Enigma VII

2K 82 7
                                    


-This chapter is dedicated to Jevilyn Navarro Santos

Enigma VII:

Zek's POV

Pagkatapos ma closed yung krimen kanina ay pinasalamatan na kami ni ma'am Clarrise at ipapadala nalang daw ang bayad sa Agency namin.

Ngayon ay nasa Van na ulit kami at bumabyahe pabalik ng Academy.

Tengene shet, miss ko na yung assistant kong si Hera.

Masyado siyang maganda para maging assistant ko lang, gawin ko kayang asawa?

"Hoy, puta Zek! Ano iniisip mo?!" Napayuko nalang ako bigla at napa daing ng naramdaman ang batok saakin ni Lavi. Tanginang ito, isa pa 'to. "Ang creepy ng mukha mo!" Sigaw pa saakin ni Lavi at bahagyang niyakap ang sarili na parang kinilabutan.

"Tumigil ka nga, sipain ko mukha mo diyan" banta ko sakanya at inirapan niya lang ako.

Muli akong tumingin sa labas ng Van at napa-ngisi ng sumagi nanaman sa isip ko si Hera.

Simula nung nakita ko siya sa training room hanggang sa naging assistant ko siya, siya nalang pumapasok sa isip ko.

Na love at first sight ata ako.

"Dre" napa tingin ako sa nagsalita. Walang iba kundi si bata-bata. "Type mo yung assistant mo? Tinamaan ka, dude?!" Parang di pa makapaniwala si Xenn at lumipad pa ang dalawang kamay sa bibig.

Kinunotan ko siya ng noo bago ngumisi. "Dre, type mo si Zy? Tinamaan ka dude?!" Tinulad ko ang reaksyon niya at halos masampal niya na ako sa lakas ng boses ko.

Napalingon pa saamin sila Kidd, Lavi at halos humagalpak na sila sa tawa.

Maliban doon kay Cali na naka tingin saamin ng masama.

Baka daw kase, magising si Kenzie niya

"B-Brad naman" kinakabahan na sabi ni Xenn at nilingon si Zy na tulog.

Tulog lahat ang girls, nandito na ako ngayon sa back seat katabi ang kambal na humihilik.

Si Vivi naman ay doon na sa front seat naupo dahil doon siya pina upo ni Kidd.

Ramdam ko din na may something sa dalawang ito eh, pinag palit pa nga kami ni Kidd ng upuan ni Vivi, mukhang tinamaan din ang loko.

Pero ang mas nakaka gulat dito, ayon yung leader naming Englishero!

Nilingon ko si Cali sa pinaka likod ng Van at katabi doon ang natutulog na si Kenzie.

Napangisi ako ng makitang naka sandal yung ulo ni Kenzie sa balikat ni Cali!

Paano nangyari yon?! Eh ayaw na ayaw niyang si Cali na nadidikit sa kahit kaninong babae, tas kay Kenzie ayos lang?!

Isa pa itong si Lavi, alam ko na siya yung pinaka mahilig sa babae pero parang may nag bago sakanya?

Nilingon ko din sila ni Xenn na pinag gigitnaan ang tulog na si Brie, at kita ko ang naka halukipkip na si Lavi'ng mariing nakatitig kay Brie!

Luh! Ano 'to?! Tinatamaan na ba Class A boys? Ang rupok naman namin!

Tumagal pa ng sampung oras ang biyahe at ginigising nalang namin ang girls tuwing kakain. Nang papasok na kami sa gubat kung saan makikita ang Academy ay ginising na namin ng tuluyan ang girls.

"Zy, gutom ka ba?" Unang tanong ni Xenn kay Zy nang nagising ito, tinignan naman ito ni Zy pabalik saka umiling.

Halos tawanan ko pag mumukha ni Xenn nang malukot ang mukha niya.

Enigma AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon