Chapter 16

3.8K 102 1
                                    

Lance POV


"Puta! Ang tigas ng mukha ng isang 'to! Ang hirap patumbahin! Tao pa ba 'tong mga 'to???!" Inis na sabi ko. Dumayo pa kami sa kabilang school para lang bugbugin ang mga 'to. Tss. Napakayayabang naman kasi! Dapat ay hindi sila nagyayabang lalo na't wala naman palang binatbat ang grupo nila. Nabalitaan kasi namin na may binugbog ang mga 'to nung sabado na lumabas ang mga student ng Sinomous. Hindi naman sana kami makikialam kaso 'yun na nga lang ang araw na lumalabas ang mga student, nabugbog pa. Talaga naman.


"Ano na, boss? Ang hihina naman ng mga 'yan. Tara na! Umalis nalang tayo dito!" bagot na sabi ni Patrick sa akin kaya kunot-noo akong lumingon sa kaniya na nag-aalcohol na ng kamay ngayon. Nakuha niya pa talagang mag-alcohol. Napaka-mandidiriin ni Patrick.


"Ang tigas ng mukha ng isang 'to eh. Hindi pa 'rin makatulog." naiiling kong sabi at bahagya pang hinipan ang buhok ko na tumatama sa mata ko. Magpagupit na kaya ako? Harang na sa mata ko ang buhok ko. Hindi naman gano'n kahaba pero sa tingin ko ay mahaba na talaga siya. Tss. "Teka nga, kamusta pala si Nicole?" Bigla nalang pumasok sa isip ko si Nicole dahil nung nakaraan ay tinatanong ko siya kung bakit umiiwas sa akin si Akira pero hindi niya naman daw alam ang rason.


"Hindi ko alam doon. Tss. Pero masasapak ko yung pumoporma talaga doon eh." inis na sabi niya na ikinatawa ko. Pagdating talaga sa kapatid niya, napaka OA ng isang 'to. Kaya ayoko ng kapatid na babae eh. Pakiramdam ko kapag nagkaroon ako ng kapatid na babae, hindi na makakapag-asawa dahil sa higpit ko.


Hindi naman sa wala akong tiwala sa mga lalaki. Sadyang alam ko lang sa isang tinginan kung anong klaseng tao sila. Alam ko kung anong masama at kung sinong hindi. Kakaiba din talaga ang pagiging judger ko.


Naalala ko na naman si Akira. Si Akira na paulit-ulit kong gustong protektahan. Hindi ko 'rin alam kung bakit pero hindi ko siya kayang makitang nasasaktan.


Sa totoo lang, gusto ko siyang pagbawalan sa lahat ng bagay kaya lang masyadong matigas ang ulo ng isang 'yun. May sarili siyang batas na sinusunod. Kumbaga, kung sa Sinomous, siya mismo 'yung batas. Tapos susunod ka nalang kasi puta, maganda eh. Hindi mo matatanggihan talaga.


Humahanga din kasi talaga ako sa ganda na meron si Akira. Pansin mo agad ang itsura niya. Kaya nung pumasok palang siya nun dito sa cafeteria, nakuha na niya ang atensiyon ko. Meron kasi dapat akong pupuntahan ng sabado na 'yun. Ang kaso nung nakita ko siya na nandito sa cafeteria, nagbago talaga ang plano ko.


Akala ko interesado lang ako sa kaniya kasi usap-usapan siya ng mga estudyante dito sa Sinomous. May bagong student daw dito na matigas ang ulo. Nakuha talaga nun ang atensyon ko tapos kilala pa siya ni Wade. Hindi ba't nakakapagtaka? Wala namang pakialam ang isang 'yun sa mga estudyante dito pero nakita ko sa mga mata niya na nag-aalala siya kay Akira. Nung una, napatanong ako kung bakit. Pero putcha.


Ngayon alam ko na. Sino nga ba naman ang hindi poprotektahan si Akira. Masiyado siyang kakaiba para basta-basta nalang pabayaan. Ang tapang-tapang niya pa. Siya lang ang estudyante dito na nakikitaan ko na hindi talaga takot na mamatay.


Napailing nalang ako sa naisip ko at tumingin ulit kay Patrick. Naiisip ko na naman kasi si Akira.


"Bakit? Sino ba? Sabihin mo sa akin nang mabugbog natin." Natatawa kong sabi na ikinakibit-balikat niya pero napansin ko pa ang pag-irap niya doon.


"Hindi ko nga alam eh. Basta kapag nakikita ko siyang nakaharap sa cellphone niya ay bigla nalang ngumingiti. Mukhang tanga. Hindi talaga ako natutuwa." Napabuntong hininga ako sa sinabi niya. Akala ko kasi tapos na siya pero hindi pa pala nang magsalita ulit siya. "Alam ko 'yung gano'ng mga kilos eh. Baka saktan lang siya ng lalaking 'yun. Kailangan kong malaman kung sino. Sa tingin mo nandito lang sa Sinomous 'yun?"


Sinomous UniversityWhere stories live. Discover now