Chapter 24

384K 17.7K 21.8K
                                    

Chapter 24

Trigger Warning: Violence, Strong language

I didn't know that it would be the start of my downfall.

Walang paalam sa mga kaibigan akong umuwi sa bahay ng mga magulang ko at naabutan ko ang pagwawala ni Papa. Hawak siya nina Kuya Rexter at Mark pero hindi siya nagpapaawat.

"Ibalik n'yo si Vivienne!" Basag na basag ang tinig niya. "Siya lang ang nagtatyaga sa akin! Ipahanap mo!" Humarap siya kay Kuya, nangungusap ang mga mata. "Parang awa mo na... ipahanap mo si Vivienne..."

Dali-dali akong pumunta sa kwarto nina Mama para buksan ang cabinet. Wala na roon ang mga damit at ibang gamit niya. My hands were trembling, not knowing what to do. Naglaro sa isipan ko ang huling pag-uusap namin, dahilan para mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

Paglabas ko ng silid ay nagwawala pa rin si Papa. Agad na nagtama ang mata namin at kitang-kita ko kung paanong nag-alab ang tingin niya. Itinulak niya sina Kuya at Mark at mabibigat ang hakbang na naglakad nagtungo sa pwesto ko.

"Kasalanan mo 'to!" malakas na sigaw niya bago ako itinulak.

Napaupo ako sa impact. Bahagya pang tumama ang ulo ko sa gilid ng upuan. Sa gulat, ni hindi na ako napadaing sa sakit.

"Lolo!" Si Mark. Agad niya akong dinaluhan.

Nanginig ang labi ko sa labis na takot. My father was glaring at me, para ba akong estranghero na may malaking kasalanan.

"Kung hindi dahil sa 'yo, hindi aalis si Vivienne!" Hindi nagpapigil si Papa. Muli siyang lumapit sa akin at handa na akong suntukin pero iniharang ni Mark ang likod niya para protektahan ako.

Sunod-sunod na nagbagsakan ang luha ko. Walang salitang namumutawi sa bibig ko dahil sa matinding pangangatal. Ito ang unang beses na pinagbuhatan niya ako ng kamay.

"I'm sorry po... I'm sorry..." iyak ko dahil hindi ko na alam ang dapat sabihin.

Naglaro sa utak ko ang pagtawag sa akin ni Mama at pagsasabing pagod na siya. Hindi ko malaman kung bakit may parte sa akin ang sinisisi ang sarili sa nangyari. Kung nakinig sana ako, hindi mangyayari ito.

Nang makita ko ang mukha ni Mark na parang nasasaktan sa mga suntok ni Papa ay itinulak ko siya. Ayokong masaktan siya nang dahil sa akin. He received a lot of punches from his father already. I couldn't add up to that.

Hinahabol ko pa ang paghinga ko nang na sumalubong sa mukha ko ang sampal ni Papa.

"Tita!" sigaw ni Mark.

Pumikit ako at ininda ang pananakit ni Papa.

"Si Vivienne ang dahilan kung bakit ka nandiyan ngayon, pero tinalikuran mo siya! Wala kang utang na loob!" sigaw niya. Nawawalan na siya ng pagtitimpi dahil kung saan saan na dumadapo ang kamao niya.

Naramdaman kong pinipigilan ni Mark si Papa pero sa lakas nito ay wala siyang magawa.

Naramdaman ko ang parang bakal na kamay niya sa leeg ko at idiniin ako sa semento.

"Pa..." I whimpered. Hindi na ako makahinga. Nagdidilim ang paningin ko sa sunod-sunod na pangyayari.

A lone tear fell from my eye.

It wasn't because of all the hits and fights. It wasn't because of how he held me down on the floor. It wasn't because of his hands on my neck. It wasn't because of my wounds or cuts.

It was because of his words. His will to get rid of me... his child... his daughter.

Kahit hindi makahinga ay nagbagsakan ang mga luha ko. Nawalan ako ng lakas para manlaban.

Dosage of SerotoninWhere stories live. Discover now