Chapter 29

455K 23.7K 46.4K
                                    

Chapter 29

Trigger Warning: Suicidal Ideation, Sensitive Language

Weeks after our break-up, the hospital called. Hindi ma-re-revoke ang lisensya ko pero anim na buwan akong suspended. Tinanggal din ako sa trabaho. Hindi ko tuloy maiwan ang bahay... kasi wala na akong pera. Ubos na ang ipon ko. At ngayon, matagal pa ang hihintayin para makapag-trabaho ako.

Araw-araw akong dumadalaw sa puntod ni Mark, binubulong ang paumanhin at pasasalamat. Minsan ko na ring inisip na sumunod na lang sa kanya, pero sabi niya sa liham niya, ayaw niya pa akong makita.

Hindi ko alam kung paano umuusad ang bawat araw na wala akong sinasandalan bukod sa sarili ko. I lost weight. Halos hindi ko na makilala ang sarili dahil doon.

I also started taking anti-depressants dahil lumalala ang breakdowns ko. I couldn't sleep well at night. Kung hindi pa ako iinom ng sleeping pills, hindi ako makakatulog. I was at the lowest and hardest point in life. I felt hopeless. Gumigising na lang ako para alalahanin ulit lahat ng sakit. I felt like I lost my purpose.

Months flew by, yet I remained stuck on my feet.

"Vina, halika na," akay ni Chin sa akin pero tumawa lang ako.

"Hindi pa ako nagbabayad!" sigaw ko. My vision was already blurry. Alam kong lasing na lasing na ako pero wala akong pakialam. Gusto ko pang mag-inom hanggang sa tuluyan akong makatulog.

"Nabayaran na ni Troy."

Binawi ko ang braso ko. "Kaya kong bayaran 'yon."

She sighed. "Alam ko. Kung gusto mo ay bayaran mo kay Troy mamaya."

Pasalampak akong bumalik sa pagkakaupo ko sa couch at ipinatong ang ulo sa mesa. Hindi pa ako inaantok. Nahihilo lang ako pero alam kong hindi pa sapat ang nainom ko para makatulog ako. Kung pwede ko lang araw-arawin ang sleeping pills, ginawa ko na.

"Vina..." She sounded sad and hopeless. "Sa bahay ka na matulog, ha?"

"Ayoko," tawa ko. "May sarili akong bahay, Chin."

Nagpunta siya sa tabi ko at muling hinigit ang braso ko, pero dahil sa tigas ko ay hindi niya ako napilit na tumayo.

"Wala kang kasama ro'n..."

I chuckled again. "Sanay ako d'yan! Nag-dorm ako no'ng nasa med school ako, tapos sa America, mag-isa lang din ako sa apartment."

"Iba naman 'yon, eh." She caressed my hair. "Tara na. Kahit isang linggo ka sa bahay."

It was tempting. Alam kong kausap at karamay ang kailangan ko ngayon. Wala sa mga kaibigan ko ang nakaaalam ng suspension of license ko. Wala akong lakas ng loob na sabihin sa kanila na nagkaroon ako ng maling diagnosis kaya nangyari iyon. I couldn't even tell them the reason behind my breakup with Calix.

Napangiti ako sa sarili. Hindi ko rin naman kasi alam ang dahilan.

"Hindi na, Chin. Sa bahay na lang ako."

Sasagot pa sana siya nang dumating si Troy. Nahihiya ako dahil ang laki kong abala sa kanila. Hindi ko naman sila sinasabihan kung nasaan ako, pero itong si Chin, laging inaalam ang lagay ko. Ilang beses na ring nangyari ito... at sa totoo lang... nandidiri na ako sa sarili ko.

Imagine getting drunk as hell because you couldn't face the harsh reality. Tuwing gising ako, naaalala ko ang katawan ni Mark na nakasabit. Ni hindi ko alam kung ilang oras nakapalibot sa leeg niya ang tali.

I still cried for him. Ang sakit-sakit pa rin. Hindi ko pa rin matanggap na nagawa niya iyon nang hindi ko napapansin.

At si Calix... lagi kong naririnig ang mga iyak niya. Nalalarawan ko ang mukha niya na nakatingin lang sa kawalan at parang maraming iniinda.

Dosage of SerotoninWhere stories live. Discover now