Enigma XIX

1.5K 66 2
                                    


Enigma XIX:

Zek's POV

Nang magising at matapos maligo ay lumabas ako ng bathroom nang isang tuwalya lang ang naka tapis sa ibaba ko, ang mas maliit pa na tuwalya ay isi-nabit ko sa batok ko, ipinang pupunas iyon sa tubig na tumutulo mula doon.

Pagkalabas ko ng banyo ay napatigil din kaagad ng makita si Hera sa harap ko, may tuwalyang puti din sa balikat niya na parang papasok na dito sa banyo para maligo. Natigil lang din siya ng nakasalubong ako at nag-iwas siya ng tingin saakin.

"Hera" tawag ko sakanya pero hindi ko na nasabi ang gusto kong sabihin sakanya nang tinalikuran niya ako at pumasok na sa banyo.

Attitude baby loves ko, huhuhu!

Umiling nalang ako habang naka-nguso, wala naman akong ibang nagawa kundi mag palit nalang ng uniform at pagkatapos ay kinuha ko na ang mga gamit ko bago lumabas ng kuwarto.

Sabay pa kami ni Cali na lumabas ng pinto, doon ay nakita ko din yung assistant niyang si Agatha na nasa likod niya, nag tanguan lang kami ni Cali bago niya ako inunahan na mag lakad.

Nginitian pa ako sandali no'ng Agatha pero hindi ko na iyon sinuklian dahil iniwan ko na siya doon at dumeretso na sa kusina.

Pagkapasok ko doon ay nandoon na pala ang lahat, pati yung ibang mga assistant, si Hera at Agatha nalang yung kulang. Pero iyong Agatha ay nakabuntot na pala saakin kaya nandito na siya.

"Morning people!!!" Bati saamin ni Zi na may malawak pang ngisi, tinanguan naman kami ni Vivi at Kenzie na nag luluto, ang ibang assistant naman ay inaayos yung lamesahan.

Kumunot ang noo ko, bat nila inaayos iyon? Ang alam ko sa living room sila kumakain.

"Oh my gosh, I'm hungry" Sambit ni Brie habang naka-upo doon sa may high chair, minamasahe pa ang tiyan.

Inabutan naman siya ni Zy ng saging "Iyan muna"

Nag kunot ang noo ni Brie doon "Anong gagawin ko dito?" Tanong niya

Inirapan siya ni Zy "Suck and lick it, Brie" sarkastikong sabi nito kaya napa-simangot naman yung isa, nginisihan ko naman sila.

Nilingon naman ako ni Zy bago siya tumingin sa likod ko. "Morning, Hera" pagbati nito kaya napalingon din ako sa likod ko.

Nang saktong pagkalingon ko ay nagkatinginan kami ni Hera. Pero agad din siyang nag-iwas ng tingin at inilipat iyon kay Zy. Ngumiti rin ito pabalik sakanya "Morning din" Sabi nito at tumuloy na sa pagpasok dito sa kusina.

Sinundan ko naman siya ng tingin pero natigil din ng humarang sa line of vision ko si Xenn na naka ngisi.

"Ano iyon, oh?" Tanong nito sabay turo sa taas, ang kamay niya ay ilang pulgada lang ang layo sa mukha ko.

Ako naman ay sinundan ng tingin ang kamay niya at pagkatapos noon ay marahas na ipinasok ni Xenn ang hintuturo niya sa kaliwang butas ng ilong ko.

Napa-atras pa ako dahil doon at tatangkain ko sana siyang banatan nang tumakbo siya palayo saakin at nag tago sa likod ni Zy.

Gago!

Sinamaan naman siya nito ng tingin kaya wala din ibang nagawa kundi umalis doon at lumapit kanila Kidd.

Umiling naman ako at tinignan pa sandali si Hera na nakatingin din saakin, pero nang nakita akong tinignan siya ay nag iwas din ng tingin saakin, namuo naman ang maliit na ngiti sa labi ko pero naisip nalang din na lumapit ako kanila Kenzie at Vivi. Inilalagay na nila ngayon sa pingan yung mga naluto na.

Pero imbis na tulungan sila doon ay kumuha ako no'ng luto na nuggets para makain sana, pero bago ko pa iyon masubo ay may humatak na sa buhok ko paibaba.

Enigma AcademyWhere stories live. Discover now