Chapter 6

4.3K 117 0
                                    

Akira's POV


Isa lang ang napansin ko nang sumapit ang 8pm ng gabi dito sa Sinomous University, umiiyak ang mga students. 'Yung iba ay natutulala pa at bigla nalang hahagulhol. At 'yung iba naman ay parang balewala lang pero makikita mo ang lungkot sa mga mata nila.


Wala sa sariling naikuyom ko ang kamao ko dahil sa nakikita ko ngayon. Ito talaga ang punto ko. Bakit nila hahayaan na lumabas ang mga students kung kailangan din naman pala nila bumalik at muling makipagsapalaran dito? Mas masakit 'yung ginagawa nila.


Parang hindi ko na kayang magtagal pa ng ilang linggo ng paulit-ulit na ganito ang nakikita ko. Mas lalo lang lumalakas ang loob ko na ipagpatuloy ang planong pagpapalaya sa mga students dito. Gusto ko silang pakawalan mula sa paaralan na ito. Pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Hindi ko alam kung paano. Hanggang ngayon ay wala pa 'rin akong nakukuhang impormasyon na kakailanganin ko para magtagumpay sa plano.


Para bang isinasampal na sa akin ang katotohanan na wala na akong magagawa pa at mas mabuting hayaan ko nalang. Ilang tao na ba ang hinayaan lang na ganito ang mangyari? Ilang tao na ang inasahan ng mga students dito pero paulit-ulit lang silang nabibigo? Ilan na? Pero hindi ako susuko. Kung ganito nga ang ipinapakita sa akin ng tadhana, pwes, mapapagod lang siya. Dahil hindi niya ako mapapatigil. Desidido ako sa paglaban sa lugar na ito.


Napatingin ako sa pintuan nang biglang bumukas at pumasok si Hannah na dumiretso pa agad sa kusina nang hindi man lang ako nililingon. Alam kong may itinatago siya dahil halatang-halata sa aura niya na may problema siya.


"Ho——"


"How's your day, Aki?" Natural na tanong niya pero nanatiling nakatalikod pa 'rin sa akin na ikinakunot na talaga ng noo ko.


"Well......it's fine. Lumabas lang ako saglit kanina para kumain sa cafateria. How about you? How's your day? Okay ka lang ba?" Hinila ko na siya papaharap sa akin at napamaang nang makita na namamaga ang mga mata niya galing sa pag-iyak. At mukhang gusto niya pa ulit umiyak ngayon sa harapan ko. "May nangyari ba?"


"S-si N-nicole...."


Kinabahan agad ako. Anong nangyari kay Nicole? Ngayon lang din nag-sink-in sa utak ko na hindi siya kasama ni Hannah ngayon. "Bakit? Where is she? Bakit hindi mo siya kasama?"


"She's in her room right now, crying." Nakahinga ako ng maluwag doon. Akala ko ay may nangyari ng masama sa kaniya. "S-sa isang araw na ililibing 'yung Lola nya........k-kanina niya lang din kasi nalaman na....a-ano patay na pala 'yung Lola niya."


"A-ano?" Ramdam ko ang kakaibang sakit sa dibdib ko nang malaman ang bagay na 'yun. Pumunta si Nicole sa pamilya niya para maging masaya...pero...iba ang bumungad sa kaniya. Naiisip ko palang ang sakit na nararamdaman niya sa mga oras na 'to, naiiyak na ako.


"G-gusto niyang pumunta....Aki." Umiiyak na niyang sabi kaya napaiwas ako ng tingin. Ayokong may umiiyak sa harapan ko dahil naiiyak na 'rin ako. At kapag umiyak ako, alam kong marami akong maiisip na bagay na kahit limitado kong gawin, magagawa ko. "P-pero...hindi niya magawa dahil hindi pwedeng lumabas dito sa Sinomous University. Malapit na mag-9pm. We can't do anything anymore, Aki. As much as I wanted to help her, hindi ko magawa. Wala akong magawa. At ang pinakamasakit doon, I tried asking my parents if they can help me. Pero hindi daw nila kaya. Hindi nila kayang pakialaman ang lugar na 'to."


That's also the reason of many people kung bakit hindi nila magawang makialam. Ano ba ang nagpipigil sa kanila?


"Hindi ba pwedeng sabihin ang reason na 'yun kila Miss Gina?? Baka naman pumayag sila since it's about a student's family. It's an emergency. Hindi ba pwedeng hayaan nilang makasama ng mga students ang mga mahal nila sa buhay sa huling pagkakataon?" May punto naman ako, ah. Sa isang linggo, isang araw lang nila nakakasama ang mga pamilya nila. Dapat ay kapag ganitong cases, hayaan na nilang lumabas ang mga students.


Sinomous UniversityWhere stories live. Discover now