EPILOGUE

116 4 0
                                    

A/N: Thank you everyone, sa pagsuporta ko sa unang story ginawa ko. Batid ko na may katagalan at minsan magulo pero maraming salamat sa inyo. Ngayon narito na tayo sa huling kabanata na nagtatapos sa ating kwento, I would like to dedicate this part to my Bangerss, isa kayo sa mga dahilan kung bakit naiinspired ako mag ud at ngayon patapos na. Sana suportahan niyo rin ang ilang storyang nasa wall ko at mga storyang gagawin pa. Maraming salamat sa lahat, muli ako ang iyong author—authoran.  MOODYBANGSS hanggang sa muling kabanata nang ibang storya.❤️ Staysafe everyone!


EPILOGUE

GUMUHIT ang mga ngiti sa labi nang mag–asawa nang makitang masayang naglalaro sa sala ang kambal nilang anak na sina Zeline at Leeane. Bagamat pagod galing sa trabaho hindi inalinta ang pagod, sapagkat ang kalakasan nila ay ang mga supling nila.

Marahan silang lumapit dito, at hindi nila maikaila ang kasiyahan nakikita nila sa dalawa. Sa pitong taon nilang pag–sasama bilang magasawa masasabi nila na marami din ang nangibabaw na problema ngunit na siya naman agad nasosolusyunan. Oo. Sa una mahirap dahil nangangapa ngunit nang dumating sa buhay nila ang kanilang anak, lahat nang alinlangan nila sa buhay at iba pa ay napalitan nang kasiyahan at kagalakan na nuon lamang nila nalaman na may ikabubuluhan pa.

"Daddy"

"Mommy"

Sigaw nang kambal bago lumapit sa mga magulang at humalik sa pisnge. Marahang kinarga ni Hazel si Zeline at gayun din naman si Vinee kay Leeane.

"Kamusta ang baby namin, hindi ba kayo nagpasaway sa mga yaya niyo?"tanung ni Hazel sa kambal.

Si Zeline ang sumagot. "No, mommy good girl lang kami dito." At mahigpit na yumakap sa Ina.

Habang si Ane at nakasubsub na ang muka sa balikat nang ama. Kung pagmamasdan ang dalawa kahit na kambal ito nanduon pa rin yung pinagkaiba nila, kahit na parehas malambing pagnandiyan sila, pagdating naman sa kaingayan nangunguna si Zeline, samantala si Ane ay tahimik lang at madalang magsalita.

Tahimik na naghahanda nang dinner si Hazel nang maramdamang pumasok ang kambal niya.

"Mommy, ano pong niluluto niyo?" tanung ni Zeline nang makapasok ito sa kusina, kasunod rin nito si Ane na sapo–sapo ang tiyan, malamang nakaramdam na nang gutom.

"Dinner is ready." aniya. Sandali ngumiti ang dalawa at mabilis na umupo sa pwesto nila.

Nang mailapag ni Hazel ang kanyang niluto bumaling siya sa kanyang na kambal, na kanina pa iba ang kinikilos mula nang makauwe sila galing trabaho. Ngunit binalewala lang niya 'yun at marahang tumingin sa kambal at nag tanung.

"Naghugas na ba kayo ng kamay?" Sabay na umiling ang dalawa at mabilis nagtungo sa lababo para maghugas, nang makabalik batid niya na wala pa ang asawa sa hapag kaya naman nagtanung muli siya.

"Zeline, baby where's your dad?"

"Nasa pool area mommy, may kausap sa phone." Si Ane ang sumagot, may limit kung maki–pagusap, mahaba naman kung sumagot.

"Yes, mommy.." Pang sang–ayon naman ni Zeline. "..and sinabi niya rin na pumunta muna daw kayo duon saglit."

She nodded. Batid niyang parang may kakaiba talaga lalo na sa ngiti na pinapahiwatig nang dalawa.

"Okay, sige tatawagin ko lang si Daddy niyo, mauna na kayong kumain."Aniya, sabay nagtungo sa pool area kung nasaan ang asawa.

Nasa bukana na siya nang daan patungo sa pool area, nang makitang madilim duon, "Bakit madilim? Kung nandito siya!" Bulong niya sa sarili, at marahan na kinapa ang switch at binuksan. Nang sandaling bumukas ang mga ilaw sa paligid ay ganon lamang ang gulat niya nang—may musikang tumunog kasabay nang ilang ilaw na ngayon lamang niya napansin na nagbigay liwanag sa buong paligid na kung saan maagap niyang nakita kung anong tinutudyok nito.

Till My Heartaches End (COMPLETED)Where stories live. Discover now