Enigma IX

1.9K 82 9
                                    


-This chapter is dedicated to Razen Bonifacio

Enigma IX:

Vivi's POV

"Tara na" pag-aaya ko sakanilang lahat ng oras na para pumasok.

Si Brie at Kenzie naman ay nakalabas na din ng Enigma Hospital at pinadalhan nalang namin sila nang uniform nila para doon na sila mag palit at deretso na silang pumunta sa classroom.

Habang nasa daan kami papuntang classroom ay nagpag usap-usapan namin ang tungkol sa parating na Enigma Day.

Paniguradong mayroong party na magaganap dahil iyon lagi ang gusto ng mga officers

"Eh sino mag aasikaso sa party? Saan daw gaganapin?" Naka pout na sabi ni Zi.

"Ang alam ko, sa garden, para maiba daw, tapos next week gaganapin, araw din yun ng full moon" saad din ni Zek

"Anong susuotin mo, Zek?" Nag tanong din si Xenn kay Zek.

"Wala pa, pero mag hahanap ako mamaya, tuxedo dapat, diba?" Sagot nito habang nag kakamot ng batok.

"Tuxedo, iyon yung sinabi ng Presidente" ngayon naman ay si Kidd ang sumagot

"Mag hanap tayo mamaya ng puwedeng isuot, yayain natin si Kenzie at Brie, tutal marunong naman iyon sa fashion tapos si Kenzie mukhang nahawaan na din ni Brie" huling nag salita si Zy bago kami tuluyang naka pasok ng classroom.

Naabutan namin doon si Kenzie at Brie na nag uusap, pati yung mag pinsan na naka harap sa kanya-kanyang notebook.

Nang makapasok kami doon ay dumeretso na kami sa kanya-kanyang upuan, ngayon ay napag gigitnaan na namin ni Brie si Kenzie.

"Good morning, Vivi" bati saakin ni Kenzie ng makita ako

Nginitian ko naman siya pati si Brie "Good morning"

Nang lumipas pa ang ilang minuto ay dumating na si ma'am Devine at nag simula nanaman sa Riddles niya.

"Nicole went to the police to report that someone had stolen her vintage ring. When the police got to her house they notice that the window was broken, there was a total mess inside, and there were dirty footprints on the carpet. But, there were no other signs of a break-in." Bungad nito saamin

At maririnig nanaman sa buong classroom ang pag daing ng boys, except doon sa mag pinsan.

"The next day, the police arrested Nicole for fraud. Why?" Dugtong pa ni ma'am Devine

"Ayoko na!" Biglang sigaw ni Zek

"Saan mo gusto?" Tanong naman ni Xenn

"Kay Hera" mahinang sambit ni Zek na rinig sa buong classroom at nasaktuhan pa nito ang pag pasok ni Hera sa classroom namin.

"HAHAHAHAHAHA!" Malakas na tawa ni Lavi at napa-ngisi naman si Cali ng makitang nasa harapan ni ma'am Devine si Hera na mukhang nalilito sa inaasta nila.

May hawak itong folder na sigurado akong iaabot sana kay ma'am Devine pero natigil dahil narinig ang pangalan. "H-Ha? Anong meron? Narinig ko kase yung pangalan ko" litong-litong tanong ni Hera saamin.

"Brad! Umamin ka na!" Sigaw pa ni Xenn at bahagyang itinulak ang naka-upo na si Zek sa harapan niya, gulat na gulat pa ito.

Ngumisi din si ma'am Devine "May sinasabi ka, Zek?"

Ngumiwi naman si Zek kahit halata sakanya ang gulat dahil nandito si Hera "Loh! Ma'am! Wala ah, sabi ko as soon as the police got to the 'crime scene,' they knew that Nicole has most likely staged the break-in. The glass from the broken window was all outside of the house, meaning that it had been broken from the inside." Halos manlaglag ang panga namin ng sumagot ng deretso si Zek!

Enigma AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon