TMHAE Chapter 9

76 10 2
                                    

A/N: Hi guys, Pasensiya na sa medyo matagal na update.😘💖
Advance Happy birthday din pala kay author aAlliL yiee😂

Hazel's POV

It's been one week since nangyari yung kiss na yun, at di pa rin maalis sa utak ko kung bakit niya ginawa yun, bakit nga ba?!

Matapos kasi ang incident na yun, iniwasan kuna siya, pag magtatagpo ang landas namin sa hallway sa school diko siya pinapansin, kahit maging sa cafeteria iwas pa din ako. Laging ganun ang nangyayari kaya naman tingin ko alam niya na umiiwas ako sa kanya.

Nandito ako ngayon sa library palipas oras lang, tahimik kasi dito at maganda sa pakiramdam yung atmosphere nababalot dito kaya nandito ako, pasado alas tress na ng hapon. Wala na din kasi kaming klase kaya dito muna ako. Ayoko muna umuwe sa bahay kasi wala naman akong gagawin dun. One week na din pala ang lumipas since bumalik na ulit sila Mom sa trabaho nila kaya magisa nanaman ako sa bahay.

Sinabi din pala sakin ni Mom na matagal nanaman daw bago sila makakauwe kaya, ako na daw muna bahala sa bahay, ingatan ko din daw yung sarili ko wag kong pababayaan at ilayo ko daw sa mga bagay na maaaring makasakit sakin. Hayss! Kung alam mo lang Mom.. Miss ko na agad kayo ni Dad!

Nasa ganun akong pagiisip ng biglang nag pop ang selpon ko, at nakatanggap ako ng text mula kay KATT!

Ow! Buhay pa pala tong babae na ito.

From: +63939******* 
Message: Hi, Hazel. Ahm si Katt to, namiss kita bukas papasok na pala ako.
Nakuha ko din pala yung number mo kay Mallow. Hihihi seeyah!

Nagtype agad ako nagreply sa kanya.

To: +63939*******
Message: Okay! Namiss din kita ilang araw ka din nawala babae ka! Seeyah bukas.

Diko na inantay ang reply niya at daling nilagay kuna sa bag ang selpon ko. Later ko na lang isasave siguro ang number niya.

Mahigit dalawang oras din ako namalagi sa loob kaya naman napagdesisyunan ko na lumabas na at umuwe. Saktong paglabas ko ang pagliko naman ng taong iniiwasan ko ng isang linggo. Gulat pa kaming nagkatinginan sa isa't isa. Ako na ang unang umiwas, tutal wala naman na ata siyang balak alisin ang paningin niya sa akin. Maglalakad na sana ako paalis ng bigla siyang magsalita.

"Ano? Iiwas ka nanaman?!" saad niya, sa tono ng pananalita niya alam ko na inis na siya.

Huminga muna ako ng malalim bago ako tumingin sa kanya. "Oo, Bakit masama ba?" tanung ko. Nang magtama ang mata namin ramdam ko yung inis at galit na bumabalot sa mga mata niya yung tipong di mo kayang basahin kung anong gusto niya ipakita.

"Tss."

Diko alam kung maiiyak ako sa paraan ng pakikipagusap niya sakin. Nanlalambot ang mga tuhod ko pag ganyan siya. Yung mga paraan niya ng pagtingin, nakakatakot kung tutuusin. Sa bagay ako pala ang may kasalanan, ako pala yung unang umiwas ng walang dahilan. Pero bakit ganito medyo masakit yung nararamdaman ko pag ganyan siya. 

"Sorry.." sambit ko, "Sorry, dahil di ko naman gusto na iwasan ka talaga natakot lang ako na baka pagnalaman ko kung bakit moko hinalikan eh masaktan ako." saad ko.

"Bakit ano ba sa tingin mo ang dahilan bat hahalikan ng isang lalaki ang babae?" tanung niya. 

Gulat ako napatingin sa kanya. "Madami, Pwedeng trip niya lang ito o kaya naman gusto niya lang matikaman ang labi nito o kaya naman m-mahal niya ito." paliwanag ko.

"Sa tatlong sinabi mo tingin mo alin dun yung dahilan kung bakit?" aniya

Ano nga ba?

"Hindi ko alam.." saad ko. "P-pero baka dahil trip mo lang?" dugtong ko.

"Mali ka." aniya

"H-huh?"

"Sabi ko mali ka. Wag ka ngang bingi!" inis na sabi niya.

Naguguluhan na ako sa sinasabi nito.

"Kung mali ako ano pala? huh? bakit? Bakit moko hinalikan nung araw na yun?!" sigaw ko.

Nakita ko sa mata niya yung takot pero mas nangibabaw pa din ang inis.

"kasi M-MAHAL KITA!" sabi niya.

O______O

"A-anong sabi mo? Ako m-mahal mo?" utal kong sabi. Tila nahihirapan akong huminga dahil sa nalaman ko.

"Di ko na uulitin ang sinabi ko, kung ano ang sinabi ko iyun na yun." tugon niya, sabay talikod at umalis.

Naiwan akong tulala sa kawalan ng pagtapos nung usap na yun. Di ma alis sa wisyo ko na ang isang VINE LEE ROSALES mahal ako?! Psh! Diko alam kung maniniwala ako pero.. basta mababaliw ako sa kanya Letche siya!

Pagkadating ko sa bahay, padabog akong umupo sa sofa at hinilig ang ulo ko dito. Ano bang nangyayari sakin? Bakit.. bakit ako masyadong apektado sa gago na yun!

At dahil past six na ng hapon medyo nakakaramdam nako ng gutom kaya naman agad ako pumunta ng kusina at nagtingin ng makakain. Ramen lang ang nakita ko kaya naman iyun na ang iluluto ko, tinatamad din ako kaya no choice na ako.

Pagkatapos kong kumain, agad nako dumeretso sa kwarto upang maligo. Ilang sandali lang tinagal ko sa banyo kasi inaantok nako at gusto kona magpahinga. Nangmatapos ako maligo ay nagbihis muna saka nahiga sa kama ko, hayss! nakakapagod yung maghapon ko ngayon. Ilang sandali lang ang gingugol ko ng makatulog na ako.

KINAbukasan, maaga ako nagising dahil sa sikat ng araw na tumama sa muka ko. Kainis! Gusto ko pa sana matulog kaya lang baka malate ako. Kaya naman bumangon nako at nagtungo sa banyo para maligo. Mabilis lang ang naging morning routine ko, after nun nagbihis na ako at umalis. Dumaan muna ako sa mini mart para bumili ng breakfast ko, kilala na ko ng guard dito kaya naman always siyang nakasmile pag nakikita niya ko. So cute manong hahaha!

Pagkarating ko sa room ko,nakita ko agad si Katt na bumabanga. Namiss ko yung kaingayan nung babae na ito.

"Hazeeeell." tawag niya.

"Kattt.." bungad ko. "Buti naman pumasok kana."

"Syempre, dami ko na hahabulin na lesson kung di pa ako papasok."

"Oonga, pero bakit nga ba? Di mo pa nasasabi ang dahilan mo."

"Ganito kasi yun Hazell.." panimula nang makaupo na kami. "Nagkaroon kasi kami ng problema sa company, kailangan ng may magmamanage nun kasi sakto na nagkasakit si Dad, umiiyak si Mommy na tumawag samin ni Kitt, pinakiusapan niyan na kami munang dalawang ang umasikaso lalo na kami din naman daw ang magmamana niyun kaya mahigit one month din kami nawala ng brother ko." mahabang paliwanag niya.

"Ah, kaya pala diko din nakikita ang kapatid mo, So kamusta na yung Daddy mo? Okay na ba siya?" tanung ko.

"Oo, medyo umaayos na yung pakiramdam niya siguro kailangan niya lang ng mahabang pahinga, alam mo naman pag company na ang usapan di muna maiitindi ang sarili mo. diba?" aniya.

Sa bagay my point siya dun! Kasi ganun din minsan si Mom and Dad. Napapabayaan na nila yung sarili nila kasi puro yung company na lang ata ang mahalaga sa kanila. Pero diko naman sila masisisi, kasi balang araw akp naman ang mamahahala sa kompanya namin.

Sa ganun kaming usapan ng biglang dumating ang teacher namin kaya naman, umayos na kami ng upo ni Katt. Two weeks from now pala ay exam na namin kaya naman lahat ng teacher namin ay naghahabol ng kani kanilang lesson kaya no choice kami kundi ang magaral at makinig.

Natapos ang aming klase ng maghapon kaya naman uwian na, inalok din pala ako ni Katt na sabay na lang daw kami pero di nako pumayag kasi dadaan muna ako sa mini mart para bumili ng hapunan ko. Sa weekend nako mag grogrocery, tutal tinatamad pa din ako. Dadaan din pala ako sa botika para bumili ng gamot medyo masama kasi ang pakiramdam ko diko alam kung bakit, baka dala na rin siguro ng pagod kaya ganun.

Pagkauwe ko sa bahay, agad akong nagtungo sa kusina para uminom ng tubig at ng gamot na binili ko. Pagtapos nun agad akong umakyat sa kwarto ko at nahiga, diko alam pero lalagnatin ata ako. Sobrang bigat ng katawan ko, masakit din nang ulo at giniginaw ako. Hayss! Sana nandito si Mama para alagaan ako.

I miss you Mom.. Dad.

:<

Till My Heartaches End (COMPLETED)Where stories live. Discover now