TMHAE Chapter 10

77 7 0
                                    

Hazel's POV

"MAHAL KITA."

Paulit ulit na nagfla flashback sa aking isipin. Shit! Nagdedelihiryo na ba ako? Ano yun. Bakit ganun?!

Vine Lee Rosales.. kahit sa pagtulog ko pang gulo ka.

Kunot noo akong bumangon, may pasok pa pala ako kaya dumeretso nako sa banyo at naligo. Pagtapos ng aking morning routine bumaba nako para mag kape, feel ko mag kape ngayon para maiba naman.

Nasa kusina ako kumakain nang may biglang may bumisina sa labas ng bahay ko. Sino naman kaya yun?

Paglabas ko isang gray na kotse ang agad na bumungad sakin, kasabay nun isang lalaking nakasandal dito.

It was Mallow.

"Hi.."

I smiled. "Hi, Long time no see." mula kasi nung nagpalipat siya sa school na pinapasukan ko, bigla naman siya bumalik sa amerika kaya naman ngayon na lang ulit kami nagkasama. Pero umuwe din naman siya nung birthday ko kaya lang kinabukasan bumalik din siya.

Pinapasok ko muna siya sa bahay bago kami nagkwentuhan, may oras pa naman ako kaya pwede pa.

"So kamusta pala?" tanung ko.

He smiled. "Ayos lang, medyo na ayos naman yung problema dun kaya nakabalik na agad ako. Bakit namiss moko?" aniya.

Taas kilay ko siyang tinignan. "Asa ka naman!"

Maya maya din inaya ko na siya pumasok, baka malate pa kami kung di kami aalis na. Pagdating namin sa school nagpark muna siya bago kami sabay na pumasok. Habang naglalakad kami panay ang tingin ng mga babae sa katabi ko, psh! halata sa mga tingin nila na patay na patay sila sa best friend ko.

Malapit na kami sa room nang may malakas na ingay kaming narinig, tiyak ako na sa room namin galing iyun. Nagtinginan muna kami ni Mallow bago patakbo na nagtungo dun, pagtapat namin sa pinto, habol hininga ang ginagawa namin pero mukang mali lang kami ng akala.

Nagkakagulo sila dahil dumating na pala ang tatlo si Reo, Kitt at Kipper. May mga dala ata itong mukang pasalubong bigla din kasi sila umalis kaya naman nagkakagulo ang iba sa kanila. Tanging yung leader lang nila ata ang hindi umalis o ano pa naman.

Pero teka nasan nga ba yun? Nilibot ko agad ang mata ko sa loob ng room namin pero di ko siya nakita. Baka mamaya pa siguro pumasok yun!

Teka nga bat ko ba siya hinahanap. Aish erase erase nga sa utak mo yan Hazel.

Papasok na dapat kami ng biglang nagsipag tahimik at gulat na tumingin samin ang lahat.

Anong meron may dumi ba kami sa muka! Ano?!

Saka ko lang narealize na magkahawak pala ang aming kamay ni Mallow. Shet! kaya pala kanina nagbubulangan yung mga babae na nadaan namin sa hallway.

At dahil sa scene na yun agad kong binawi ang kamay ko, pero sa di inaasahang dahilan nagulat ako sa taong nasa likod namin.

Vine!?

Malalim ang titig nito at may galit na dimo malayan sa bawat tingin niya.
Anong problema nun?.. bigla niya lang kasi kami binunggo at pumasok sa room.

At dahil sira na ang araw ko, inis akong sinigawan siya.

"Hoy!" sigaw ko.

Sa paglingon niya nandun pa din yung tingin niya kulang na lang matunaw ako sa kinatatayuan ko.

"Sorry ah. Sorry talaga." sarcastic kong sabi.

"Tss."

Ayan nanaman yung 'tss.' niya nakakainis ah. Bwisitt!

Till My Heartaches End (COMPLETED)Where stories live. Discover now