Enigma XXVII

1.4K 66 9
                                    


Enigma XXVII:

Kenzie's POV

"This is the cards that we got in the crime scenes." Sambit ko at inilapag ang mga baraha sa harap ng mga kaibigan.

Tatlong araw na ang nakalipas simula nang nandito na ang mga Class A at sila Kiomi. Nakatanggap kami ng mensahe mula kay Papa at ang sabi'y nagtataka na daw ang ibang officers kung bakit nawawala ang mga Class A at mga assistant nito. Tanging si Papa, ang mag-asawang Davis at si ma'am Minerva lang ang nakaka-alam na nandito sila ngayon.

"Four of spades, three of spades, and Ace of spade." Banggit ko sa mga braha na para bang hindi nila iyon nakikita. Pagkatapos naman ay inilapag ko din doon ang ibinigay saakin ni Vivi na papel, kung nasaan ang sulat ni 'meow'.

"Sino kaya yung meow?" Tanong ni Kiomi sa sarili.

"It's not that important, ang isipin natin ngayon ay kung ano ang tinutukoy ng mga cards na ito." Sambit ni Lavi at saka inilapag pa ang isang card.

Kumunot ang noo ko, "Ano 'to?" Pinulot ko mula sa mesang napag gigitnaan namin ang card.

"Five of spades"

"Saan niyo nakuha?" Tanong ko.

"Mall of Asia."

Mas lalong kumunot ang noo ko, humarap ulit sila sa kaso?

"Iyan ang huling card na nakuha namin dahil sa mall of asia ang huling pinag imbistigahan bago kami nanatili nang dorm." Si Vivi ang sumagot

"Anong kaso? Nahuli niyo ang culprit?" Tanong ko pa, at tumango nanaman sila.

"Tulad ng krimen sa Van may nakita ding mga gamot at kung ano-ano pa." Si Zek.

Muli kong tinignan ang bagong card at nangunot muli ang noo ko ng may nakitang nakasulat doon. Naka sulat ito na parang ang ginamit ay lapis, mapusyaw lang at kung hindi titignan ng maayos ay hindi mo mahahalata.

"Let's see how genius the class A are in mathematics, didn't get it? One seat apart." Mahinang basa ko. Narinig naman nila ang bulong ko kaya nag-taka sila.

"Huh?"

Para sagutin ang kuryusidad nila ay ipinakita ko sakanila ang nabasa, inilapit naman nila ang mga mukha nila at nang mabasa ang nakasulat doon ay kumunot din ang noo nila.

"Pota? Hanggang dito ba naman may Math?!" Sigaw ni Zek at nagkamot ng ulo. "Depressed pa din ako hanggang ngayon dahil sa grade kung 67 sa math dati, woi!"

"Naka 67 ka? Ako nga walang grade eh, congrats tol." Napa ismid kami nang marinig ang usaping iyon nila Zek at Xenn.

Saglit pang nag usap ang dalawa at nag kuwentuhan sa mga grades nila dati sa math nang sa normal school palang sila dati nag-aaral. Dahilan para hindi kami makasalita para ipag-patuloy ang ginagawa namin.

"Puwede ba?" Paninimula ni Vivi, mukhang nagsisimula nang mapikon. Kaya bago pa sumabog si Vivi ay pinatahimik na ni Hera at Zy ang dalawa.

Ilang saglit pa bumalik kami sa kaninang usapan.

"Paanong math ba?" Tanong ni Zi nang nakanguso. "Pasensya na bobo lang, mana kay kambal."

"What?" Taas kilay na bumaling si Zy sa kakambal, nag peace sign lang naman ang isa sakanya.

"What if we count?" Suggest ko.

Napa-isip sila sa sinabi ko.

"Paanong count? One two three, ganoon ba?" Wala sa sariling sabi ni Zek.

Napangiti ako, "Exactly, Hindi niyo ba nakuha?"

Napatingin saakin si Cali nang makitang naguguluhan Ang kasamahan namin, tinignan ko din naman siya at nanghingi ng tulong kung paano iyon ipapaliwanag.

Enigma AcademyWhere stories live. Discover now