TMHAE Chapter 24

42 3 0
                                    

Hazel's POV

"Manang.. alis na muna ako."

Paalam ko, nagstop over muna ako sa may malapit na flower shop at may binili saka dumeretso sa pupuntahan ko. Its been a two weeks at nasisigurado ko na handa na ako. Although medyo kinakabahan, bukas na ang nakatakdang araw nang pagpasok ko sa kompanya namin.

Nandito ako ngayon nakatayo sa harap ng puntod ng magulang ko, nilagay ko na din yung bulaklak na dala ko saka hinawi yung mga damong nakakalat.

Harold John Ramirez

Haley Ann Ramirez

"Mom.. Dad.. miss na miss ko na kayo." Garagal na sabi ko. "Alam niyo bukas na ang start ng trabaho ko, at sana nandito kayo para suportahan ako.. walang araw na di ko kayo naiisip. Mahal na mahal ko kayo, kung nasaan man kayo alam kong masaya na kayong magkasama. Bakit ba kasi iniwan niyo pa ako dito sana sinama niyo na lang ako. Kung pwede ko lang ibalik ang araw gagawin ko." hindi ko na napigilan ang iyak ko, na alam kong pati ang langit ay dadamayan ako. Sa bawat pag patak ng luha ko ang siyang unti unting pagbuhos ng malakas na ulan.

Pati ba naman ikaw!

Tulala akong tumingin sa kalangitan at sinasalubong ang bawat patak nito.
Alam kong masaya na sila, natupad nila yung hanggang kamatayang magkasama, at masaya na 'ko doon kahit na naiwan ako. Siguro hindi pa ito ang oras ko madami pa akong magagawa sa buhay ko na alam kong nandiyan sila para samahan ako.

Ilang minuto akong nalagi doon kahit na alam kong basang basa na ako ay di ako umalis.. bigla naramdam ko na lang na may taong lumapit sa 'kin at may dalang payong. Gulat akong tumingin dito.

"Shawie?" saad ko. "Anong ginagawa mo dito?" taka kong tanung.

"Wala, may dinaanan lang ako tas nakita kita."

Tumango tango ako bilang pang sang ayon.

"Tara na, lumalakas na ang ulan baka magkasakit ka pa diyan." Pangaaya niya sabay inalalayan ako hanggang sa makasakay ako.

"Thank you." I whispered.

He nodded. "Your always welcome, nandito lang ako lagi para sayo." Pahabol niya at saka sumakay na sa sasakyan niya.

I gave him small smile bago pinaandar ang kotse ko.  Kahit papano nakaramdam ako ng kaginhawaan.

Bigla ko tuloy naalala si Hershey, namimiss kona siya ilang linggo na din wala akong balita sa kanya. Natatakot ako na baka pag ako naman ang lumapit siya naman ang magtaboy.

Siya kaya? Naalala niya kaya ako? Siguro kinasusuklaman niya na ako. Dahil sa ginawa ko sa kanya. Kung alam niya lang sobra akong nasaktan, ayoko lang na madamay siya sa mga malas na nangyayari sa 'kin mas mabuti na ako nalang ang sumalo lahat wag na siya.

The next morning, it was my first day kaya naman maaga akong nagising at naghanda. Mabilis ang takbo ng oras nakita ko na lang ang sarili kong papasok na sa building namin.

This is it!

Pagpasok ko, ramdam ko na agad yung mga tingin nilang nagtataka. May ilang bumati marahil kilala nila ako, tuwing nabibisita ako dito noon.

Pagpasok ko ng elevator agad ko pinundot ang 7th floor kung asan ang magiging office ko. Pagbukas nun, agad nahagip ng mata ko ang secretary ko gulat siyang ngumiti sa 'kin.

"Good morning, Ma'am." bati niya ng makalapit.

"Good morning, too Claire?" She nodded and gave me smile.

"Claire Vasquez, Ma'am."

Agad naman niya ako hinatid kung saan ang magiging office ko.

'HAZEL MINE RAMIREZ'
  Chairman of  RR state corp.

Sandali kong pinagmasdan ang nakasulat na pinto, nang makapasok ako agad na bumungad sa'kin ang simple at magandang desenyo ng loob ng office ko.

I like it!

"Ma'am, kung may kailangan kayo tawagan niyo lang po ako." Ani ni Claire.

I nodded.

Agad naman siyang umalis at dahang dahan sinara ang pinto. Napagalaman ko din na may meeting ang lahat ng board member around 10 am sa conference. Kahit na kinakabahan ako ay kinakailangan ko pa rin humarap sa kanila, di bilang anak ng may aring yumao, kundi bilang bagong tagapamahala nito.

Mabilis lumipas ang oras ten am na kaya naman, nagretouch retouch na 'ko ng sarili ko, sakto naman na may kumatok at inuluwa nito si Claire, ang sekretarya ko.

"Ma'am, nasa board meeting na po silang lahat." aniya.

"Yeah, I'm coming." Huminga muna ako ng malalim bago tumayo at sumunod sa kanya.

Sa pagpasok ko agad naman silang tumahimik at tumayo bilang pag galang, sa edad kong ito na sisiguro ko na ako lang ang mas bata sa mga nasa harap ko at sa palagay ko mga nasa mid 30s na silang lahat.

Agad naman akong tumango at  sinenyasan silang maupo.

"Good morning, everyone.." bungad ko. "I'm Hazel Ramirez, daughter of Mr. and Mrs. Ramirez,  and the new chairman of this company.." kita ko ang gulat sa mga mata nila at pagaalinlangan. Tumikhim muna ako bago nagsalita ulit, agad naman silang nanahimik at tumingin sa gawi ko. "So, kung nagtataka kayo pano nangyare 'yun, well mga magulang ko na lang ang tanungin niyo free silang puntahan sa puntod nila, kung gusto niyong malaman." nangaasar na sabi ko. Ramdam ko sa ibang titig nila n ayaw nila sa'kin at sa mga naghahangad ng posisyon, pwes nagkakamali sila, dahil papalaguin ko ang kompanyang pinaghirapan ng magulang ko.

"So kung wala na kayong tanung, maaari na kayong bumalik sa mga trabaho niyo. The meeting is over. Thank you!" Saad ko. Isa isa naman silang nagsitayo at umalis.

"Claire." tawag ko sa secretary ko bago umalis.

"Ma'am?"

"Paki send sa 'kin via email ang files, about sa project na nasimulan na at gagawin pa lang. Paki sabi din sa kada head ng department natin na kailangan ko na ang mga documents na inasign sa kanila, yun lang thank you"saad ko.

"Yes, Ma'am." Pagkasabi niya nun, agad naman akong bumalik sa office ko at pinasadahan ang mga papeless na sa table ko.

Mabilis natapos ang araw at pauwe na'ko. Pagkarating ko bagsak ang katawan kong naupo sa sofa, hays nakakapagod na maghapon. Dagdag mo pa yung traffic, kailangang ko na atang maghanap ng unit na malapit sa kompanya ko.

Nakita ko na din si Manang na papalapit sa'kin na may dalang munting regalo na di ko mawari, bigla tuloy ako nakaramdam ng kaba at tensyon sa dala niya.

"Manang.. ano yan?" tanung ko dito ng makalapit siya.

"Hija, kanina pala may nagdala nito. Para sa iyo daw." saad niya. Kinuha ko ito at pinagmasdang mabuti.

To: Hazel Ramirez
  I hope u like it dear.

Agad ko naman itong binuksan, at napasigaw sa laman nito.

"OMYGAD! AAAAAHHHH!"

Gulat na lumapit sa 'kin si Manang at yumakap.
"Nak, anong mer—" pati siya natahimik at nagulat sa nakita niya.

Isa tong death threat na puro litrato ko na stolen ang laman at may mga bahid ng dugo, sino naman kaya ang may pakana nito. Masyado akong natuliro sa mga nangyayari, may kinalaman ba 'to sa nangyari sa mga magulang ko. Natatakot ako para sa sarili ko, natatakot na baka sa sandaling iglap mawala na lang ako sa mundo. Pero kinakailangan kong lakasan ang loob ko, at sinisiguro ko magbabayad ang may gawa nito. At malakas ang kutob ko na iisa lang ang taong nasa likod nito, at hahanapin ko iyun.

Magbabayad siya, magkamatayan man!

——————
—____—

Till My Heartaches End (COMPLETED)Where stories live. Discover now