Enigma III

2.2K 87 7
                                    


Enigma III:

"Good morning Class A, I am Cathlily and I am your Codes and Ciphers Teacher" naka balik na kami ni Cali dito sa room at kasabay namin pumasok si ma'am Cathlily

Codes and Ciphers huh, interesting.

"Mackenzie, Can you stand up" napa balikwas ako ng kaonti sa kina-uupuan ko ng marinig ang pangalan ko, pero agad din naman akong tumayo.

Lumapit saakin si Ma'am Cathlily at tulad ni ma'am Devine ay tinignan din ako nito mula ulo hanggang paa.

Nalilito na talaga ako Kung bakit nila ako lagi tinitignan ng Ganon.

"I heard that someone from Class B tried to slap you?" Napa-awang ng konti ang bibig ko sa narinig, pano niya nalaman?! Saan niya narinig?!

"Ano?!" Pare-pareho din ng reaksyon sila Brie, Vivi, ang kambal pati ang iba. Habang si Cali naman ay kumunot ang noo

"Luh! Siraulo sino yon?! Ha?! Banatan na ba namin ni Xenn?!" Biglang napatayo si Zek, at napasigaw nalang, ibinalibag pa nito ang sariling bag.

"Ano ba! Ang sakit sa tenga ng boses mo! Ikaw ibalibag ko diyan!" Inis din na sigaw ni Brie kay Zek bago ito tumayo at lumingon din saakin "My god! Sino ba iyon? Ano ipa suspend na ba natin? Gusto mo?!" Napa kamot nalang ako sa ulo dahil sa mga naririnig sakanila.

"You two are over reacting, can you guys just sit and let us hear Mackenzie?" Mahinahon na Sabi ni Vivi sa dalawa saka ito tumingala saakin "ano bang nangyare?" Tanong din nito, napa balik naman na sa pag upo ang dalawa.

I sighed and just shake my head "Wala" Sabi ko saka umupo na din kahit hindi pa ako pina-paupo

"Ano, Sino na nga kase!" Pamimilit pa ni Brie pero inilingan ko nalang siya.

"Wag natin pilitin si Ms. Mackenzie kung ayaw niya" Sabi ni ma'am at doon naman nag react ang kambal.

"Ihh ang daya!" Naka ngusong sabi ni Zi samantalang si Zy ay nag papadyak padyak.

"Hanapin natin yon tas banatan natin" rinig ko pang bulong ni Zek kay Xenn, isinama pa nito si Lavi.

"Let's start the class" pag-agaw ni ma'am ng atensyon naming lahat at isinindi ang TV na nasa harapan namin, bumukas iyon at lumabas ang mga slides na puno ng lesson.

"Punyawa, eto nanaman" Sabi pa ni Lavi at nagkamot.

"We have here another code, we called that polybius square" Sabi naman ni ma'am at pinakita ang slide ng lesson "The Polybius Square is an ancient Greek invention, discovered by a scholar named Polybius." Pag uumpisa ni ma'am at lahat kami ay napa sang ayon.

"For the Greek alphabet of 24 letters, it consisted of a 5 by 5 grid where each square of the grid was filled by a single letter. In the English Alphabet of 26 letters, we have one too many letters." Ma'am Cathlily explained.

"Eh ma'am, How does the Polybius square work?" Si Zy ang nag tanong.

"Sa pag kaka-alam ko, Polybius square uses a 5x5 grid filled with letters for encryption. ... The order of the letters in the grid can be modified using a key to generate a deranged alphabet." Ngayon naman ay si Brie ang nag salita.

"Wow naka sagot siya, amazing!" Lavi said, inilagay pa nito ang kanang kamay sa bibig at umarte na Parang nagulat nga.

Sinamaan lang naman siya ni Brie ng tingin

"The encryption phase is a substitution of each letter by its coordinates. Uhh--- line, column in the grid." Si Vivi din ang nag salita.

Tumango naman si ma'am sa mga sinabi nila at sumang-ayon "Yes, Briesha and Vivianne is both correct" sambit nito saka nag bigay pa ng isang slide at ipina kita ang itsura ng polybius square

Enigma AcademyDove le storie prendono vita. Scoprilo ora