Enigma XXI

1.5K 76 3
                                    


Enigma XXI:

Kenzie's POV

3 of spades.

We saw another card after namin mapag-alaman na may isa pang patay mula sa ferris wheel na iyon.

At pagkatapos maibaba ang patay mula sa tuktok ng ferris wheel ay may isa nanaman kaming nakita. And that is the card.

I know those card is related with these cases. At kung sino man ang suspect, malamang ay pinaglalaruan nila kami.

"If the family of the victims will allow us to do an autopsy, we will" saad ni Lavi sa harap ng reporters na nag iinterview sakanya, masyado na kaseng nagkakagulo kaya pinaunlakan na. But then, hindi niya hinayaan na makita ang mukha dahil iyon ang kagustuhan ng officers, it's for our safety, after all.

Kaya lahat kami ay naka suot ng disposable mask at black cap na ibinigay ng mga kasamahan naming mga police.

The mask is protection from any virus from the blood if mayroon man. Ang masang-sang kase na amoy ng dugo ay hindi maganda.

Hula ni Lavi, na siyang may pinaka-alam sa science ay hindi lang namatay ang mga biktima sa pananaksak, mayroon pang iba.

"We will continue this case. Bumalik muna tayo ng Agency, we need to report this as soon as possible, move!" Si Kidd na pinahintulutan ni Cali kaya dumeretso na kami sa Van na sasakyan namin, everything we need to do is already done. Nakuhan na namin ng litrato ang crime scene, the clues, and the body of the victims. Kinikilala na din ng kambal kung sino yung mga suspect namin kanina gamit ang laptop nila, tinitignan na din nila ang background nila.

Ang kailangan nalang namin gawin ay pag isipan ng mabuti kung paano nangyari iyon, kung paano maikokonekta ang lahat.

"Where is the cards?" Tanong ko sakanila at agad naman na ibinigay saakin iyon ni Zek. "Saakin muna ito, pag-aralan ko" Sabi ko at tumango naman siya saakin kaya tinignan ko muna iyon saka inilagay sa bag ko.

"Guys, yung isang suspect hindi namin ma view ang background, someone is blocking us" Sabi ni Zy saka ihinarap ang laptop nila ni Zi at may nakita nga doong sign na may hindi sila mabuksan.

"May nakuha ba kayo tungkol sakanya, kahit kaonti lang?" Tanong ni Brie kay Zy at si Zi naman ang tumango.

"Pangalan niya lang, tapos kaonting pictures" sabi nito at ipinakita ang iilang pictures. Nakilala ko siya bilang iyong lalaki na nandoon sa mall na sa tingin ko ay parang kilala ako. Doon sa may gusto akong bilihin na dress but then itinaboy ako ng may-ari ng shop na iyon dahil napagkamalan akong mahirap.

"What is his name?" Agad na tanong ko kaya nilingon nila ako, kita ko pa ang pag kunot ng noo ni Cali sa peripheral vision ko pero hindi ko na siya matuonan ng pansin.

Nagtaas ng kilay si Zi tapos tumawa "Ayiee! Crush niya! Wag ka doon! Malay mo iyon pala yung suspect" walang kuwentang sinabi ni Zi kaya ang kakambal niya nalang na si Zy ang tinanong ko.

"Grae. Axel Grae Alejo is his full name"

Agad ako natigilan doon.

Alejo?

Saan ko na nga ba narinig o nakita ang Alejo?

Damn it! Kailan pa ako naging makalimutin?!

But, it doesn't matter anymore, ang alam ko lang ay familiar ang last name niya.

Alejo

"Pero kung sino man itong depungal hinaharang kami, siguraduhin niyang mas magaling siya!" Sabi ni Zi saka bumalik nanaman sa ginagawa kaya ganon din ang ginawa ng kakambal.

Enigma AcademyWhere stories live. Discover now