Prologue

4.9K 135 6
                                    


Prologue:

"Mackenzie! Pinapatawag ka sa Dean's office." Napa-angat ako ng tingin mula sa binabasa kong mystery book patungo kay Felice.

She's a dormate of mine.

Napakunot naman ang noo ko nang marinig ang sinabi niya "Bakit daw?" Tanong ko rito.

"Ewan," sabi nito sabay nag kibit balikat.

Napa buntong hininga ako bago isinara ang librong binabasa ko, tumayo ako sa pagkaka-upo ko saka nag simula nang mag lakad palabas ng classroom.

At nang nasa daan na ako habang nag lalakad patungong Dean's office ay pansin ko ang mga studyante na napapalingon at napapatigil sa pag lalakad para lang tignan ako.

Muli akong napabuntong hininga. Lagi namang ganito, wala nang bago.

"Hi, Mackenzie!" Bati sa akin ng mga kababaihan habang kumakaway... Tinanguan ko rin naman sila bilang pagbati.

"Mackenzie!"

Bigla pa akong napatigil sa paglalakad nang may biglang sumulpot sa harapan ko. Gulat ko itong tinignan at pinasadahan ng tingin. Siya si Xion, anak ng may-ari ng mamahaling restaurant na nasa tapat lang ng school .

"Yes?" Tanong ko rito ng may kunot na noo. Kung kanina ay nagulat ako, ngayon naman ay naka kunot na ang noo ko. Gano'n kabilis magbago ang emosyon at reaksyon ko.

Ngumiti ito ng malapad habang kakamot-kamot sa batok. "A-Ahm, ano k-kasi---" I cut him off.

"Make it fast, may pupuntahan pa ako." Sabi ko sabay tingin sa wrist watch ko. Any minute ay tutunog na ang Bell hudyat na para sa next subject. At hanggang ngayon ay nasa daan pa rin ako paputang Dean's office.

Muli kong tiningala si Xion nang hindi pa rin ito nagsasalita. He licked his own lips.

"May sasabihin ka ba?" Tanong ko pa sa kanya.

"Ahm are you f-free this a-afternoon?" Nahihiyang tanong nito. Tinignan ko lang naman siya ng walang emosyon.

Ramdam ko pa rin ang mga matang naka tingin sa amin, mukhang pati sila ay nag hihintay sa sagot ko.

Umiling nalang ako sakanya bago ngumisi "No, I'm freaking expensive" sagot ko dito bago siya lagpasan para lumakad papunta sa pupuntahan ko.

Rinig ko ang hiyawan ng mga nakakita at naka rinig sa ginawa ko. Mukhang napahiya ko si Xion sa harap nilang lahat.

And yet, I'm not guilty at all.

Kasalanan niya naman. It's not my intention na ipahiya siya.

Everybody knew, including him that I am not interested for having a boyfriend. Alam kong doon ang gustong patunguhan namin ni Xion, hindi na ito bago. And he's not my type, ni wala nga akong nagugustuhan na kahit sino.

"Come in." Rinig kong sabi ng nasa loob ng Dean's office nang kumatok ako sa pinto nito.

Agad ko rin namang binuksan ito at saka pumasok.

At nang maka pasok ako ay agad bumungad sa akin ang lalaking naka talikod sa akin, naka harap ito sa malaking bintana na kita ang malaking kabuuan ng school field. Naka suot siya ng black tuxedo habang may hawak sa kanang kamay na wine glass.

"Pinatawag mo raw ako?" Walang galang na sambit ko.

Biglang humarap sa akin ang lalaking nasa mid 40's. He stared at me with his usual cold green eyes. Wala akong makitang bakas doon ng emosyon kahit isa.

"Kenzie," baritonong boses na tawag nito sa akin.

"O?" sagot ko sa Dean na nasa harapan ko bago dumeretso sa couch dito sa opisina niya at naupo roon.

Enigma AcademyWhere stories live. Discover now