TMHAE Chapter 33

41 2 0
                                    

Hazel's POV

Malaki ang mga ngiti ko habang pinagmamasdan ang sarili sa harap nang salamin. Napaka saya ko dahil mangyayari na rin ang araw na pinakahihintay ko naming lahat ang makasal ako sa taong pinakamamahal ko. 

"You look beautiful as always." Puri sakin nang baklang makeup artists ko.

Ngumiti ako. "Thank you."

Napansin ko na bumukas ang pinto nang kwartong ikunukupado ko at inuluwa nito si Katt at Shey. Marahan silang tumitig sakin at may kislap sa bawat mata.

"Omg! Is that you." Ani ni Katt sabay lapit sakin at tinitigan mabuti ang kabuuan ko.

Iling—iling lang ako tumawa sa reaction niya. "Of course, its me."sabi ko.

Marahan naman ngumiti sakin si Shey na mangilid ngilid ang luhang humarap sakin. "I'm so happy for you, congrats bestfriend." saad niya.

"Thank for both of you.. even if they are lots of problem, you still there. Thank you for being part of my life." Mangiyak ngiyak kong sabi.

Para kaming mga tangang nagiiyakan dito sabay tatawa. "Oh, stop na, yung make up mo, baka pumangit ka niyan, sige ka." biro ni Katt.

Tumawa lang kami ni Shey sa maarteng pagkakasabi niya. Nasa ganun kaming kasiyahan nang muli ulit bumukas ang pinto at pumasok dun si Claire.

"Oh, Hi ma'am." Nakangiti niyang sabi. "I just wanna say.. congrats ma'am best wishes." aniya,

"Thank you."

Lalabas na sana siya nang bigla siyang may kinuha sa bag niya at inabot sa'kin. Its white envelope. " Oh, bago ko makalimutan, Ma'am, nakita ko ito sa ilang files nila Mr. and Mrs. Ramirez, and I think this is for you." saad niya sabay labas nang kwarto.

Nagtataka ko itong binuksan at laking gulat sa kung anong nakalagay nito. Laman nito ang isang cheke na may sulat nang malaking halaga at isang letter na alam kong sa magulang ko galing.

Hazel,

Hazel anak, alam namin na habang binabasa mo ito masaya kana sa buhay mo, at alam rin namin nasa punto na ito wala na kami. Pero kahit ano man mangyari nandito lang kami binabantayan ka. Nakakalungkot lang dahil wala kami sa araw na pinaka importante para sayo, anak, lagi mong iisipin na advance kami mag isip nang daddy mo, see ito na pruweba.
Mahal na mahal ka namin anak, palagi mong iingatan ang sarili mo, masaya na kami dito, dahil masaya na rin ang nagiisang prinsesa namin. We love you, darling. Hanggang sa muli.

-mommy and daddy

Pagkatapos kong mabasa ang nakasulat, walang katapusan ang pagtulo nang luha ko. Napaka swerte ko dahil nagkaroon ako nang ganitong magulang, nakakalungkot man wala sila rito pero alam ko na masaya na sila. At ramdam ko rin lagi silang nandiyan para bantayan ako. Mahal na mahal ko sila at lagi silang mananatili sa puso't isipan ko.

Marahan naman akong niyakap ni Katt at Shey sa magkabilang gilid ko. Batid ko na ramdam din nila kung gaano magmahal at mga magulang ko.

"Alam mo, kahit hindi ko nakilala sila Tita at tito, alam kong napakabait nila." ani Katt.

I smiled.

"Kasi tignan mo nagsilang sila nang napakagandang anak at napakabuting kaibigan diba!" Dugtong niya.

Iyak tawa ang kinalabasan ko dahil sa mga sinabi niya.

Matapos ang ilang iyakan at tawanan inayos na ulit ng bakla ang makeup kong nagulo dahil sa pagiyak ko. Nagpaalam na rin ang dalawa na sa simbahan na lang kami magkita dahil ibang sasakyan ang gagamitin nila papunta.

Malalim ang buntong hininga ko nang marahang bumukas ang malaking pinto nang simbahan. Kasabay nun ang pagtunog nang isang kantang mas lalong nangpapagilid ng luha ko.  Malaki ang ngiti ko nang una kong masulyapan ang mga ngiti sa labi nang mahal ko. Pati na rin ang ilang mga malalapit namin sa buhay at bakas sa mga muka nila ang kasiyahan dulot nito.

Siguro wala na akong mahihiling sa mga oras na'to. Tanging lahat nangyari samin noon isa lang yung pagsubok na kinailangan namin harapin. Dahil wala naman binigay ang diyos nang hindi kayang harapin nang ninumang tao.

"I love you." sabi ni Vinee nang makalapit ako sa kanya. Marahan akong ngumiti. "I love you, more than I do." at masayang humarap sa paring mag—iisa samin dal'wa.

Sa tala nang buhay ko, saksi ang nasa itaas kung gaano ako kasaya sapagkat, siya ang nakakalam kung anong kinabukasan ang kahihitnan. Saksi rin siya pati na ang mga mahal namin sa buhay sa mga pagsubok na aming mga pinagdaanan, bagamat maraming nagbago sa nakalipas na taon, naroon pa rin yung pag—asang kailanman hindi nang iwan. At ika nga ng ilan at sa pasasalamat ko, nasa hinaba–haba nang prusisyon, sa simbahan pa rin ang tuloy.

"I wil now announce you, husband and wife..in the name of father, the son and holy spirit.."tikhim niya. "..you may now kiss the bride." Ani ni Father at masayang tumingin samin.

"Wooooohh!"

"Congrats bro."

"Best wishes."

Ilan lang yan sa mga sigaw nang kaibigan niya na hanggang simbahan baliw pa rin.

Marahan naman hinaplos ang pisnge ko ni Vinee at dahan dahan pinaglapit ang mga labi namin. Smack lang yun dahil nasa simbahan kami. :--))

"Finally.. misis na kita. I love you misis ko." Sambit niya nang maghiwalay ang mga labi namin.

I smiled. "I love you too, asawa ko."

Napakaswerte ko, dahil binayaan ako nang ganitong klaseng tao na sobrang mamahalin ako. Siguro nga wala na akong mahihiling pa kundi ang masayang buhay na kasama siya, malusog na pamilya na siya ang ama. Sobrang saya ko to the point na wala akong sapat na kakayahang upang humiling pa dahil para sakin nilaan niya ang bagay na dapat para sa akin, binigay niya ang dapat hindi ko na hilingin, dati akala ko ang buhay ko wala nang kabuluhan mula nang mawala ang pinakamamahal ko sa buhay pero nagkamali ako, akala ko lang pala, dahil mas lalo niyang binigyan nang kulay ang mundo ko na paguho na. I'm so lucky to have him.

Marahil ito nang bagong yugto nang buhay naming bilang mag–asawa. Sisikapin ko na magiging mabuting may bahay ako sa kanya at mabuting Ina nang mga magiging anak namin dal'wa, masaya akong naging bahagi na siya nang mundo ko.

Te amo, mi amor!

———————

A/N: Hi bangers, bigatin ang susunod na updates at nasisiguro ko na magugustuhan niyo lalo na sa iba diyan na alam niyo na. HAHAHA🤭 Thank you everyone!❤️ I hope you like it. See you in finish line. Aja! Staysafe!

Till My Heartaches End (COMPLETED)Where stories live. Discover now