Chapter 8

489K 22.8K 12K
                                    


Chapter 8

Matapos ang insidenteng iyon ay naging mas malapit kami ni Calix sa isa't isa. For the past two weeks, we'd been hanging out like old friends... or even more than that.

Inihahatid niya ako tuwing umaga bago siya dumiretso sa opisina nila. Sinusundo niya rin ako lagi, at pag-uwi namin ay siya pa ang nagluluto.

Hindi rin muna ako umuwi sa amin. Pakiramdam ko ay kailangan kong lumayo muna sa pamilya ko. Calix did a great job of diverting my attention away from my problems. Hindi rin naman tumawag si Mama sa akin. I knew she was aware that I needed more time.

"Ano na, 'te? Dalawang araw pa lang wala si Calix, ang tamlay mo na agad," pansin ni Yesha sa akin nang mahuli akong nakatulala sa opisina.

Napanguso ako. I checked my phone and scoffed when I didn't get a reply from Calix. I texted him an hour ago, but he was probably too busy to reply.

"Mag-oorder na lang ba ulit ako mamaya ng dinner? Tinatamad akong magluto," tanong ko kay Yesha. "Tagal mag-reply. Ano kayang ginagawa no'n?"

Umupo siya sa couch at nginisian ako.

"Someone's being clingy..." pang-aasar niya. Inismiran ko siya bago ako tumayo rin para maupo sa tapat niya.

Wala na akong masyadong ginagawa. I checked through all my inpatients already. Wala ring naka-schedule na outpatients.

I sighed heavily as I leaned back on the couch. Unlike general practitioners, psychiatrists didn't always have a hectic schedule, at least until someone was brought in because they were experiencing a psychotic episode or mental breakdown.

Every day, I had to make rounds to see how my patients were doing, confer with other medical professionals, and schedule meetings to review the most urgent therapies and medications. Minsan ay professors at resident doctors ang kasama ko. Madalas naman ay ang nurses at inters. I trained the interns by asking their opinions on a particular clinical case.

At ngayon, tapos na ako sa lahat.

"Katamad," bulong ko. "Hipsters tayo mamaya?" tukoy ko sa nightclub na madalas naming puntahan. "Isama mo si Mark. Dalawang linggo ko nang hindi nakikita 'yon."

"Nagre-review yata siya para sa finals," she replied. "Christmas break na nila three weeks from now."

I sighed. Hindi maganda ang pasok ng Disyembre sa akin. Isang linggo kasing mawawala si Calix dahil may tripping siya sa Vigan. I didn't ask about the details because I knew I wouldn't understand even a fraction of it. Wala naman kasi akong alam sa day-to-day work ng Real Estate Agents. Basta kapag tripping, ang alam ko ay i-che-check nila ang property.

Wala rin akong ibang mapaglibangan sa bahay dahil kahit si Matcha ay isinama niya! I told him to leave the dog with me, but he knew I'd be too busy, so he rejected my offer. And since he'd be gone for a week, he couldn't leave Matcha at the ramen shop as well.

Aso dapat ang nagbabantay sa bahay pero si Matcha ngayon ang binabantayan!

"Pero pwede kitang samahan mamaya," pagpayag ni Yesha. "Girls' night out!"

I grinned. "Sana naman ay hindi ma-extend ang shift mo. Favorite ka yata ni Dr. Santiago, eh." Tumawa ako. "That old man really knows how to irritate you."

"'Di ba?!" ekseheradang pahayag niya. "At hindi lang ako ang iniinis no'n! Kahit si nurse Kaycee! He likes belittling nurses. Kaunti na lang ay papatulan ko na 'yon."

"As you should," I responded. "Hindi naman porke isa siya sa mga pinakamatataas dito, may karapatan na siyang umarte nang gano'n, 'no?"

Tumango-tango siya. "Immune naman na ako ro'n, kaso 'yong ibang interns..." Ngumuso siya. "Maiba tayo, kailan ba ang uwi ni Calix? Baka buong linggo mong guluhin ang buhay ko."

Dosage of SerotoninWhere stories live. Discover now