Chapter 9

479K 21.9K 15.4K
                                    


Chapter 9

"Two weeks, Vina..." pamimilit ulit ni Liam. "Please, kahit dalawang linggo lang."

I let out a sigh. One thing I hated about men was how forceful and demanding some of them could be. Mahirap bang intindihin ang salitang "ayoko"?

I steered clear of Liam's piercing gaze. I felt bad for rejecting him so soon, but I didn't see our supposed relationship going elsewhere. He couldn't make me laugh. He couldn't make me feel safe. Getting into a relationship with him was a surefire way to end up with a broken heart. It was never going to work out.

"One date," I said just to silence him. "I'm sorry, Liam, but that's all I could give."

Yumuko siya. Kinuha ko ang pagkakataong iyon para makatayo. Lumapit ako sa pinto bago muling bumaling sa kanya.

"Let's meet for dinner on Friday. Please don't make things difficult for us. Friendship is the only thing I could offer," pinal na saad ko.

Tumayo rin siya at binigyan ako ng ngiti. "I'm sorry for insisting, Vina. I understand... and I would love to be your friend..." Lumungkot ang mukha niya. "The guy you like is one hell of a champ."

"Thank you, Liam. Babalik na ako sa mga kasama ko. I'll just text you on Friday."

Hindi ko na hinintay na makasagot siya dahil lumabas na ako ng room. I knew I made the right decision, but I couldn't help myself but feel guilty. Katatapos niya lang sa trabaho at sa akin siya dumiretso matapos ang ilang buwang hindi pagkikita para lang maka-usap ako. He even made time for me. Ibinakante niya ang isang buwan para sa akin.

"Tita, nakatulog si Yesha," bungad sa akin ni Mark nang makabalik ako sa couch. "Hindi ko pwedeng ihatid sa kanila 'to nang ganito. Hindi alam ng Mommy niya na nag-iinom siya ngayon."

Pasalampak akong umupo sa couch. Hilong-hilo na ako.

"Mark, she's 26," tanging nasagot ko.

He scratched the back of his head. "Eh, strikta talaga ang Mommy niya, eh. Kapag umuwi siya nang ganito ang lagay, baka hindi na siya mag-27."

Oh god.

"Bayaran mo muna ang bill natin." Iniabot ko sa kanya ang pitaka ko. "Sa bahay muna tayong lahat matulog."

Tumango siya at sinunod ang sinabi ko. I looked at Yesha and scowled at her even if she was fast asleep. Bwisit na 'to! Ni hindi manlang hinintay kung anong nangyari sa akin at kay Liam! Walang kuwentang kaibigan!

Mark carried her on his back. Pagkauwi namin ay tinalian niya pa ng buhok ang babae dahil pinagpapawisan ito. He took off her shoes and placed her on my bed. Maarte ako pagdating sa mga ganito pero wala akong choice dahil lasing na lasing ang babae.

Sumandal ako sa pintuan habang pinupunasan ni Mark ang noo ni Yesha. Binuksan niya pa ang aircon!

"Tita, bihisan mo kaya?" nag-aalalang saad niya. "Parang naiinitan kasi..."

Pakiramdam ko ay nawawala ang tama ko sa ginagawa ni Mark. Walang imik ko siyang pinalabas sa kwarto para bihisan si Yesha. Medyo natagalan ako dahil napakalikot niya.

Nangingiting napailing na lang ako nang matapos. Lumabas ako ng kwarto at naabutan si Mark sa kusina, nagtitimpla ng kape... habang inilalabas sa maliit na bag niya ang ilang bond paper.

"Ano'ng ginagawa mo?" tanong ko bago naupo sa tapat niya. Kinuha ko ang isang tasa ng kapeng itinimpla niya.

Ngumiti siya. "Mas active ang braincells ko kapag ganitong oras."

Kumunot ang noo ko. "Magre-review ka?"

"Oo." Tumawa siya.

I chuckled, too. "At dala mo 'yang reviewer mo sa club?"

Dosage of SerotoninTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon