TMHAE Chapter 25

41 4 0
                                    

Hazel's POV

SIX YEARS LATER

Mabilis ang takbo ng panahon at anim na taon na ang nakalipas mula ng magsimula akong magtrabaho sa kompanya, at sinasabi ko na matagumpay ko naman itong napalago, kung nung una medyo nahihirapan, stress at laging pagod ngayon naman ay masasabi kong sanay na ako sa ganitong routine sa buhay ko, at salamat sa tulong ni Claire.

Sunday ngayon at day off ko, nakatambay lang ako ngayon sa sala at nag sscroll sa selpon ko. Madami akong naiisip isa na dito ang kausapin ang bestfriend ko, kaso natatakot ako na baka hindi niya ako pansinin at iwasan.

Pero dahil anim na taon na ang nakalipas mula nung makausap ko siya, walang alinlingang ko siyang tinawagan agad naman nagring ang selpon niya at gulat akong sinagot niya ito.

"[Hello..]" sabi niya sa kabilang linya.
Tumikhim muna ako bago nagsalita.

"[Hello.. shey.]" narinig ko ang buntong hininga niya at siguro nagulat dahil napatawag ako.

"[Hmm. Shey, I know na madami akong kasalanan sayo, pwede ba tayo magusap?]" saad ko.

Matagal bago siya nakasagot. "[Sige, saan?"] tipid niyang sagot. "[Ah, itext ko na lang sa 'yo yung location, see you!]" sabi ko. Di na siya nag abalang sumagot at deretsong pinatay ang linya.

After nun tinext ko na agad sa kanya kung san kami magkikita, at mabilis ang kilos ko na naligo at naggayak.

Mabilis ang oras at nakarating na agad ako sa mall kung san kami magkikita, pumasok na din ako sa isang cafe dun at umorder, umorder na din ako ng sa kanya at mabilis naghanap ng upuan para sa 'min dal'wa.

Ilang minuto rin ay dumating na siya at mabilis na umupo sa harap ko. Sandaling walang nagsalita samin kaya ako na ang bumasag ng katahimikan.

"Long time no see, its been a while" bungad ko.

Ngumiti lang siya saka sumipsip sa inorder ko sa kanya. Dahil tingin ko wala siyang balak magsalita ay ako na lang ang nanguna.

"I-m sorry.." utal na sabi ko. "I-m sorry kasi pinagtabuyan ko kayo noon na kahit alam ko naman na gusto niyo lang ako damayan noon. Sorry!" mangilid ngilid na luhang sabi ko.

Tumikhim muna siya bago nagsalita. "Its okay, naiintindihan ka din naman namin, at parang hindi mo ako kilala, di ako yung taong mahilig magtanim ng sama ng loob." naka ngiting sabi niya.

Sa sinabi niya na yun, agad akong napaiyak at tumayo para yakapin siya. "Thank you, sobrang namiss kita." umiiyak na sabi ko.

Tumawa lang siya. "Namiss din kita, O, tama na ang pangit mo talagang umiiyak, Hazel." biro niya.

Masaya ako dahil okay na kami at mas masaya ako dahil para akong nabunutan ng tinik sa dibdib.

"But wait, di ka lang dapat sa'kin humingi ng tawad dapat sa kanila din." saad niya sabay turo at deretso ang tingin sa likuran ko.

Gulat akong napatayo sa lumingon sa kanila.

"Katt.. Kipper.. Reo.. Kitt.. Mallow" tawag ko sa kanila.

Ngunit parang may kumirot sa puso na ko na kala ko pati siya kasama nila.

Wag kanang umasa pa, anim na taon, marahil masaya na yun, at ikaw ang unang nang iwan diba?dapat masaya kana.

Kita ko naman na nagkanya kanya silang upo, at mabilis naman yumakap sakin si Katt. Kahit papano namiss ko ang babae na 'to walang pinagbago.

"Kamusta?" ani ni Kipper, ang masungit pero mabait.

Till My Heartaches End (COMPLETED)Where stories live. Discover now