Chapter 42

633K 26.5K 53.3K
                                    


Last Chapter

I stared at my reflection. My skin was glowing as I wore my long black hair in a low bun with face-framing tresses and a golden floral hairpiece.

I lightly caressed the fabric of my dress, and a sparkle in my eyes arose.

"It really fits you perfectly," said my designer, Deborah, the owner of DB Store.

I gave her a warm smile. "You never disappoint."

"Well... thank you." She chuckled. "You have a good figure."

My lips protruded as I looked back at my wedding dress again. It was a classic white lace adorned with a delicate vine pattern that seemed to flow effortlessly down the fabric. Deborah's skill was evident in every intricate detail. Pulidong-pulido at halatang pinag-isipan ang bawat disenyo. The straps created character, drawing attention to my shoulders and collarbone. The skirt also flared gracefully from my knee to the floor. Ang likod naman ay medyo mababa, sapat lang para magpakita ng kaunting balat.

I heard my make-up artist, Cali, chuckled. Napatingin ako sa kanya at napansin kong na kay Chin lang ang atensyon niya. Tuloy ay napasulyap din ako sa babae.

Parang bata itong nakatingin sa akin. Halata sa mukha niya na parang gusto niyang umiyak at nang magtama ang tingin namin ay sunod-sunod na naglaglagan ang luha niya.

Mahina akong tumawa. "Akala ko ba hindi ka iiyak?"

She bowed her head and cried. Hindi na siya nakapagsalita kaya lumapit ako at niyakap siya. Nagkatinginan sina Deborah at Cali bago sabay na lumabas sa dressing room.

"I'm just so happy for you, Vina," umiiyak pa rin na aniya. "You're my best friend but I always feel like I can't repay you for everything you've done for me."

Hinaplos ko ang buhok niya. "Gaga. Anong repay? Hindi naman utang ang pagmamahal ko sa 'yo... at saka... no'ng mga panahong wala ako, ikaw rin naman ang nand'yan."

Lalo pa siyang umiyak. "P-Promise me that you'll be happy."

"I will."

"Sasabihin mo sa akin kapag may problema ka, ha?" Nag-angat siya ng tingin sa akin. "'Wag mo nang sasarilinin."

I smiled. "Opo."

Muling tumulo ang luha sa mata niya. "I love you so much, Vina... I love you so much."

My eyes watered. "I love you, too."

We were still hugging each other when the door opened.

"Oh, my god! Group hug!" sigaw ni Mich bago sila patakbo ni Anne na yumakap sa amin.

Napatawa na lang ako. I knew I would not survive without them. Nagtagal pa sila sa dressing room ko para ulanin ako ng papuri. Nagmaganda lang ako dahil first time nangyari iyon. We also took pictures before they went out of the room.

"Hindi ka iiyak, Vina. Hindi ka iiyak," I chanted while walking back and forth. "Kahit waterproof ang make-up mo, hindi mo pwedeng ipakitang iyakin ka. Baka pumangit ka sa pictures."

Napatigil ako sa pag-iinarte nang muling pumasok si Deborah sa dressing room para ilagay na ang veil ko. After pleading her to be my personal designer, I invited her to attend my wedding. Mabuti nga at pinaanyayahan niya ako. Maganda na ring mayroon kaming mangilan-ngilang common friends noong college.

Nakangiti siya sa akin at nang tuluyang matakpan ng veil ang mukha ko ay nanubig agad ang mga mata ko.

Oh my...

"Congratulations," she whispered.

I silently thanked her. Rinig na rinig ko ang tibok ng puso ko habang hinihintay ang organizer na palabasin ako.

Dosage of SerotoninWhere stories live. Discover now