THMAE Chapter 29

43 2 0
                                    

Hazel's POV

Nagising ako sa malamig na tubig na binuhos sa 'kin, habol ko ang aking hininga at pinagmasdan ang mga kalalakihang nakapalibot sa 'kin. Naramdaman ko din na nakatali ang kapwa kong kamay sa likod ng silya pati ang aking paa.

"S-sino kayo? Anong kailangan niyo sa 'kin?" Utal na tanung ko.

"Relax ka lang Miss, hindi ka naman namin sasaktan e." tawang sagot ng isa na may naglalakihan na katawan.

"Pakawalan niyo ako, anong bang atraso ko sa inyo ah!?" Sigaw kong sabi sa harap nila.

Mabilis naman akong nakakuha  ng sagot, nang malakas niya akong sampalin. Agad naman akong nakaramdam ng likido mula sa gilid ng labi ko at masasabi kong dugo iyun.

"TANGINA!! Sino ba kayo ah? Anong kailangan niyo sa 'kin." galit na sigaw ko. Ayoko man naisin na manlaban pero kung ganito ba naman ay hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Please somebody help me!"  Bulong ko.

"Kung pera ang kailanga niyo ibibigay ko, pakawalan niyo lang ako." Tugon ko.

"Sorry, Miss hindi namin kailangan ang pera mo, dahil may pera na kami na galing sa boss namin." Pagmamayabang ng isa.

Tanging ilaw lang nagisang bumbilya ang nagbibigay liwanag sa harap ko at sapat napara maanigang ko sila.

Pilit ko pa rin kinakalag ang tali ng kamay ko at nagpupumiglas kahit na alam ko namang di ako makakaalis dito.

"Wala kaming kailangan sayo, pero yung boss namin meron." Wika nung isa na walang ginagawa kundi titigan ang hawak niyang baril. 

"Pakawalan niyo na ako dito, wala kayong mapapala sa'kin mga inutil." Buong lakas kong sigaw sa kanila. Nakita kong aalarma na ng sampal ang kaninang sumampal sakin ng pigilan ito ng kasamahan niyang kanina pa tahimik at nakamasid lang samin, 'parang may kung anong nagbigay sakin ng munting pag asa nang sandaling biglaang magtama ang mga mata namin at sinisiguro ko na pamilyar sa kin ang mga ganoong tingin at isang tao lamang ang alam kong ganun kung tumitig sakin.' napaismid lang kaninang sumampal sakin at masamang tumitig bago umalis.

Nakita ko naman na kinuha niya sa bulsa ang selpon niya at saka may tinawagan.

Takot at kaba ang nalalagi sa damdamin ko ng mga oras na 'yun. At kung sakaling hindi man ako sikatan sa susunod na araw ay masaya na ako kahit papano nakita ko siya sa nakalipas na araw.

Shawie's POV

Maaga akong pumasok sa opisina para sana balitaan si Hazel sa meeting namin kahapon ng mapagtanto ko na wala pa siya sa office. Himala late siya! Agad ko naman pinuntahan ang desk ng secretary niya at tinanung siya dito.

"Excuse me.. claire bat wala pa si Hazel?" tanung ko.

"Ah, Sir? Hindi ko pa alam eh, kagabi pa nga po hindi sumasagot sa mga tawag ko. Ibabalita ko lang sana yung sa about sa batanes." wika nito.

"What time ba siyang nakauwe kahapon?" Ayoko man mag isip ng kung ano pero bigla akong kinabahan.

"Alam kopo, pasado alas otso na."

"Sige, thank you." Paalam ko sabay tungo sa kwarto kung saan ang mga nasa cctv ng buong building.

"Shit, Hazel." biglang sambit ko ng makita ang nangyari sa parking lot.

Mapapatay ko kung sino man ang taong nasa likod ng insidente na'to.

Wag kang mag alala, Ililigtas kita.

Hershey' s POV

Nasa great taste restaurant kami ngayon nila Kipper, Reo, Katt, Kitt, Mallow at Vinee ng may tumawag na unknown number sa'kin. Kunot noo ko 'tong sinagot at binosesan.

Till My Heartaches End (COMPLETED)Where stories live. Discover now