Enigma X

1.7K 85 8
                                    


-This chapter is dedicated to Angelica Yamat

A/N: for a better reading, please play the song with a title 'Sad song by We the Kings'

Enigma X:

Kenzie's POV

Week had passed, and today is Enigma Day.

Brie fixes my make-up now as I face the mirror, while Kiomi did my hair into a High Flower Braided Bun.

Samantalang ang kay Brie, she just let her curly-gray hair untied. Naka make-up na din siya at siya ang may gawa ng iyon sa sarili niya. Now, masasabi ko nga talaga na magaling si Brie sa mga ganitong bagay.

"Anong gown ang isusuot mo, ma'am?" Tanong saakin ni Kiomi na inaayos pa ng kaonti ang buhok ko, nag iwan pa siya ng ilang strands ng buhok sa mag kabilang gilid ng mukha ko.

"Hindi ko pa din nakikita, nandoon yun sa puting box na nasa closet ko" sambit ko dito.

"Kukunin ko po ba ma'am?" Tanong ni Kiomi

"Yes, please." Sagot ko, hindi masyado maibuka ang bibig ko dahil nag-aapply doon si Brie ng Nude lipstick. "And I told you, just call me Kenzie, drop the 'ma'am' thing of yours" Sabi ko pa sa mahina kong boses at nakita ko naman sa salamin ang pag ngiti saakin ni Kiomi at tumango pa ito bago tumungo sa closet ko at binuksan iyon para kunin ang puting box kung saan naka lagay ang gown na ibinigay saakin ni Papa.

Inilapag iyon ni Kiomi sa kama ko at hindi niya binuksan, siguro ay mas gusto niyang ako ang unang makakita sa gown na iyon.

"I'm done!" Masayang sabi ni Brie at inayos ang mga nagkalat na make-up habang naka tingin saakin "Owemji you're so pretty!" Puri saakin ni Brie at nginitian ko nalang siya ng tipid.

She make me pretty, siya ang nag-ayos saakin.

"Do you have Earrings? Yung flower sana na medyo Malaki, wag yung mahahaba ha? Baka hindi bumagay sa ayos mo" Paalala ni Brie na saakin.

Tumango ako sakanya at tumayo papunta sa closet ko, binuksan ko doon ang drawer at inilabas doon ang may kalakihang kulay pula na box.

It's my set of jewelries that papa's bought.

Bumalik ako sa kinaroroonan ni Brie at umupo ulit sa upuan na kina-uupuan ko kanina. Ini-abot ko sakanya ang set of jewelries ko. "Iyan"

Binuksan naman iyon ni Brie at nakitingin din doon si Kiomi. "Wow" Ani Brie habang nakatingin sa set of jewelries. Nilingon pa ako nito "Saan mo 'to nabili?"

Nag kibit balikat naman ako sakanya "Hindi ko alam, bigay lang saakin iyan ni Papa"

Tumango-tango naman siya saka tinanggal ang earring sa box at isinuot sa mag kabilang taynga ko iyon.

Those earrings are filled with black crystals, may malaking itim na bato sa gitna noon at pinapalibutan pa ng mas malilit na crystal ang paligid niyon. Hindi iyon mahaba pero malaki iyon kaya bagay sa mga ganitong okasyon.

Sunod din na isinuot saakin ni Brie ang necklace na katulad din ang design sa earrings, pati ang sing-sing at bracelet ay ganoon din ang design no'n.

"You're ready na, you should wear your gown na" Sabi ni Brie habang naka harap din sa salamin at inaayos ang buhok gamit ang kamay.

Tumango ako sakanya bago tumayo at lumapit sa kama ko kung saan nakapatong ang box.

"Buksan mo na, Kenzie" sambit din ni Kiomi habang naka-ngiti, tinanguan ko sila ni Brie bago sinunod ang gusto nila.

Binuksan ko iyon at halos manlaglag ang panga ko sa bumungad na gown.

Napansin ata ng dalawa ang panlalaglag ng panga ko kaya lumapit sila saakin at tinignan din ang gown na nasa harapan namin.

Enigma AcademyWo Geschichten leben. Entdecke jetzt