Chapter 3

605K 25.4K 26.7K
                                    


Chapter 3

I leaned on the plush mattress and reflected on the events of the day. Calix and his sweet gestures were all I could think about instead of my responsibilities.

Mabilis naman talaga akong ma-attract, pero hindi ako nahihiya sa iba. Kahit first date, hindi uso sa akin ang pag-iinit ng mukha o ano. It used to be an ordinary day. Kaunting kilig lang. Hindi ako para mapuyat kaiisip.

But with Calix, it was different. I wanted to see him from every angle. I don't know why, but something about him drew me in and made me want to learn more about him.

Napansin kong hindi sarado ang bintana ng kwarto dahil hinahangin ang kurtina ko. Outside, the moon cast a pale glow over everything below as if it had seen something worth radiating for.

My phone beeped. Agad kong tiningnan kung sino iyon. Hindi naman ako nabigo sa nabasa.

From: Calix Dylan

Are you home?

Kinagat ko ang labi at bahagyang napangiwi nang makaramdam ng hapdi. I like pricking the skin of my lips whenever I am nervous. Bumangon ako para isarado ang bintana bago nangingiting nagtipa ng reply.

To: Calix Dylan

Yup. Kanina pa.

I sat on my bed and waited for his response. Maaga ang pasok ko bukas, pero kung si Calix ang kakausapin ko buong gabi, hindi ako mag-dadalawang isip na magpuyat.

Napatigil ako sa pagmumuni-muni nang tumunog ang cellphone ko. I was hoping to see Calix's phone number but was disappointed to see it was my brother's.

"Hello, Kuya?"

I rested my head on the headboard and played with my fingers.

"Vina, may tour sina Mark. May incentives kapag sumama kaya kailangan niya 'yon," aniya. "Eh, alam mo namang hinuhulugan ko pa 'tong bahay, 'di ba? Hindi ko maisingit ang gastusin niya sa school."

I sighed. "Kuya, medyo short ako ngayon, eh. Nahiram kasi ni Rebecca 'yong savings ko two months ago. Nagka-dengue si Thalia, 'di ba? Kaya kitang hatian. Magkano ba?"

"Hindi kaya, Vina. Wala talaga ako ngayon, eh. Baka makuha na ng bangko 'yong bahay kapag inuna ko 'yon." He took a deep breath. "Nabanggit ni Mama na bibili ka raw ng bagong sasakyan. Baka naman pwedeng mahiram muna?"

Napapikit ako nang mariin sa narinig. Not this time.

"Hahatian na lang kita, Kuya..." sagot ko. "Ako na rin ang bahala sa pocket money ni Mark."

"Ito naman, ang damot. Minsan lang naman ako humiram sa 'yo. Babayaran ko rin kapag nakaluwag-luwag na," pamimilit niya. "Malaki naman ang sahod mo."

Napamulat ako at bahagyang napanganga sa sinabi niya. Parang may kung anong kumirot sa puso ko dahil hindi ko matanggap ang narinig.

"Kuya naman..." I muttered. Ayokong maramdaman niyang nagmamadamot ako. "Binibigay ko naman halos lahat ng sahod ko kay Mama, 'di ba? Alam mo namang mahal din ang therapies ni Papa."

"Ang sabi mo ay ikaw ang bahala kay Mark basta huwag lang namin patigilin," giit niya. "Para kaunting tulong lang naman, Vina."

I felt a lump creeping up my throat. The conversation was draining me.

"Alam kong may utang pa ako sa 'yo, pero ibigay mo na kay Mark 'to..." dagdag niya.

Hindi ako sumagot. Six months ago, I sold my car and gave him the entire proceeds. Ang sabi niya ay babayaran niya ang loan ng bahay nila pero hindi ko na alam kung saan niya dinala ang pera dahil hanggang ngayon ay malaki pa rin ng utang niya sa bangko.

Dosage of SerotoninWhere stories live. Discover now