Prologue

1.3M 40K 63.5K
                                    


Prologue

In Erik Erikson's Psychosocial Theory of Development, people in their twenties through early forties were concerned with intimacy and isolation. They reached the stage where they developed a sense of individuality and could share their lives with others.

However, at thirty, I still hadn't found the one I wanted to spend my life with. People around me had a great deal of making me feel like I was running out of time.

Isang untold rule ng buhay na dapat bago ka ikasal, nasa long-term relationship ka muna. Three years? Five years? Seven years? Time matters. Ika nga ni Queen Elsa ng Frozen, you can't marry someone you just met.

"Vina, you're here!" sigaw ni Anne nang makita akong papasok ng hall sa hotel kung saan ginaganap ang first birthday celebration ni Trevor, anak ni Chin na matalik kong kaibigan.

Kumaway-kaway pa si Anne sa akin habang buhat ang dalawang taong gulang na anak niya. The other people on that table turned their gazes on me. Feel na feel ko naman ang paglalakad patungo sa direksyon nila.

I smoothed out my silver dress and tilted my head to the left to reveal my fair nape.

Tamang pa-cute lang ako sa mga nadadaanan ko habang tahimik na humihiling na sana ay wala pang asawa ang mga nakatingin sa akin. Sa mga ganitong pagkakataon na lang kasi nakalalandi ang kagaya kong busy sa buhay. I literally lost my social life because of medical school!

I sat beside my college friend, who was staring at me with malice.

"Kung tumitingin ka para sabihing maganda ako, save it. I know it already," I joked.

She scoffed. "Gandang walang dilig."

"Hoy, Anne!"

"Oh, bakit?" she asked, posing a challenge to me.

I frowned and shifted my gaze to the stage. "Ikaw nga nadidiligan pero ang pangit mo pa rin. Wala sa sex life 'yan."

I chuckled when she hit my shoulder with her free hand. Maya-maya pa ay ibinigay na niya na sa asawa niya ang anak nila. Ang kasama namin sa mesa ay mga kaklase rin namin noong college, at oo, ilang beses na rin nilang nabanggit ang pinaka-ayaw kong tanong.

"Vina, kailan ka ba mag-aasawa?"

I resisted the urge to raise my middle finger at her. Kung wala lang talagang mga bata sa mesa, naku! Kahit tuwing batch reunion namin, wala palya 'tong si Queenie sa pagtatanong tungkol doon! Akala mo naman talaga ay good catch ang asawa niyang anim na beses siyang niloko!

Wala pa akong asawa kasi wala pang may deserve sa akin!

"Kaya nga! Balita ko ay nililigawan ka ni Liam Garofil, ah?" sabat pa ng isa.

I let out a huge sigh.

"The Liam Garofil?! 'Yong artista?" gulat na pahayag ni Anne habang pinandidilatan ako ng mga mata.

I stared back at her, almost glaring. "Bakit gulat na gulat ka? Hindi naman imposible sa ganda kong 'to."

She raised her eyebrow and grinned. Para bang may naiisip na kalokohan. "So, what's the deal? Jowa mo? Fling? FuBu?"

I irked at her remarks. Goodness, gan'yan ba ka-imoral ang tingin niya sa akin?! "FuBu?! Girl, I'm not into sex before marriage..." Sinigurado kong ang pagsasabi ko noon ay dahan-dahan. Ngumisi pa ako.

Malakas siyang tumawa. "Gago!"

I smiled to myself. Everyone would be surprised to learn that I never had sex in my entire life; I just had a lot of fun making jokes about it... kaya akala nila ay may karanasan ako. Hindi naman sa ayaw ko. Talagang wala lang akong mahanap na pwede. Ang gusto ko pa naman ay 'yong complete package na! Sayang naman ang ganda at pinag-aralan ko kung maghahanap ako ng puchu-puchu lang!

Dosage of SerotoninWhere stories live. Discover now