TMHAE Chapter 18

60 4 0
                                    

Hazel's POV

Its been a week since last na nagkausap kami about sa tinanung niya sakin, at hanggang ngayon hindi pa din niya ako kinakausap.

Animo'y kahit message or call wala. Kahit sa school di ko din siya nakikita,  magkita man siya na mismo ang umiiwas. I don't know what to do.

Do I need to say sorry para sa kanya, para lang magkaayos kami, naguguluhan ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kahit gusto ko siya kausapin, lapitan kung siya din naman ang umiiwas paano na?

Its already 1am in the morning at gising pa din ako, di ko alam bat di'ko makatulog. Masyado akong naapektuhan sa ginagawa niya sa'kin nagsisimula pa lang kami pero feeling ko magtatapos na.

At dahil di na ako makatulog nagcheck muna ako ng account ko. Ilan taon na din kasi mula nung huli kong open ng facebook account ko at kahit nung birthday ko ay diko nagawa dahil sa sobrang busy ko.

Pagkabukas madami agad ang mga nagnotif, message at mga friend request ng mga ibang taga BU. Dahil wala naman ako panahon sa kanila panay lang ako scroll up down sa newsfeed ko, at sa di inaasahan ito agad ang bumungad sakin. Isang share post ng friend ko sa fb at ang shinare niya lang naman ay yung post ng isang babae na may kasamang lalaki na naghahalikan at pinakita na din na magkasama sila sa isang bar ba'to ewan. At ang kinabigla ko at kinabilis ng dibdib ko ay yung mapagtanto ko na si VINEE yung lalaking may kahalikan.

What the fuck!

Madami na din ang nakakita at nakapagkalat nito at kita ko din sa bawat comment nila na may masaya, naiingit, nagagalit at ang iba naman ay deadma lang.

So kaya pala di nag paparamdam sakin at umiiwas may iba na palang kinaaabalahan. Tsk!

Dahil sa sobrang inis ko pinatay ko na lang ang selpon at pinilit na lang matulog ulit. Naiinis ako sa nangyayari at mas naiinis ako sa nararamdaman ko bakit ganito? Bakit may kirot akong nararamdaman, sana pala di na lang ako nag bukas ng account ko kung ganito din pala ang makikita ko. At dahil masama ang loob ko agad naman akong nakatulog na ulit.

TANGHALI na nung magising ako, at salamat na lang at sabado nga pala ngayon wala kaming pasok at ibig sabihin pahinga. Kaya naman agad nako dumeretso sa cr at naligo na.
At habang naliligo ako, iniisip ko din kung anong pwede kong gawin sa maghapon na'to.

Gusto ko libangin ang sarili ko, ayoko mag isip ng kung ano ano ngayon.

Habang pababa ako ng hagdan may naririnig akong may nag uusap. At ganun na lang ang gulat ko nung napagtanto ko kung sino ang mga nag uusap. Anong ginagawa ng apat na ito bahay ko?

"Excuse me.." kuha ko sa pansin nila.

Sabay sabay naman sila sakin nangumiti na kala mo ay welcome na welcome sila dito.

"Oh! Hi Hazel." bati ni Kitt.

Seriously?

"Anong ginagawa niyong ditong apat?" tanung ko ng may kunot sa noo.

"Hmm, wala naman. Makiki kain lang." aniya ni Reo.

"Makikikain?.." asik ko sa kanila. "Ang yayaman niyo tas dito niyo pa naisipan makikain." saad ko. Habang nakapameywang sa harap nila, kita ko naman na naismid na lang si Kipper at binaling na sa t.v ang tingin niya. Nakita ko naman sa tabi na papalit na sakin si Vinee, kaya naman bago niya pa lang ako maabutan ay tumalikod na'ko at pumunta sa kusina na alam ko naman na susundan niya ako.

"Hazel.." rinig ko tawag niya sakin.

Wala akong naririnig, guni guni lang yan. Wag kang makikinig. Isip isip ko.

At dahil kunwari wala akong naririnig tuloy lang ako sa ginagawa ko at inisnob siya.

"Hazel, kausapin mo naman ako.."

"....."

"Love, please! Pansinin mo naman ako." pagmamakawa niya.

"Tsk."

"I'm sorry Hazel. Alam ko mali ako, please. Kausapin mo naman ako oh.." tuloy pa din ako sa ginagawa ko at di siya pinapansin, bahala ka sa buhay mo kahit umiyak ka pa ng dugo diyan, bahala siya.

"Please love! Di na'ko mapalagay pinilit kong di kausapin pero di ko talagang kaya, please kausapin mo na ako. Bakit ba kasing sumunod pa'ko sa Kitt na yun, tsk!"

Kitt? Anong meron kay Kitt?

Agad naman ako napatingin sa kanya ng kunot noo.

"Are you gay?" bigla naman tanung ko kaya naman bigla na lang siya napatitig sakin ng masama.

Ang kyut talaga nito pag nabibigla.

"W-what? No way! I'm not." bigla niyang sabi.

Ito naman isa lang tinanung ko andami na agad sinabi. Parang iyon lang halos atakihin na.

"Oh, hindi naman pala bat ang ingay mo, hindi lang napaka na pala." taas na tonong sabi ko sa kanya.

"E, kasi naman para kang walang naririnig, 'di mo nga ako pinapansin." taas tono din niyang sabi.

"At ngayon sinisigawan mo na din ako a, ganun? Gumaganti ka!" gigil kong sabi sa kanya.

"Of course not, I'm sorry love. Please! Wag na mainit ang ulo." paglalambing niya at bigla niya naman akong hinatak at kinulong sa mga bisig niya. At habang yakap niya ako sa likod,
nararamdaman ko nanaman yung init ng katawan niya, shet!

"Love, bati na tayo. Pls!" pagkasabi niya nun, agad niya naman akong iniharap sa kanya.

Napalunok na lang ako sa sobrang lapit ng muka namin sa isa't isa. At nararamdaman ko ang hininga niya sa aking muka. Ilang minuto ata kaming nagka titigan ng paunti unti niya ng nilalapit ang labi niya sa labi ko ng bigla may nagsalita sa pinto ng kusina na siyang nagpahiwalay samin dalawa. Shet, si Kipper!

"Oh! I'm sorry, May kukunin lang sana ako kaso, sige tuloy niyo na lang ulit ginagawa niyo." saad niya sabay talikod na sana ng pigilan ko siya.

"Hmm, No! Sige kunin mo na ang kukunin mo. Aalis naman na ako."

Pagkasabi ko nun, agad naman na ako tumalikod sa kanila at mabilis na nagtungo sa kwarto.  Narinig ko rin  na tinawag ako nila Reo at Kitt sala ng mapadaan ako, pero di ko na din sila pinansin at nag tuloy tuloy lang.

Isasara ko na sana ang pinto ng may kamay na humarang dito at inuluwa nito si Vinee na seryosong tumingin sakin. 

"We need to talk."

"For what?" taas kilay kong tanung sa kanya. "Idedeny mo sa'kin na di totoo yung picture na 'yun na may kahalikan ka at set up lang yun ganun?" sunod sunod kong sabi sa kanya.

"W-what are you talking about? Please Hazel, let me expl—." di niya na natuloy ang sasabihin niya ng bigla kong siya sampalin ng malakas. At sa mga oras na'to hindi ko na napigilan ang mga luhang gusto ng lumabas kanina pa.

"Explain? thats bullshit!" Gigil kong sabi sa kanya.

"Hazel.." pilit niya akong gustong hawakan pero ako mismo umiiwas sa kanya.

Gulong gulo na ang isipin ko. Ano ba 'to? Nag sisimula pa lang ang relasyon namin pero mukang magtatapos na.

———

Till My Heartaches End (COMPLETED)Where stories live. Discover now