TMHAE Chapter 13

77 5 8
                                    

Hazel's POV

I was wondering. Bakit di ako ginising ni Vine. Pagmulat ko ganun na lang gulat ko na nasa labas na pala kami ng bahay ko.

"Hey.." aniya.

"Napasarap ata tulog ko,bat di moko ginising?." I asked.

"It's okay.." aniya. At seryoso akong napatingin sa kanya.

"..sanay naman ako maghintay." dugtong niya.

Ngunot noo ko siyang tignan at nagpaalam na papasok nako sa loob.

"Thanks. Ingat ka."

"I will."

Bago ako pumasok hinintay ko muna umalis siya at ng hindi ko na siya matanaw ay agad na din ako pumasok sa loob.

Pagod akong napaupo sa sofa. Ramdam ko agad yung pagod kaya naman dali dali ako nagtungo sa aking kwarto. Naligo muna ako at nagpatuyo ng buhok bago mahiga. Bagsak ang aking katawan ng mahiga ako sa kama ko.

Hayss nakakapagod pero wala naman ako ginawa.

KINAbukasan maaga ako nagising dahil sa sikat na araw na tumama sa mukha ko. Agad naman akong nagtungo sa banyo upang maligo dahil may pasok pa pala ako ngayon. Habang nagaayos ako ng gamit ko biglang may kumatok sa pinto ko. Pagbukas na nun si Manang lang pala.

"Good morning, gising kana pala, halika kana at bumaba sabayan mo na yung boyfriend mo kumain sa baba."

"Po.. boyfriend?"

"Oo, Ikaw ah di mo sinasabi sakin na ang gwapo pala ng boyfriend mo."

"Nay, wala po akong boyfriend.. sino po ba yun?" ngunot noo kong tanung.

"Nako, Hazel. Wag muna itanggi at bumaba kana diyan."

At dahil curious ako kung sino yun, dali dali ako bumaba at ganun na lang gulat ko na nakikita ko sila na nagtatawanan ni manang.

So close na sila ganun?

"Ehem.." awat ko sa tawanan nila.

Nagkatitigan muna kami ng biglang nagsalita si manang. "Oh Hazel kumain kana.. malalate pa kayo sa pasok niyo."

Habang naghahain si manang nakatingin lang ako sa kanya na nagtatanung ng what are you doing here look at siya ngiti lang ang binibigay sakin.

"So ano nga ginagawa mo dito Vine?" Irata kong tanung.

Yes, it was Vine.

"Sinusundo ka.." ngitin niyang sabi. "Saka gusto kita makasabay pumasok--"

"Hep..hep sandali" putol ko sa sasabihin niya.

"What?"

"Pwede ba?.. wag mo sirain ang araw ko." Inis kong sabi sa kanya.

"No, I'm not."

I rolled my eyes. "Shut up ass!" nakakainis talaga to ang aga aga.

"Manang aalis na po kami, magbabaon na lang po ako ng sandwich."sabi ko dito.

"Oh sige, sandali lang."

Maya maya pa dumating na si Manang na may dala anim na balot ng sandwich na ginawa niya.

"Bat ang dami niyo naman ginawa manang?" tanung ko.

"Ah, ibibigay ko ito diyan sa kasama mo."masigla niyang sabi.

"Seryoso manang?.. bibigyan niyo din siya."gulat kong tanung. 

"Hija, okay lang yan tig tatlo naman kayo."saad niya pa.

Till My Heartaches End (COMPLETED)Where stories live. Discover now