Enigma XXIV

1.4K 62 2
                                    


Enigma XXIV:

Kenzie's POV

"Huminahon kayo, Architect Perez" rinig kong pag papakalma ni Lolo sa arkitek.

Nasa dulo na ako ng grand staircase ng mga Peñaflor nang matigil dahil narinig ko silang nagtatalo.

"Huminahon? Anton? My Daughter's boyfriend is murdered!" Sigaw nito sa matandang Alejo. "Look at my daughter, she's crying non-stop! Animal ang kung sino man ang mamatay tao!"

Nangunot ang noo ko doon.

Mas lalong umiyak iyong si Aia na pinapatahan ngayon ni Heazel. "S-Stop it, D-Dad" mahinang sabi ni Aia.

"Architect Perez, my cousin is in upstair invistigating the crime. Malalaman din natin kung sino ang pumatay, lalo na sinabi niya na ang criminal ay nasa loob lang ng mansyon." Ngayon naman ay si Grae.

"Kung ganoon ay tawagin niyo na ang Enigma na iyon! Tignan natin ang galing niya! Kung alam na ba niya kung sino ang pum----!"

"Alam ko na kung sino." Hindi ko na pinatapos ang arkitek dahil mukhang minamaliit pa ako ng isang ito. "Alam ko na, kung sino ang killer."

Tuluyan na nga akong bumababa sa hagdanan nang makuha ko ang kanilang atensyon. Lumapit ako sa mga Alejo, Peñaflor at sa mag-ama na Perez habang naka pamulsa.

"Kung ganon? Sino ang pumatay sa anak ko?" Naluluhang tanong ng babaeng Peñaflor.

"Ipapaliwanag ko." Sambit ko at mas lalong lumapit sakanila. "Ang anak ng Gobernador na si Rhemuel Peñaflor ay pinatay sa sarili niyang kuwarto sa third floor ng mansyon'g ito. At nangyari ang insidenteng iyon sa kalagitnaan ng party." Paninimula ko, agad naman silang natahimik at nakinig saakin. "Ang sanhi ng kamatayan, pagkakasaksak sa dibdib gamit ang kutsilyo. Naka-lock ang pinto ng kuwarto ng mangyari iyon, at nasa bulsa ni Rhemuel Peñaflor ang susi" sabi ko.

Inilabas ko din mula sa bulsa ko ang nakuhang susi at ang magnifying glass sa bag ko. "Sinubukan ng culprit na palabasin itong pagpatay sa sarili. Maingat niyang inilagay ang susi sa bulsa ng biktima para hindi makaiwan ng fingerprints, pero ang totoo ay isa itong pagkakamali. Ang ginawa niya ay nag papatunay lang na hindi iyon ginawa ng biktima sa sarili, dahil kung hindi, may naiwan dapat na fingerprints ang biktima sa susi'ng natagpuan sa bulsa ng pants niya." Saad ko pa saka itinapat ang magnifying glass sa susi para ipakita na wala ngang fingerprints doon.

Nang maipakita na sa kanila ang ebedensya ay ibinigay ko sa Gobernador ang susi at ibinalik sa bag ang hawak na magnifying glass.

"Ang tanging labasan, ay ang bintana sa balcony katapat ng forth yard. Ibig sabihin pumasok ang killer sa may bintana sa balcony, pinatay si Rhemuel Peñaflor na nagpapahinga doon. Pagkatapos, lumabas siya doon din sa may balcony" pag papatuloy ko pa.

"May mga footprints ba sa ilalim ng bintana?" Tanong ng babaeng Peñaflor na unti-unti nang tumatahan.

Umiling ako. "Wala" barumbado kong sagot.

"Kung ganon? Paano nangyari 'yon?" Ngayon naman ay ang kasintahan ng biktima na si Aia ang nag tanong.

Ngumisi ako tinignan siya "Lumipad siya sa papunta sa isa pang balcony"

Halos mapa-singhap ang lahat sa sinabi ko at ang iba pa ay halos pag isipan ako ng masama.

"What?" Si Abby.

"Anong sinasabi mo?" Tanong ni Gideon.

"Anong kalokohan iyan?" Ngayon ay parang inis na din ang Gobernador.

"What are you saying? Mackenzie?" At pati si Grae.

Simangot ko silang nilingon lahat.

Panira

Enigma AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon