nag-aayos ng mga gagamitin sa pagdating ng mga kalaban. Napakarami nun. Halos hindi ko mabilang kung ilan. Siguro kasi wala na 'rin naman akong oras para isipin pa ang mga gamit na nakikita ko dahil ang bigat talaga ng nararamdaman ko ngayon. Kahit ilang beses na nilang sinasabi sa akin na wala akong kasalanan, may kirot pa 'rin sa dibdib ko lalo na't gusto ko naman silang tulungan kaso hindi nila ako hinahayaan na gawin 'yun. Malamang para protektahan ako. Pero ayoko ng ganito. 'Yung wala akong ginagawa.


"Hey."


"Aalis na kayo?" Tanong ko kay Kuya nang makita ko siya sa harapan ko. Nanggaling kasi siya sa kwarto niya. May kinuha ata. "Ngayon na talaga?" Napabuntong-hininga siya sa sinabi ko at walang pagdadalawang isip na umupo sa tabi ko. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mapatingin sa mukha niya. Napaka-gwapo ng kapatid ko. Bakit nga ba hindi ko napansin na medyo hawig kami nito? Halatang-halata talaga na magkamukha kami.


"Yes. Wala ng atrasan 'to, Aki. So, stay here and don't go anywhere, okay??" Striktong tanong niya na ikinatawa ko naman agad.


Paano ba naman? Halos araw-araw na nilang sinasabi sa akin 'yan. Kung hindi si Kuya ang nagsasabi, ang mga kaibigan ko o kaya naman si Wade. Pero madalas talaga ay si Kuya ang nagsasabi. Parang alam na alam na niya ang takbo ng isip ko. Nakakaloka siya.


"Promise......hindi ako aalis."


Ngumiti nalang siya at bahagyang ginulo ang buhok ko bago tiningnan ang mga taong naglalakad na papalapit sa amin. Naninibago ako sa mga damit na suot nila. All black. Tapos 'yung lipstick pa ni Tam, red na red. Kung hindi lang talaga siya maganda, matatakot ka.


"Stay safe, hmm?" Paalala ko sa kanila na sabay-sabay nilang ikinatango. Natutuwa pa 'rin ako sa tuwing naiisip ko na marami akong mga magulang. Napaka-swerte ko! Nakakausap ko na 'rin ng maayos si Dad, at na-realize ko na ginawa niya lang lahat ng paghihigpit niya sa akin para sa kaligtasan ko at naiintindihan ko na siya ngayon.


Ibang klase din kasi talaga ang ibinigay sa akin ng Sinomous. Pakiramdam ko medyo naging mature ang pag-iisip ko. Ewan ko ba. Siguro nga ay mawawala talaga ang sungay mo kapag nandito ka sa Sinomous. 'Yung pag-aakala mo kasi na malakas ka, mawawala 'yun once na makilala mo ang mga students dito.


"Alright. Get ready. They are waiting for us." Ramdam ko ang malakas na pagtibok ng dibdib ko nang marinig mula kay Papa 'yun. Lahat sila ay tumayo na 'rin at kumuha ng mga gamit nila sa harapan. "How about you, sweetheart? Are you okay here?" Tanong niya sa akin na nginitian ko naman agad. Ayokong mag-alala sila.


"Of course. I'll wait here so please, take care. Don't get yourself hurt dahil magagalit talaga ako kapag nasaktan kayo." Nakasimangot na sabi ko sa kanila. Natawa naman sila ng sabay-sabay. Ginulo pa ni Daddy ang buhok ko samantalang yumakap naman sila mommy sa akin. Naiiyak ako habang nakatingin sa kanila. Nalulungkot kasi talaga ako.


Pero sana.....sana bumalik sila dito sa palasyo ng kumpleto. Hindi ko kayang tanggapin ang balita na may nawala na isa sa kanila. Hindi ko kaya.


Naalala ko na naman tuloy ang Sinomous. Ang Sinomous University kung saan nagmula ang lahat. 'Yung mga imposibleng mangyari ay naging posible ng dahil lang sa paaralan na 'yun. Hindi talaga kapani-paniwala. Hindi naman kasi ako naniniwala sa mga ganitong gangster-gangster dahil sa mga libro ko lang naman sila nababasa. Tapos nung pumasok ako dito sa Sinomous, halos araw-araw ko ng nae-encounter ang mga taong kasali sa gano'n. Jusko. Hindi ko pa 'rin talaga maisip.


Sinomous UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon