TMHAE Chapter 31

58 3 0
                                    

Hazel's POV

Isang buwan ang mabilis na lumipas at masasabi ko na para bang bumalik na ulit sa dati ang lahat. Sana nga!
Nasa office ako ngayon at tinatapos ang lahat ng trabahong naiwan ko.
At laking pasasalamat ko rin sa secretary ko na hindi niya pinabayaan ang kompanya, maging kay Shawie na nandiyan parin pa sa 'kin. Bagama't hindi pa kami nagkikita o nagkakausap after nung insidente, siguro ay busy lang siya or iniiwasan niya ako.

Maybe? I don't know.

Lunch time at may usapan kami ni Vinee na sabay kakain ngayon. I was ready to left, when my phone suddenly rang. Agad naman akong nakaramdam ng kaba. Marahan kong tinignan kung sino ang caller at sinagot.

Shawie!

"[Hello..]" I said. Matagal bago siya makasagot.

"[Hazel.. we need to talk.]" Marahang sambit niya sabay patay ng tawag.

Napailing na lang ako matapos niya akong patayan ng tawag. Anong problema ba nun!

Lutang ang isip ko nang masundo ako ni Vinee hanggang sa makarating kami sa GT restaurant.

"Hey.. are you okay?" Mahina at bakas sa boses niya ang pag aalala.

"Ha? yeah, sorry." saad ko, pansin ko na paubos na ang pagkain niya samantala yung akin 'dipa.

"May problema ba?" Tanung niya, sabay marahang lapag ng utensils.

"Wala.. naisip ko lang si Ivan." sabi ko, kita ko naman na biglang nagiba ang muka niya dahil sa sinabi. "Hmm, what I mean is, hindi pa kasi kami nakakapagusap or nagkikita after nung nangyare.." huminga muna ako bago nagpatuloy ulit. "..then kanina bago mo ako sunduin, he called me, na kailangan daw namin magusap." Paliwanag ko.

Tiim bagang tumitig sa'kin. "Ah, I see." saad niya. "Dapat nga kayong magusap, nang hindi ka lutang sa iba." Marihin at tiim bagang niyang sabi.

"I'm sorry." I wisphered.

Mabilis natapos ang oras at pabalik na ako ngayon sa opisina ko. Saktong palabas na 'ko nang salubungin ako ni Claire.

"Ma'am, kanina pa po kayo inaantay ni Sir Gomez." saad niya. Agad naman akong lumingon sa kanya at tumango.

"Ah, sige thank you ako na bahala." Sabi ko at saka mabilis tinalikuran siya, pagpasok ko nakita ko na mabilis naman siyang napatayo ngunit seryoso ang mukha.

Ngumiti ako bago inilapag sa swivel chair ang bag na dala ko bago humarap sa kanya.

"Shawie!" Mahinang tawag ko. "Kamusta kana? Bakit ngayon ka lang nagpakita sa'kin?" sunod sunod na tanung ko.

Tumikhim siya at nandun pa rin yung seryosong tingin niya.

Napapikit ako dahil sa talas ng mata niya na tumingin sa'kin. "May problema ba? Sabihin mo sa'kin please." garagal na sabi ko. Naiiyak ako dahil sa way niya ng pagtitig sakin.

Marahan siyang lumapit sa'kin at agad na hiniwakan ang magkabila kong pisnge at walang alinlangan siniil ng halik ang labi ko.
Malakas ang pwersa ko siyang tinulak at sinampal.

"What the hell are you doing!" ulas ko.

"I'm sorry." wika niya at akmang hahawakan ang braso ko ng iniwas ko 'to.

"Ano bang problema mo? Bakit mo ginawa 'yun.. alam mo naman na may fiance ako diba?" galit at pasigaw kong sabi.

Hindi ko siya maintindihan sa pinapakita niya, yung way ng pagtitig niya dati naman hindi ganyan. Nasaan na yung Shawie na nakilala ko six years ago, bakit ang bilis magbago.

"Dahil.. MAHAL KITA!" Sigaw niya.
Ramdam ko ang sinseridad sa kanya mata nang sabihin niya yun, kaya matagal ba ako makasagot, at tanging pagtitig lang ang nakagawa ko sa kanya.

"Shawie" bulong ko.

"Hazel.. ako na lang piliin mo, ako na lang mahalin mo please." aniyaat dahan—dahang lumuhod sa harapan ko.

"I'm sorry." iyun lang ang mga katagang nasabi ko. Bakas sa muka niya ang dismaya, kahit kelan 'di ko naisip na ganito na pala ang pagtingin niya na akala ko kaibigan pa rin, kasi kung para sakin alam kong kaibigan lang turing ko sa kanya at wala nang iba.

Marahan ko siyang itinatayo at nang magpantay na ang muka namin marahan kong hinaplos ang pisnge niya. "Shawie, I'm sorry, kaibigan lang talaga." saad ko, at saka tinalikuran niya.

Magpapahangin muna ako siguro. Masyado akong tuliro sa mga nangyare at baka hindi ako makapagtrabaho nang ayos.

Natatakot ako na baka dumating ang araw, ibang 'Shawie Ivan Gomez' na ang nasa harapan ko, hindi na yung dating nakilala ko.

————
A/N: short update muna guys, thankyou bangers! Konting shembot na lang malapit na sa finish line.

Till My Heartaches End (COMPLETED)Where stories live. Discover now