Chapter 7

525K 29K 21.1K
                                    


Chapter 7

Matapos naming kumain ay nagpahinga na muna ako sa kwarto. I was smiling the whole time while teasing Calix. Ni hindi ko na napuri ang cooking skills niya dahil masyado akong naaliw sa kanya.

I dozed off, and when I woke up, it was already nine o'clock. My body clock was completely fucked up. Pupungas-pungas pa akong bumangon para uminom ng tubig. Napatingin ako sa kulungan ni Matcha at napasimangot nang mapansing wala siya roon. She must be sleeping upstairs with Calix.

I grunted. Kailan kaya ako?

Dumiretso ako sa kusina at nagbukas ng ilaw. Imbes na tubig ang kunin ay nagtimpla na lang ako ng kape dahil alam kong hindi na rin naman ako makakatulog.

Napangiti ako nang maisip na may gwapong lalaking natutulog sa taas.

Calix was a sweet, humble guy. He had a soft spot for his grandparents because they were the ones who raised him, and even though he was old enough to get married, he worked hard to save money for his Lola.

Hindi ko inakala na magiging malapit kami sa isa't isa gayong ang tingin ko sa kanya noong college kami ay masyadong pormal. He really had that kind of look. 'Yong tipong matatakot kang lapitan dahil lagi siyang seryoso, pero sa tuwing kasama naman niya ang mga kabarkada ay nakikita ko siyang ngumingiti.

I sighed. Si Calix na naman ang iniisip ko.

My thoughts were halted when my phone started ringing. I grinned almost instantly when I saw the caller—Chin, my best friend.

"Vina, I miss you!" saad niya agad pagkasagot ko ng tawag.

Napangiti ako at naisip ang masayang mukha niya. Nasaan ba ang asawa nito at gabi na ay hindi pa siya nagpapahinga?

"Trouble in paradise?" I asked.

"Yes! Nakakabwisit si Troy. Kanina pa ako inaasar na sa akin daw namana ni Trevor ang bilog na pisngi," she ranted. "Come on, ma-de-develop pa ang features ng anak namin! Sana ay hindi lang makuha ang pagka-salbahe ng tatay niya!"

I chuckled. "Trenta'y dos na 'yang si Troy, 'yan pa rin ang pang-asar sa 'yo?"

"But it's kinda sweet," she replied.

Napairap ako sa biglang paglambing ng boses niya. Jusko, ha! Tigilan ako sa ganyan at kagigising ko lang!

"Anyway, napatawag ako kasi dumaan kanina rito si Calix," aniya bago pa ako makapang-asar. "May hindi ka yata sinasabi sa akin, Rovina?!"

Muli akong napatawa. "Sa celebration pa ni Trevor tayo huling nagkita... and things happened so fast. Kalilipat lang ni Calix dito kahapon."

"You're living with him?!"

I stood up and walked into the living room, carrying my mug. Binuksan ko ang TV at naghanap ng pwedeng panoorin.

"Technically, yes." I pursed my lips. "Pero magkaiba naman kami ng floor. Para namang hindi ka pa nakakapunta rito! 'Yong sa taas! Do'n siya nakatira ngayon."

"Kahit pa! Baka mamaya ay may mabuo kayo, Vina!" ekseheradang aniya.

Napangisi ako. "Oh, ano naman? Maganda ang genes namin together. Hahabol ako at gagawa kami ng baby girl para kay Trevor," pang-aasar ko sa kanya.

"Vina! Ni hindi mo pa nga nakikilala nang husto 'yan, eh." Narinig ko ang buntonghininga niya.

"Babe, that's an easy puzzle to solve. Edi kikilalanin. You know me. Mabilis akong ma-attract pero hindi ako mabilis ma-attach." Sumandal ako sa couch at nag-focus sa pakikipag-usap kay Chin. "To be honest, I kind of like him..."

Dosage of SerotoninWhere stories live. Discover now