Enigma XII

1.9K 77 9
                                    


Enigma XII:

Kenzie's POV

"Bakit nga ba tayo nandito, Kendra?" Rinig kong bulong ni Kiomi sa katabi nitong si Kendra na ka-pareho niyang naka-upo sa dulo ng Van.

On the way na kase kami pabalik ng Syudad at mag i-stay muna kami sa Ae Agency na sinasabi nila para humarap ulit sa mga kasong tambak doon.

"Hindi ko din alam, sinama lang ako ni Brie" bulong pabalik ni Kendra sa katabing si Kiomi "Eh ikaw? Bakit ka naman nandito?" Tanong din nito.

"Sinama din ako ni Kenzie, nahihiya din kase akong tumanggi"

"Weh? Kapal kaya ng mukha mo" sambit ni Kendra kay Kiomi at halos mabingi ako sa mga pabulong nilang bangayan.

Isinama kase namin ni Brie sila Kiomi at Kendra, pumayag naman sila Cali, itinanong pa nga nila Zy na kung isasama ba lahat ng assistant, pero sumagot si Brie na hindi namin kailangan ng madaming assistant doon, si Kendra at Kiomi ang isinama namin dahil mapag-kakatiwalaan naman sila.

"Saan tayo matutulog sa Agency?" Tanong ko sakanila at si Vivi ang sumagot saakin na naka-upo sa front seat.

"May dalawang kuwarto tayo doon na tutuluyan nating mga Class A, bawat isang kuwarto may limang king-sized bed at isang bathroom, tinutuluyan lang iyon kung marami talagang gagawin, or overtime pag hindi na kayang umuwi ng Academy, may sarili din tayong office doon na tanggapan ng clients" napa-tango ako sa sinabi niya at ibinalik nalang tingin sa labas ng bintana, mahabang biyahe nanaman ito kaya sinusubukan kong bumalik sa pag-tulog pero hindi ko magawa.

Dahil katabi ko nanaman siya! Uupo sana ako sa tabi nila Brie o di kaya kanila Kiomi pero hinila niya ako at dito pina-upo sa tabi niya.

Mariin ko pang ipinikit ang mata ko ng maamoy ang pabango niya, wala naman itong imik dahil binabasa niya yung Sherlock Holmes ko na hanggang ngayon hindi padin niya binabalik!

Hindi nalang din ako umimik at inilabas nalang mula sa bag ko ang cellphone ko na nadala ko dito mula sa syudad. Lahat naman kami dito sa loob ng Van ay may cellphone at kung ano-ano pang gadgets kaso ngayon lang namin gagamitin dahil hindi na namin na haharap ang pa chill-chill lang.

Saka lang namin ito ginagamit pag kukuha ng number para sa kakailanganin in case of emergency tapos pag katapos noon ay wala na.

Nanonood nalang ako sa you tube ng kung ano-anong entertainment, ginawa ko iyon hanggang sa dalawin ako ng antok at tuluyan na ngang naka-tulog.

At nang magising nanaman ako ay agad akong napa-ayos ng upo ng mapag-alaman na naka sandal nanaman ako balikat niya!

Inaayos ko pa ang buhok ko at nag kamot pa sa leeg panandalian saka tinignan ang mga kasamahan ko, tinignan ko din sila Kendra sa likod at tulog sila doon ni Kiomi. Tulog lahat ng girls, pati ako kanina ay tulog! Ang mga boys lang ang gising maliban doon kay Zek na humihilik din.

"You're awake" nilingon ko si Cali ng magsalita ito, naka tingin lang ito saakin at pinapasadahan ng tingin ang itsura ko

Tinaasan ko siya ng kilay "isn't obvious?" Saad ko na puno ng sarkasmo.

Tinaasan niya lang din ako ng kilay at tinignan lang ako kaya iniwasan ko ang tingin niya.

"Asaan tayo?" Tanong ko sa boys at si Lavi naman ang sumagot saakin.

"Naka stop over tayo sa harap ng isang restaurant, it's already 7 in the evening. Naisip sana namin na kumain na tayo pero maganda pa ang tulog niyo kaya hindi na muna namin kayo ginising" mahabang sabi nito at napa tango naman ako sakanya saka sumandal sa backrest at hinintay nalang din magising ang iba.

Enigma AcademyWhere stories live. Discover now