TMHAE Chapter 6: Surprise

96 11 0
                                    

HAZEL'S POV

Monday. So it's means pasok nanaman hayss! Bat ba ang bilis ng araw para nung nakaraan lang friday magweweekend tas lunes na ngayon.

Putcha!

Agad akong bumangon sa higaan ko at ginawa ang routine ko tuwing umaga. Di na rin ako makakakain pa kasi medyo late na ako. Dadaan na lang muna ako dun sa may malapit na mini mart bago pumasok.

Nangmaka bili na ako sa mini mart ng kakain ko ngayon umaga. Agad na lumabas na habang naglalakad ako may malakas na businaaa ang nagpagulat sakin.

Peste! sino bang yung..

Agad akong napabalikwas ng mapagtanto ko kung sinu yun!

Vine?

Anong ginagawa niya dito?

Inis ko siyang tinignan. "Ano bang problema mo?" tanung ko.

Ngiwi lang naisagot niya. "Sakay na!" sabi niya.

At bakit naman ako sasakay diyan!

"Hindi na maglalakad na lang ako!" sabi ko sabay talikod sa kanya.

Pero dahil makulit siya. Sinundan niya talaga ako!

Kingnaa! tigas din ng bungo nito.

"Sakay na! Wag mo nang buhatin pa kita!" aniya.

Aarrghhh!

Wala akong choice kundi ang sumakay, ngiwi na lang talaga ang natanggap ko mula sa kanya!

Pagdating sa gate ng school agad akong bumaba, diko na pinakinggan sinabi niya dahil mabilis pa sa langgam ang bawat hakbang ko makalayo lang sa kanya.

Bat pa kasi ako sumabay dun. Hayss!

Pero mukang may nalimutan ako.

Oo! Meron nga.

Nakalimutan kong magpasalamat.

Ang bobo mo Hazel. Wala ka man lang utang na loob!

Utang talaga ay nu? Tsk! Nakakaloko talaga ako magisip.

Pagdating ko sa school puro tsimisan lang naririnig ko sa mga estudyanteng nadaan ko.

Hayss! paaralan to hindi tsimisan.

Habang naglalakad ako papunta sa building namin bigla na lang may nagtext sakin. At mukang ang magaling ko kaibigan lang yun.

From: Hershey
Message: Reunion natin sa sabado, sumama ka! Seeyou.

Reunion? Ang aga naman ata.

To: Hershey
Message: Susubukan ko pag di ako busy.

Pagka type ko ng reply ko agad ko ng binalik ang phone ko sa bag ko.

Nang makarating ako sa room namin tila parang may anghel na dumaan. Ang nagsipag tahimik kasi sila nung nakapasok na ako sa room. Anyare?

Pero dahil maganda ako. Deadma lang. Pssh!

Maya maya lang dumating na ang teacher namin. Nakatingin lang ako harap pero wala ako naiintindihan sa sinasabi niya.

Ang tagal naman ng break. Nagugutom na ako, masama pa naman ako nagugutom baka makain ko ng buhay itong katabi ko.

Mabilis ang naging oras. Hapon na! So it's means.. UWIAN NA!

Hayss salamatt.

Mabilis akong nagligpit ng gamit ko. Akmang tatayo na sana ako ng may biglang nagsalita sa tabi ko.

Till My Heartaches End (COMPLETED)Where stories live. Discover now