TMHAE Chapter 19

49 4 0
                                    

Hazel's POV

"Maniwala ka sa'kin, hindi totoo yun." saad niya sabay hawak ng magkabilang pisngi ko.

"Di'ko alam kung saan nanggaling iyun, pero i swear to God, di' ko hinalikan yung babae na yun."

Dapat ba akong maniwala? Dapat ba akong magtiwala sa kanya? Dapat ko bang kalimutan na lang iyun at isantabi!

Malalim ang naging bungtong hininga ko at malalam siyang tinitigan.

"Please! trust me love."

I nodded. Sabay nun ang pagyakap niya sa'kin at pag angkin sa labi ko.
Naging malalim ang halikan namin dal'wa nang habol hininga kaming nagbitaw.

"I really miss you love." bulong niya sakin ng maghilaway ang mga labi namin at nanatiling magkadikit ang aming mga noo.

Ganoon na ba akong karupok, at sa isang halik lang bumigay na agad.

"Are you done guys?" Biglang tanung ni Reo na siyang naka sandal sa gilid ng pinto ng kwarto. Gulat naman kaming napatingin ni Vinee sa kanya.

"Go to hell." kunot noong sabi ng lalaking naharapan ko. Kahit kelan napaka init ng ulo nito.

"Why?" I asked.

"Your friend is here, at hinahanap niya na kayo. Bumaba na kayo baka makagawa pa kayo ng jr." Pang aasar niya.

Agad naman siyang binato ni Vinee ng unan na sapol sa muka niya habang tinatago ko yung init na nanggaling sa pisnge ko, shit bat namumula ako. Grabi.

Agad naman kaming bumabang tatlo, nakasunod lang kami kay Reo na siyang nangunguna sa'min na, rinig na rinig ko ang ingay ng kaibigan ko sa bawat sulok ng bahay ko.

Grabi ang ingay talaga nito kahit kelan. Nang mapansin niya na ako ay agad agad niyang lumapit sa'kin at hinatak ako.

"Bakit di mo naman sinabi sakin na may mga bisita ka pa lang gwapo dito." kilig niyang tanung habang sinusundot sundot ang tagiliran ko.

"Oh come on, Hershey stop!" Irita kong sabi sa kanya.

"Ipapakilala mo naman ako te, tas bigyan mo na din ako ng jowa kahit isa lang sa mga pogi dun." Pagpipilit niya.

I sighed.

Lumapit kami sa kanila isa isa ko siyang pinakilala.

"Hi." bati ni Kitt sabay abot ng kamay niya, dali dali naman inabot din ni Shey at nagulat kami ng halikan ito ni Kitt.

Tsk, Ibang klase!

Napaismid si Reo at napangisi naman si Kipper sa ginawa ni Kitt.

"Uunahan kapa ata bro." asar na sabi ni Kipper sabay tingin kay Reo.

"Whats going on here guys?" biglang tanung ko.

Napailing na lang si Kipper at bumalik na sa ginagawa niya kanina at naupo sa sofa.

Gabi na ng umuwe sila. Kumain at nuod lang ng movie at naglaro lang ng uno card ang ginawa namin sa maghapon na'to.  At tuwang tuwa pa ang tatlo kasi sa di maipinta ang muka ni Kitt ng pauwe na sila. Paano lagi kasi siya ang talo, at laging sinasabi na dinadaya siya kaya naman tawa lang ng tawa ang tatlo, nakikitawa na nadin kami ni Shey dahil sa kakulitan nila.

Nagpaiwan naman si Shey at dito matutulog. Pagkahatid ko sa apat agad akong nagtungo sa kusina para magluto ng dinner namin. Wala pa kasi si Manang at bukas pa ang balik kaya naman walang mag aasikaso samin.

Nakita ko naman sa gilid ko na umupo si Shey sa may upuan malapit sa'kin at mukang may iniisip.

Kunot noo akong napatingin sa kanya.
"May problema ka?" tanung ko.

Umiling siya at sinenyasan akong ituloy ko lang ang ginagawa ko.

Kahit nakatalikod ako di'ko maiwasan di mapatingin sa gawi niya. Sobrang lalim ng iniisip niya at di niya alam kung sasabihin ba sa'kin o hindi. Kilala ko 'tong kaibigan ko na'to. At alam ko na may gusto talaga siyang sabihin pero di niya lang masabi sabi.

Pagtapos naming kumain siya na nagprisinta mag huhugas. Habang umakyat naman ako sa kwarto at naligo. Paglabas ko ng kwarto siya naman pasok niya at nagpaalam maligo. Nagsuot lang ako ng pink na panjamas na paborito ko at isang shirt na pantulog ko. Nagsusuklay na'ko ng buhok ng matapos siyang maligo at dumeretso sa tabi ko.

"Bakit antahimik mo naman ata?" tanung ko. "Di ako sanay na tahimik ka may problema kaba?" dugtong ko.

She looked at me at sabay yakap sa'kin.

"Hazel?" mahinang sabi niya. "Nag away kami ni mommy."

Its family problem pala.

"O, bakit kayo nag away? Anong dahilan."

Bumitaw muna siya sa yakap namin at tumingin sakin ng deretso.

"Sinasama kasi ako ni mommy sa U.S. para dun na mag aral.. e, ayoko ayun nagkasagutan kami." saad niya.

"Huh, bakit naman. E last sem na naman na, pwede mo naman ipagpatuloy na lang pagtapos mo ng 1st yr dito."

"Iyon na nga ang sinabi ko kay Mommy pero ayaw niya pa din ako intindihan, kesa raw wala daw ako kasama sa gensan pag umalis sila."

"Hayaan muna, palamigin mo muna ang ulo ni tita at saka na kayo mag usap, gusto mo samahan pa kita."

Tumango lang siya at agad nahiga sa kama at nakatulog na.

Dumating ang araw ng lunes at back to reality nanaman. Thursday ngayon at next week na pala ang finals namin. Kaya naman todo aral nanaman ang mga kaklase ko kasama na dun ang iba pang hayok sa grades.
Napairap na lang ako pag naiisip yun.

Nandito ako sa bench ng biglang may tumabi sa'kin. Kunot noo naman ako napatingin at nagulat sa kanya.

"O, shawie?"

"Hi, princess." bati niya.

"Anong ginawa mo dito?" Kita ko na naka pang suot siya ng jersey at mukang may training ata.

"Wala naman, imbitahin lang sana kitang manuod ng laro namin. Pwede kaba?" tanung niya.

Tatanggihan ko sana nang napansin ko sa muka niya ang lungkot kaya naman napatango ako.

"Oh sige. Kelan ba?"

Kita ko naman agad ang sigla niya ng marinig niyang pumayag ako.

"Next friday princess, nuod ka."

Siya lang yung tumatawag na princess sa'kin. Ang weird!

I nodded. Bigla naman siyang nagpaalam na may training pa siya kaya umalis na din siya. Sakto naman ang dating ni Vinee at kunot noo na tumitig sa'kin ng makitang galing sa gawi ko si Shawie.

"Who's that?" he asked.

"A, si Shawie yung basketball captain."

Kita kong napasmirk siya at iniwas ang tingin sa'kin.

"Okay." Sabi niya sabay alis at iniwan ako.

Luh! Nagselos ba yun?!

—————

Till My Heartaches End (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora