Enigma V

2K 71 13
                                    


-This chapter is dedicated to Maria Ana Dorohom.

Enigma V:

"Aalis kayo, ma'am?" Tanong saakin ni Kiomi ng maka balik ako dito sa kuwarto at naabutan ko siyang nag-aayos ng gamit niya, nakuwento ko na din na aalis kami.

"Oo, Sabi ni Kidd, may iimbistigahan daw kami" Sabi ko saka nag tungo sa closet ko at kumuha ng pamalit.

Nag suot lang ako ng gray fitted shirt at high waisted pants, iti-nuck-in ko din iyon saka isinuot ang white Balenciaga shoes ko.

"Eh kami po? Sasama?" Tanong saakin ni Kiomi, inilingan ko lang naman siya.

"Maiiwan daw kayo dito, sabi ni Cali, mag ayos nalang daw kayo ng mga gamit, saka tawagan nalang namin kayo kung may kailangan kami" sambit ko tumango naman saakin si Kiomi.

"Pwede ko po ba makuha number niyo? Ihhhhhh!" Parang kinikilig pa si Kiomi nung sinabi 'yon.

Muntikan naman akong mapangisi sakanya at ibinigay nalang ang number ko.

Pag katapos kong mag palit ay inipit ko nalang ang mahaba kong buhok ng high ponytail, saka ikinabit sa left wrist ko ang wrist watch ko.

Inayos ko na din ang mini bag ko, isa din iyon sa binili namin ni Brie kanina, inilagay ko doon ang pouch ko na ang laman ay ang magnifying glass na ibinigay saakin ng head mistress, nag lagay din ako doon ng ballpen at isang empty notebook, baka sakaling kailanganin.

Inilagay ko din sa bag ko ang specs ko at dinala ang librong Sherlock Holmes na binili namin kanina, mabuti nalang ay nasama ko ang specs ko.

Kumuha na din ako ng jacket para may magamit ako Kung sakaling malamig sa labas ng Academy.

Lalabas kami ng Academy

"Una na ako" paalam ko kay Kiomi ng naayos ko na ang gamit ko at handa ng umalis.

"Okay! Sige po, ma'am! Ingat kayo" rinig kong paalala saakin ni Kiomi bago ako tuluyang nakalabas ng kuwarto at dumeretso na ng living room.

"Maayos na ba ang lahat?" Nadatnan kong tanong ni Vivi.

Kaming mga class A nalang ang nandito ngayon sa living room.

Ang mga assistant, siguro umalis o nag pahinga na sa bagong kuwarto nila, habang kami dito ay naghahanda na.

"Ayos na, okay na ang laptop namin ni Zi, may dala din kaming devices, baka sakaling kailanganin." Si Zy ang nag salita.

Sumunod naman na nag salita si Xenn "Nag-iisip na din ako ng puwedeng maging kilos mamaya, pag-aaralan ko pa kung gagana"

"Alright, so everything is already fixed." Si Kidd ang nag salita bago tumayo sa kina-uupuan niya sa couch.

Lahat kaming sampo ay naka pants lang at simpleng t-shirt sa pantaas, ang iba ay naka-suot ng jacket ang iba ay naka sabit lang ito sa mga braso nila.

"Should we go now?" Tanong ni Lavi at tinanguan naman nila Kidd iyon.

"Let's go" sambit naman ni Cali at nauna pang naglakad paalis at palabas ng dorm, sinduan lang naman namin siya ng tingin at hindi nag tagal ay sinundan na din namin siya.

"Van ba ang gagamitin natin?" Biglang tanong ni Zi.

"Malamang" si Zy ang sumagot sa kakambal. "Hindi tayo kasya sa kotse." Simangot na sambit niya kay Zi bago ito nilingon at pinag-salubungan ng kilay "Ano ba, gutom ba utak mo?" Iritang saad ni Zy sa kambal.

Ngumuso lang naman si Zi at hindi na nagsalita.

"Pshh. Can you two make faster  mag walk? You're so bagal" Inis din na sabi ni Brie sa kambal na nasa harapan namin

Enigma AcademyWhere stories live. Discover now