TMHAE Chapter 11

69 6 0
                                    

A/N: Sorry sa matagal na update guys busy masyado. Magbibigay kasi si mayora ng easy 3k HAHAHAHA😆😍 😝😄

Hazel's POV

KINAbukasan malapad ang aking ngiti ng ako'y gumising. Di ko alam kung bakit pero baka dala na din ng magandang panaginip ko. Kung ano man yun akin na lang.

Nasabi din pala ng aking mahal na Ina na ngayon na dadating si Manang Rosa kaya naman masaya ako kasi makakasama ko na din siya ulit.

Sabado nga pala ngayon, naging mabilis lang lumipas ang araw, kaya naman todo linis din ako dito sa kwarto ko.

Napagtripan ko lang tutal wala naman ako gagawin saka nahihiya ako kay manang kung maabutan niya itong kwarto ko na madumi. Baka isipin niya pa.. di kwarto ng babae ito.

Habang naglilinis ako ng mga kalat sa table ko, may papel na biglang nahulog, taka naman ako na pinulot ito.

Isa itong larawan.. larawang ng isang babae at lalaki, pero teka? ako itong babae na ito ah. OO tama! Ako nga ito.. at yung lalaki si Binbin, kuha ito sa isang park, ten years ago.

Flashback

"Hi, bata." tawag nito sakin. Ako lang kasi magisa na naglalaro dito sa park. kaya naman ako lang ang tinutukoy niya na bata.

"Hello.. sino ka? kayo ba yung bagong lipat dun sa ma kabilang bahay?" tanung ko sa kanya.

"Oo. Ako si Binbin. nagbabakasyon lang kami dito."

"Ah, ako nga pala si Minmin."

"Bakit wala kang kasama?" tanung nito sakin.

"Tumakas lang ako sa amin." pagmamalaki ko sa kanya.

"Hala, Tumakas ka? diba bawal yun. Dapat nagpapaalam tayo sa magulang natin."

"Di kasi nila ako pinapayagan, kaya naman ganito lagi ginagawa ko." saad ko.

Mukang mabait naman siya kasi ang gaan agad ng loob ko sa kanya.

"Pasaway ka siguro kaya di ka pinapayagan!" ngiti niyang sabi.

"Siguro nga" mga ilang oras ang lumipas nasa park pa din kami nagkukuwnetuhan. Hanggang sa may nilabas siya na isang camera.

"Ano yan?"

"Ah dimo alam ito?" Taka niyang tanung ko.

"Hindi eh. Ngayon lang ako naka kita niyan.

"Polariod ito. Tara picture tayo remembrance."

"Hala sige gusto ko yan."

At sabay kaming tumingin sa camera na may tamis na ngiti sa labi.

1

2

3

"Smile friend."

friend?

" friend? magkaibigan na tayo?" tanung ko.

"Oo. ayaw moba?"

"Hindi ah, gustong gusto ko nga." naluluha kong sabi.

"Oy, bat ka umiiyak. May nasabi ba ako na di mo nagustuhan?" alala niyang tanung.

"H-hala hindi masaya lang ako.. k-kasi ikaw pa lang kaisa isa kong naging kaibigan."

"Ang swerte ko naman pala." sabi niya.

Till My Heartaches End (COMPLETED)Where stories live. Discover now