Enigma XXIX

1.4K 58 1
                                    


-This chapter is dedicated to Holly Maude, Autumn Stassi Wrights, Xyzzy Takada'Wanda Maude Itchuwa

Enigma XXIX:

Kenzie's POV

"Mackenzie, you should take this." Grandfather said, saka ibinigay saakin ang isang Caliber 48.

Kinuha ko naman iyon mula sa kamay niya at tinignan iyon. "Hindi ako gumagamit ng baril, Lolo."

Nag buntong-hininga siya saka ako tinignan sandali. "Mackenzie, kung hindi ka gagamit ng ganito, paano ka makakauwi ng ligtas? Hindi pwedeng lagi kang dedepende sa iba, Hija."

Napa-isip ako sa sinabi ni Lolo. Kung sakali mang isinasagawa na namin ang plano, hindi naman dapat kailangang umasa ako sa mga kaibigan o sa pinsan na maililigtas nila ako. Dahil sa oras na umapak kami sa teritoryo ng mga kalaban, lahat na kami nasa peligro.

Tinanguan ko nalang si Lolo at tinanggap ang baril.

"Magpahinga ka muna sandali hija, bukas na bukas, maililigtas niyo na ang kaibigan niyo." Huling sinabi ni Lolo nang mag usap kami ng gabing iyon.

"Kenzie, isuot mo ito." Nilingon ko si Kendra na nasa tabi ko na ngayon. Inaabot niya saakin ang isang maliit na bagay. "Earpiece, diyan tayo mag uusap-usap." Sagot niya saakin ng makita ang katanungan sa mukha ko.

Tumango ako sakanya saka kinuha ang bagay na iyon at ikinabit sa taynga ko.

Nasa iisang Van na kaming lahat ngayon, maliban sa mga Alejo na nasa isa pang Van na nakabuntot ngayon sa sinasakyan namin. Papunta kami ngayon ng Agency at doon kikitain sila Papa bago kami pupunta sa runway kung saan kami sasakay ng private plane ng mga Enigma, tulad sa mga napag usapang plano nung nakaraan pagkatapos namin pumunta sa mansion ni Klaus Spade, ngayon na ang oras para bawiin si Brie at tapusin ang nag babadyang kasamahan nila Charlotte Alistair.

At ngayong nasa biyahe na kaming lahat papuntang Agency ay muli kong inalala ang mga napag usapan ng nakaraan.

"Alam na ni President Wilton kung saan nag lulungga sila Mrs. Alistair." Sabi ni Zi pagkatapos maka tanggap ng message mula kay Papa. "Isesend niya daw ang location, kaya dapat by this time nag paplano na tayo kung paano makukuha si Brie." Dugtong pa nito.

"Zi, don't call her Mrs. Alistair, hindi bagay sakanya. Parang ang bahong pangalan pag sakanya itinawag. You should call her now Mrs. Spade." Pagtatama pa ni Zy sa kakambal.

Tinaasan sila ni Xenn ng kilay. "Wow, parang hindi niyo iyon nanay, ah!"

Inirapan siya ni Zy at hinarap ito. "Hindi namin siya nanay at hindi niya kami anak."

Tumango si Zi para sang-ayunan ang kapatid. "Tama, hindi niya na kami anak simula ng mas piliin niya yung step-daughters niya! Mag sama-sama sila!" Galit na sambit ni Zi habang kumukuyom ang mga kamao.

"Tama na 'yan, plano-hin nalang natin kung paano tayo makarating doon, kung paano mababawi si Brie at mapasuko ang mga Spade, pati narin kung paano tayo makakaalis ng ligtas doon." Pag papatigil ni Lavi sa dalawa.

Sinang-ayunan siya ni Xenn at siya ang gumawa ng plano dahil saaming lahat, siya ang pinaka magaling doon.

Kaya nang araw na iyon ay naplano namin na magkikita ang mga officers at kaming Class A kasama ang mga pinsan sa Ae Agency bago pupunta sa private plane kung saan kami sasakay para makadating sa dulo ng Palawan kung nasaan sila Brie. Pagkatapos, kami ni Lavi ang papasok sa building ng mga kalaban at hahanapin si Brie sa nineteenth floor. At kung makaharap man namin ang mga kalaban, wala kaming pamimilian kundi ang labanan sila. So we did our best to train ourselves para makahanda kung sakali mang makaharap namin ang mga Spade, pagkatapos susunduin kami ng isang barko ng mga Alejo at doon sasakay para maka-uwi.

Enigma AcademyWhere stories live. Discover now