Enigma XX

1.6K 61 1
                                    


-This chapter is dedicated to Leigh Ramos

Enigma XX:

Kenzie's POV

"The Officers is now here in Academy" anunsyo saamin ng mommy ni Vivi na si ma'am Valerie.

Napadpad kami dito sa Detention office ng ipagpilitan ito ni Zek, sabi niya hindi dapat pinapalagpas ang katulad nito.

Si Brie naman ay hindi na mahagilap ngayon kaya pinaghahanap na din siya kanina pa.

"I can't believe someone can do this to Brie and Kenzie. And from Class B?" Sumisinghap pa si ma'am Valerie ng sinabi iyon.

"It's disgusting mom, kapangalan pa natin siya" ngayon naman ay si Vivi.

At oo nga pala, naalala kong Agatha ang last name nila Vivianne.

Tumango naman si ma'am Valerie para sang-ayonan ang anak.

Saglit pang tumahimik ang buong silid pero agad ding nabasag nang napag-usapan nanaman namin ang tungkol sa nangyari kanina. Natahimik lang ulit kami nang dumating na rin sila Papa, kasama niya si ma'am Minerva at yung mommy ni Brie na si Tita Satina.

Agad akong nilapitan ni Papa nang dumapo ang tingin niya saakin, agad niya din akong sinuri kung may sugat ba ako o may masakit saakin. "Who's that Agatha?! Are you okay?" Halata ang galit kay Papa nang itinanong iyon saamin.

"I am" sagot ko naman sakanya at tinignan niya lang ako sa isang malambot na tingin bago siya umayos nang tayo at mariin ang tingin sa mga taong nasa loob ng Dean's office na iyon.

"In my office, now." Maawtoridad na utos ni Papa sa lahat at inakay pa ako paalis doon.

Huminga lang naman ako nang malalim sa ginagawa niya at hinayaan nalang siya. Hindi ko pa din talaga maisip kung ano ang dahilan kung bakit ayaw sabihin saakin ni Papa ang tungkol kay Mama. Susubukan ko ulit siyang kausapin mamaya, at kapag wala pa din akong makukuhang sagot sakanya ay ako na mismo ang gagawa ng lahat para malaman iyon.

"You don't need to do this, Pa. Maayos lang ako" nilingon ako ni Papa at saglit na sinamaan ng tingin.

"Really, daughter?" Tanong nito at tumawa nang sarkastiko "Nakarating na saakin kung anong nangyari and I will do anything just to punish that Agatha and Nadia!" Sabi nito at nag mura pa!

He's always like that, lagi siyang nagagalit kung may nangyayari saaking masama. Maalaga siya saakin kahit na busy siyang tao, hindi rin siya nagkukulang saakin, at dahil iyon kay mama, of course.

"Pa, you don't need to, si Agatha nasa Hospital na." Sambit ko sakanya at ikunuwento ang panlalaban ko kanina.

Tumawa si Papa at saka kami nagpatuloy nalang sa paglalakad papunta sa opisina niya.

"I want Nadia to suspend, kahit dalawang linggo lang" sabi ni tita Satina nang mag simula ang meeting nila "And the assistants of Cali and Lavi, puwede silang ipa kick-out, kung hahayaan iyon ng Presidente na mangyari" sabi nito saka nilingon si Papa.

Tinanguan naman sila ni Papa saka nilaro ang sariling baba. "Ipatanggal na din ang kanilang assistant, they don't need it, masyado na silang responsable para magkaroon pa ng assistant" Sabi pa nito kaya sabay-sabay kaming napatingin sakanila.

Nagkatinginan pa kami nila Zy.

"Sa tingin ko, mas maganda nga iyan" ngayon ay iyong vice-president ang nagsalita, ang Daddy ni Cali.

Saglit pa akong napatingin sa daddy ni Cali at nang nilingon ako nito ay nag iwas naman ako ng tingin.

Ngayon ko lang siya narinig na nagsalita.

Enigma AcademyWhere stories live. Discover now