Chapter 14

487K 22.5K 20K
                                    


Chapter 14

After starting a relationship with Calix, my heart and mind felt at peace. In my world of ambiguity and inconsistency, I met someone who would be certain and consistent about me.

I kept track of everything he did for me and realized that it was always his charming little gestures and kind compliments that made the difference.

Puwera ngayon.

"Please, 'wag ka nang magtampo," lambing niya sa akin habang nagluluto ako ng dinner namin.

Nakasimangot ako dahil ayaw ko talagang rumupok sa kanya. Hindi pwedeng isang yakap niya lang sa likod ko ay ayos na, 'no!

Hindi ko siya pinansin. Kahit amoy na amoy ko ang bango niya dahil kaliligo lang niya ay pinipilit kong kalabanin ang sarili. Tatlong linggo na rin simula noong magkaroon kami ng relasyon. And it was going well. Ang tiyaga-tiyaga niya sa akin.

"Para sa 'yo naman talaga kaya ko binili 'yon," dagdag niya pa. "May natira lang kaya iginawa ko rin si Matcha."

Napairap ako at humarap sa kanya. Napabitaw siya sa akin. Lalo pa akong nainis nang mapansing itinatago niya ang ngisi.

"Talaga?"

Kinagat niya ang pang-ibabang labi para pigilan ang lalong pagngisi.

"Oo nga," he said gently.

I glared at him. "Paano ako makakasigurado na kaya mo binili ang beige na cashmere na 'yon ay para sa akin, at hindi para kay Matcha?" pagsusungit ko pa. "Talagang iginawa mo siya ng damit niya? Hindi ka manlang bumili ng ibang kulay?"

Napakamot siya sa ulo. "May natira nga... kaya iginawa ko rin siya. Sayang naman, eh."

Inirapan ko siya bago muling tinalikuran para harapin ang niluluto. "Sus. Sigurado akong binili mo 'yon para sa kanya, tapos no'ng may natira, saka mo ako iginawa ng scarf," bulong ko pa.

He chuckled. "Bakit ka ba nagseselos? She's our dog."

"Eh, ano 'yong MF sa damit niya? Matcha Fujimoto rin?" I murmured.

I know I'm being irrational right now, but yeah, I'm really a shortcake.

Iniharap niya ako sa kanya at hinawakan ang mukha ko. Inilapit niya ang mukha sa akin at pinagdikit ang mga ilong namin. Pilit kong ikinunot ang noo para ipakita sa kanya na wala siyang epekto sa akin.

"Ikaw ang pakakasalan ko, Doc," bulong niya.

Nag-init ang pisngi ko at pilit na kumawala sa hawak niya pero hindi naman ako nagtagumpay. "Anong kasal?! Ilang linggo pa lang tayo, 'no! Marami pang pwedeng mangyari..."

Inilayo niya ang mukha sa akin at sinamaan ako ng tingin.

"Gaya ng ano?" He narrowed his eyes on me. "Vina, I have no intention of letting you go."

I pursed my lips to keep a smile from coming out. Naku naman! Kitang nagkukunwaring inis ako, eh!

Inalis ko ang kamay niya sa pisngi ko at saka humalukipkip.

"Sabagay," I tried to sound arrogant. "Gustong-gusto mo ako noon pa. Ang saya mo siguro, 'no? Na..." Nag-iwas ako ng tingin sa kanya dahil hindi ko kayang tagalan ang titig niya sa akin. "Naabot mo 'yong pangarap mo."

Tumawa siya. "Ayan na siya..."

I scoffed. Pinagpatuloy ko ang pagluluto habang siya ay panay ang pangungulit sa akin. Tuloy ay late na siyang nakatulog dahil may kailangan pa palang tapusin na gawain sa trabaho. That's what you get for flirting with me.

Kinabukasan ay niyaya ko si Yesha sa ramen house. Tutulong doon si Calix kaya inimbitahan niya ako na roon na maghapunan. Syempre, bilang butihing kaibigan, niyaya ko rin si Yesha. At syempre ulit, bilang malandi, niyaya niya si Mark.

Dosage of SerotoninWhere stories live. Discover now